Kabanata 15

1.5K 120 13
                                    

MAURICE

"Sure ka bang pwede akong sumama sayo? Nakakahiya naman du'n sa kaibigan mo."

"Ang kulit mo, Jane. Sabi ngang ini-invite ka rin ni Shai. Gusto ka nga nilang makilala."

"Nakakahiya kasi."

Papalit-palit ang tingin ko kina Daniel at Jane. Nasa back seat ako ng kotse ni Daniel samantalang nasa unahan naman silang dalawa. Katabi ko ang mga regalong binili namin para sa 19th birthday ni Shai.

"'Wag kang mag-alala, mababait sina Shai. Baka nga mabilis kayong maging close, e," pagpapagaan ko kay Jane.

"Oo nga, parehas kayong kalog," dugtong ni Daniel.

Hinampas naman agad siya ni Jane. "Tangina mo."

Pupunta kami ngayon sa bahay nina Shai para i-celebrate ang birthday niya. Simpleng salo-salo lang daw ang inihanda niya. For friends and family lang daw. Pang-hapunan lang talaga.

Nalaman nina Shai at Briece ang tungkol kay Jane. Gusto daw nilang makilala ang best friend ko kaya inimbitahan nila ito. Ang kaso si Jane ay sobra ang hiya. Pero sure namang ngayon lang 'yan. Kapag nagkausap na sila mamaya ay sobra na siyang maging maingay.

May pagka-extrovert din kasi itong si Jane. Ang daling makisama sa tao.

"Happy birthday, Shai!"

"Happy birthday! You look so beautiful today."

"Happy birthday po!"

Inilapag ni Daniel ang regalo namin sa isang tabi na kung saan nakalagay ang mga regalong natanggap ni Shai.

"Thank you... buti nakadating kayo agad. Naunahan niyo pa 'yung mag jowa."

Nagtawanan kami.

Ang ganda talaga Shai. Naka-sleeveless siya na red dress na hapit sa kanyang katawan. Kitang-kita tuloy kung gaano kaganda ang body shape niya. Halatang nag-eexercise dahil sa liit ng bewang niya. Parang wala siyang baby belly. Nangibabaw ang ganda ng kayumangging kulay niya dahil sa make-up nito. Nakapang-Latin make up siya. Wavy din ngayon ang buhok niya na bumagay sa ayos niya ngayon.

She looks stunning and beautiful today.

Nakakahiya tuloy tumabi sa kanya ngayon.

Napunta ang tingin ni Shai kay Jane. Mas lalo siyang napangiti ng makita ang kaibigan ko.

"Hello, you must be Jane, right?"

"Yes, hello... Jane Silvestre nga pala."

"Shai nga pala."

Hinatid niya kami sa dining area nila na kung saan nakahanda ang mga pagkain.

"Wow! Daming foods!"

Kaagad na kumuha si Daniel ng pinggan at kumuha ng gusto niyang pagkain.

Ang daming nakahayin na iba't ibang pagkain. Kadalasan sa mga ito ay Western foods na ngayon ko pa lang matitikman. Halatang yayamanin ang inihain nina Shai sa kanyang birthday.

The Odds Against Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon