Chapter 12: Serious Mode
"Pumunta ka nalang mag isa--" naputol ako sa napakalakas na sigaw ni Aaxiena.
"ANOOO?!?!" galit niyang sambit. Tinaas niya ang kaliwa niyang kilay sabay pakita ng picture sa cellphone niya.
Picture ng hinawakan ni Stell kamay ko.
"Ilalabas ko to o sasamahan moko? Pili bilis." maangas niyang sabi. Niyukom ko ang mga kamay ko.
Napabuntong-hininga na lamang ako. "Siguraduhin mo lang na walang makakakilala sayo." naiirita akong umupo sa sofa at hinintay siyang maghanda.
-
"Ayos na." pinagpag pa ng kaunti ni Aaxiena ang leggings at oversized t-shirt niya. Isinuot niya naman ang white cap niya at nag mask. "Daan muna tayo sa salon, papakulay ako ng buhok. Wala naman akong event this week at next week ko nalang ibabalik sa itim ang buhok ko." tumango nalang ako.
Parang di niya ako pinagbantaan kanina tungkol sa picture ah? Wow.
"Hazelnut brown po." sabi ni Aaxiena at yun ang naging hudyat ng pagsisimula ng pagpapakulay niya ng buhok.
"Ms. Aaxiena??! Omg! Fan niyo po akoo! Pwede po ba pa autograph mamaya?" ngintian ni Aaxiena ang nagkukulay sa buhok niya bago sumagot.
"Sure. Pero next week mo na ipost kung ipopost mo man ha? For privacy. Salamat." ngumiti pa ulit si Aaxiena. Tumango naman ang Babae.
-
"Tara." pagyayaya ni Aaxiena pagkatapos niyang magpakulay ng buhok. Walang kwenta lang naman din kasi tinali niya ang buhok niya at natakpan ng cap.
"Omg, si Xie yan???!" nagugulat ako sa mga bumubulong sa tabi ko, kilala padin nila tong bruhang to kahit balot na balot na? "Sino yan? Yaya niya?" kasunod non ay isang halakhak. Lagi nalang akong nakukumpara.
-
==
Josh Cullen Santos
Calling...==
Todo ngiti na si Aaxiena nang mag pop-up si Josh sa screen ko kahit naka mask siya. Kitang-kita sa mga mata niya.
"Hello? Nandito na kami nakaupo na." agad kong sabi.
"Gusto mo ba dito sa backstage? Yayain mo kaibigan mo." ngumiwi nalang ako bigla. "Hoy, nakikita kita kahit nasa backstage ako." naghiyawan ang mga fans ng chuchunes, nakita yata si Josh na sumisilip.
"Wag na, bugbog lang abot ko. Mamaya na pag tapos na." paliwanag ko at nalungkot naman si Aaxiena. Sinenyasan ko siya na umayos dahil nakikita siya ni Josh. Umayos naman.
"Sige, sige. Pangatlo pa kaming sa lineup." sabi niya. "Bye!" at binaba niya na ang tawag.
"Sigurado ka ba talagang okay ka lang?" di ko alam pero nakiki chismis ako sa nasa harap kong may kinakausap sa telepono. "Weh? Kaya mo mag perform?" nagulat ako, baka artista kausap neto? Perform daw eh. "Okay. Goodluck!" masiglang sabi niya.
Bigla na lamang sumakit ang ulo ko, ang lakas kasi ng crowd! Hindi ako sanay sa mga ganitong lugar na lahat sigaw ang naririnig ko. "WALANG MAKAKA PIGIL!!~~" naririnig ko nang sumisigaw si Aaxiena hawak-hawak yung umiilaw na kulay blue, magkabilaan pa. SB19's song.
Ilang minuto ang nakalipas at may iba't ibang artista ang nag perform. Kanya-kanyang sigaw naman ang mga tao dito sa loob dahil sa kanya-kanya din nilang idolo.
BINABASA MO ANG
Dreams In Reality | SB19
FanfictionFantasy is not for me, because it lives in me. - COMPLETED ✔ December 31, 2019 - March 16, 2020 An imperfect book.