MAURICE
"Please, come again."
Ngumiti ako sa babaeng may dalang dalawang frappe sa magkabilang kamay. Tumango lamang siya sa'kin bago lumabas ng coffee shop.
"Maurice, palit na tayo."
Napatingin ako kay Jane na inaayos ang pagka-bun ng buhok niya. Medyo pawisan na rin siya dahil sa dami ng costumer namin ngayon. Halos kaming apat na nagtatrabaho dito ay pagod na dahil t'wing hapon ay dumadami ang costumer dahil sa mga estudyante.
Naka-dalawang linggo na 'ko dito sa shop. Masasabi kong sulit ang pagod ko dahil sa dalawang linggo na 'yun ay may naipon na kaagad ako.
Balak ko kasing makapag-aral ngayong susunod na semester. Siguro ay mag-pupublic na lang din ako, du'n sa pinapasukan ni Jane.
Umalis ako sa p'westo ko sa counter at pinalitan ni Jane. Dumiretso ako sa kusina ng shop para sana mamahinga nang makasalubong ko si Kuya Raven na may dalang tray na may lamang dalawang piraso ng cheese cake.
Sabi ni Jane ay nagka-girlfriend ng isang beses si Kuya Raven pero nagkahiwalay din pero ngayon ay may gusto daw itong babae na palagi niyang inaasikaso. Hindi sa'kin sinabi ni Jane kung sino ang babae dahil baka daw maging awkward lang.
"O, mamamahinga ka, Princess?" tanong niya.
Isang mabilis na tango lang ang binigay ko sa kanya habang tinatanggal ang pagkakatali ng apron ko.
"Meron ako d'yang dinalang pagkain para sayo. Kuhanin mo nalang sa mesa," aniya na nagpangiti sa'kin.
Sa dalawang linggo ko dito ay napalapit na ako kay Kuya Raven. Sa totoo lang, sa kanila namang lahat.
Tatlong taon lang ang tanda ni Kuya Raven sa'min ni Jane at nag-aaral siya sa Resale University dahil sa scholarship daw.
Ang alam ko ang Resale University ay isa sa mga kalaban ng S.I.S at isa rin sa magandang University. Nakakamangha lang na nagawa niyang makapasok du'n dahil tulad din ng S.I.S, mahirap ding makapasok sa Resale.
"Ubusin mo, ha. Niluto ko yu'n para sayo," huling paalala niya sa'kin bago lumabas para ibigay ang orders sa mga costumers.
Dumiretso ako sa isang mesa at nakita kaagad ang pagkaing tinutukoy ni Kuya Raven. Umupo ako sa isang upuan at binuksan ang lunchbox. Tumambad sa'kin ang adobong ulam at kanin.
Napatingin ako sa may gilid nito nang may makitang sticky notes.
May taro ice cream sa ref, kainin mo pagkatapos.
Napangiti agad ako nang malawak sa nabasa. My favorite!!
Nasanay na ako kay Kuya Raven dahil simula ng mag-trabaho ako dito ay palagi niya akong pinag-dadala ng pagkain. Hindi ko nga alam kung bakit niya ito ginagawa pero pasalamat na lang din ako.
Napaangat ako nang tingin nang may maramdaman akong may umupo sa upuang katapat ko.
Nakita ko kaagad si Daniel nang mai-angat ko ang mga mata ko para makita kung sino ang umupo. Siya yu'ng lalaking nagtanong ng pangalan ko pero ayaw namang sabihin ni Jane. Naging kaibigan ko na rin siya at nalaman kong may pagka-playboy siya at maingay, 'di tulad ni Kuya Raven na palaging seryoso.
BINABASA MO ANG
The Odds Against Us
ActionWhen an unexpected man in a black mask appeared in front of her door and introduced himself as the grim reaper intent on ending her life, mystery and secrets about herself began to unravel.