Chapter 3

370 23 0
                                    

Chapter 3: Gigil

===

Kieann Eldo
1hr ago

For the first time in the history, may transferee na nakasama ang SB19 sa iisang section! Guys, she must be genius!

😮👍😢 1k              579 comments     136 shares

===


Di ako makapaniwalang yung taong ngayon lang ako nakita, parang gustong kalkalin yung buong buhay ko. What's the problem with that? Ganon na ba kayo ka disperada para makaklase yang SB19 niyo? Tss.

Sino ba kasing nagpasok saakin sa Facebook group na 'to? Hindi naman ako nag accept ko kahit ano.

Naglalakad na ako papunta sa room na assigned pero ang lahat ng nakikita ko ay tumitingin saakin. Tinitignan nila ako na parang lalandiin ko yang lima. They can't undo everything in my life.

Pagpasok ko ay tinignan ako nilang lahat, including yung SB19 chuchunes kaartehan. Tinitignan nila ako ng gulat na gulat. I don't belong here tho, ako lang ang transferee at naka civilian dito.

May babaeng lumapit saakin habang mabagal na pumapalakpak, "Great job! New slut over here!" tinignan niya ako at tinaasan ng kilay. Nag cross-arms pa. "Talino mo naman, gusto mo yatang agawin ang SB19 saamin na A'TIN" A'TIN who? Ha? Their fandom?

"Kieann, hey. Tama na" awat ng isang SB19 member, may braces? Siya yung famous sa mall. "Ikaw ba yung kinikwento ni Jah? Yung--" napatigil siya nang lahat nang nasa room ay nakatitig sakanya.

"Sejun, wag na!" the man that I'm stuck with sa elevator stoped him. "What's your name again?" IDK if he's talking to me. "Oo ikaw" turo niya saakin. Nagbulungan ang mga tao sa room, ganito ba talaga ang impact ng mga to?

Di ako sumagot and just focused finding chair para maka-upo. Sa kasamaang palad, wala akong makita. Nako.

"Kukuha ako." nag presinta yung nakabanggan ko ay lumabas ng room. Nagtilian ang mga babae na akala mo ngayon lang nakakita ng lalaki at nagiisa lang siya sa mundo.

"Wow." inikutan ako ng mata nung babae. Parang nakita ko na siya. Yung profile picture nang nakita kong post kanina sa Facebook group ng school.

Nang pumasok ulit si Mr. Nakabanggan ko ay inilapag niya ang upuan sa tabi nilang lima. "Eto, dito ka maupo." pinagpag niya pa ng kaunti ang upuan pero binuhat ko nalang ito at dinala nalang sa ibang lugar.

"Thank you." sambit ko at inilagay ang upuan sa tabi ng isang babae sa likod.

Habang naka upo ako nabigyan ako ng oras upang iikot ang mga mata ko sa room. White tiles, white board, sobrang aliwalas. May aircon din at 'di mainit dito, pati electric fan meron.

I also noticed that iba't iba ang color ng lace ng I.D. ng mga tao dito. Yung sa chuchunes kaartehan in short SB19, meron silang Maroon laces sa I.D. siguro kung sa tickets baka SVIP. Si Kieann naman ay merong Pink laces, bakit kaya?

The rest nang nandito ay may Green laces, siguro it represents the Section A-1. Baka special section ganon.

"Hiii!" nagulat ako nang magsalita ang nasa tabi ko at inabot sakanya ang kamay niya. "I'm Ondie, you are?" tanong niya. Tinignan ko ang kamay niya.

"Xyzeia." pabulong kong sabi at nakipag-kamay sakanya, wala akong nararamdamang kakaiba sakanya. Maamo ang mukha niya, naka braid, singkit na mata, maliit na ilong at labi. Pati buong mukha niya ay maliit, para siyang koreana na ewan.

Dreams In Reality | SB19Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon