MAURICE
Mabilis na tumakbo ang oras at ngayon ay huling course na namin.
Nagdadaldalan lang sa tabi ko sina Shai at Briece samantala ang isip ko ay nasa binabasa kong libro tungkol sa subject namin ngayon. Ang biochemistry...
"Hey! Tama na 'yan, Mau. Baka lumaki na ang ulo mo sa kakabasa," saway sa'kin ni Shai at kinuha ang librong binabasa ko.
"Nag-aadvance reading lang," tugon ko dito at kinuha ang libro sa kanya.
Mahina kasi ako sa course na 'to. Ayaw ko namang mahuli sa klase kung sakali man lalo na't may scholarship akong iniingatan.
"Naku! Kakaganyan mo, wala ka ng magiging jowa," pangangasar ni Shai.
Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy na lang ang pagbabasa. Hindi ko din naman maintindihan ang sinasabi niya, e.
Jowa? Ano ba 'yun? Nakakain ba 'yun?
Binatukan naman ni Briece si Shai. "Ikaw nga, e. Walang jowa. 'Wag mo ngang gaganyanin si Maurice. Baka mas maunahan ka pa niyang magka-boyfriend, e."
Namula naman si Shai at sinamaan ng tingin si Briece.
"Ang sama mo!" aniya at tumalikod sa'min. "Soon, magkakaroon na din ako ng jowa!"
Napahilot nalang ako ng sintido at isinara ang libro.
Hindi kasi ako makapag-concentrate sa pagbabasa dahil sa ingay nilang dalawa. Pinag-gigitnaan pa naman nila ako.
Biglang bumukas ang pinto ng classroom at niluwa nu'n ang isang babaeng naka- teacher uniform habang may dala-dalang isang makapal na libro. Hindi nalalayo ang edad niya sa'min. Siguro'y mga nasa 26 pataas lang ang edad niya.
Pabalang na ibinaba ang libro sa mesa na nakagawa ng malakas na tunog. Kaagad naman kaming natahimik at pinagmasdan lang ang mataray niyang mukha.
"Good day!" aniya.
Sumagot naman kami sa kanya.
Tumingin ako sa orasan dito sa classroom at napakunot ang noo. Alas kwatro na pala ng hapon. Bakit ngayon lang siya?
"Since wala si Professor Terry. Ako muna ang magiging teacher n'yo sa Biochemistry kahit hindi ko naman talaga hawak ang course na'to. Kaya pasensyahan tayo, dapat makinig kayo sa'kin dahil kung hindi, bagsak kayo. Gets!" aniya sa maarteng tono kaya maraming napairap.
"Arte naman," nakataas na kilay na sabi ni Shai sa tabi ko.
"Sino ba siya?" tanong ko habang nakatingin sa babaeng nag-uumpisa ng magturo.
Hindi man lang siya nag-abalang magpakilala at kilalanin kami 'di tulad ng ibang teacher.
Mabilis siyang magturo kaya parang wala naman kaming naiintindihan.
"Siya si Professor Khie. Maarte 'yan at may kalandian. Jinojowa ba naman ang estudyante niya. Tapos ang usap-usapan, target naman daw niya ang mga princes," bulong ni Briece para 'di kami marinig ni Professor Khie.
"'Di ba bawal 'yon?"
"Oo, pero magaling magtago, e."

BINABASA MO ANG
The Odds Against Us
ActionWhen an unexpected man in a black mask appeared in front of her door and introduced himself as the grim reaper intent on ending her life, mystery and secrets about herself began to unravel.