Chapter 11: I'm Just Nobody
Halos mapunit na ang labi ni Aaxiena kakatingin saakin habang kumakain. Porket sasamahan ko siya tignan mo yung ngiti, abot tenga.
Kung wala lang talagang libro, haysst.
"Sisss, tawagan mo yung isang member sabihin mo bigyan tayo ng upuan sa harappp!" aba, umaabuso na to ah. Gusto pa yata marinig ang boses sa call.
"Tss, fine. Sino?" tanong ko habang binubunot ang cellphone sa bulsa ko.
"Kahit sino, yung pinaka close mo hehehe." habang kinakalikot ko ang cellphone ko ay panay silip niya naman doon. Kaya binaba ko nalang ang cellphone ko sa dining table tyaka hinanap ang facebook account ni Josh. "Friend mo sila?! Huhuhu sana oil" nginiwian ko nalang siya bago tawagan si Josh.
"Hello?" kaunti nalang ay pwede nang iketchup si Aaxiena dahil sa pula ng mukha niya sa pagpipigil na sumigaw. "Oh, Zeia? Napatawag ka?" tanong niya at mas lalong nagwala si Aaxiena.
"Ahh.. yung friend ko kasi eh gustong pumunta sa event niyo mamaya. Gusto niya daw sa unahan. Pwede ba makahingi ng ticket? Hehe.." labas na yata lahat ng ngipin ni Aaxiena sa pagngiti.
"Sasabihan ko yung staffs. Pero sumama ka." napa ngiwi ako kay Aaxiena.
"Oo, sasama ako." narinig ko namang tumawa si Josh sa kabilang linya. Nako, kamatis na si Aaxiena!
"Nice, sige chat nalang kita pag pumayag yung staffs. Byee!" sabi niya at binaba ang tawag. Dun lang napasigaw ng napakalakas si Aaxiena.
"HALAAAAAAA AHSBSHHSBSHSJSJSJ" hindi ko na maintindihan ang pinagsasabi niya. Patalon-talon na siya pabalik nang pabalik sa bahay. Aba ewan ko dito, basta SB19.
Natahimik siya nang nakita niyang nag pop-up ang chat head ni Josh sa phone ko.
==
Josh Cullen Santos
Okay daw. Magtanong ka sa staff tapos sabihin mo pangalan ko. Pag hindi naniwala susuntukin ko, joke. HAHAHA enjoy!
==
"YAAAAYYYYYYYY---" natigil si Aaxiena nang marinig niya ang footsteps ni Mom.
"Why are you shouting?!" sigaw ni Mom at biglang akong nilingon. "And you? Kala ko ba may klase ka?" tanong niya saakin.
"May pupuntahan po kaming event---" pinutol ko si Aaxiena ng masamang tingin. "Ah, wala po hehe."
"What's with that look?!" tinarayan ako ni Mom. "Umagang-umaga iniinit niyo ulo ko! Lumipat nga ka nga Xyzeia dun sa kabilang bahay!" bago pa niya dugtungan yun ay kaagad akong umalis ng mansion at lumipat sa bahay.
"Oh, Zeia?" tanong ng lalaking naka mask saakin. Tinanggal niya yun at muling nagsalita. "Dito ba bahay mo?" tanong niya. Ah, si Stell.
"Anong ginagawa mo dito?" kinunutan niya nalang ako ng noo tapos ngiti. "A-ah, oo yan bahay ko." turo ko sa mismong pinto ng bahay namin.
"Pwede ba tumuloy? Nauuhaw ako eh hehe. Ayos lang naman hindi!" pakiusap niya at umo-o naman ako dito. "Wow daming kasambahay. Di nako nagtaka doon sa gadgets na nawala mo nung isang araw." unang sambit niya nang makapasok. "Asan mga magulang mo?"
"May pinuntahan." palusot ko, di niya naman nahalata yun at nilibot lang ang paningin sa bahay. "Ahh, padala po ng tubig and juice dito salamat." sabi ko sa isang kasambahay.
"Mayaman ka yata noh? Sabi ko nga, bakit pa ako magtatanong." tanong niya at agad naman akong umiling-iling.
"Ano nga pala ginagawa mo at naglalakad-lakad ka lang?" tanong ko
"Magkikita-kita kami mamaya diyan sa Mall, bibili daw ng kung ano-ano si Ken nagpapasama pa saaming apat. Tyaka may event kami diyan." paliwanag niya. "Matagal pa gumalaw ang mga yun--"
Saktong pagsabi ni Stell nun ay may nag doorbell. Si Justin? "Ay, ayan na ang earlybird. Sige alis na ako ah? Salamat sa juice." sabay inom niya pa ng kaunti.
Nag paalam muna sila bago umalis pero hindi ko naman sila na inintindi. "And who are you two??!" kinabahan ako nang marinig ko ang boses ni Mom.
Nalagutan na.
"A-ah--" magpapaliwanag na sana si Justin nang sumigaw nanaman si Mom.
"Boyfriend ba ng anak ko ang isa sainyo?!! Sagot!" sigaw niya. Nag vibrate naman ng todo ang cellphone ko, messages ni Aaxiena na ngayon ko lang nareceive. Epal nanaman signal.
"Ma!" sigaw ko at sumingit sakanilang tatlo. "Napadaan lang sila. Kaibigan ko." sabi ko at mukhang di padin siya kumbinsido.
"Sino ba kayo ha?!!" bulyaw ni Mom.
"J-justin po." sabi ni Justin na nakayuko.
"FULL NAME!!" halos pumutok na ang ugat ni Mom. Dumarami na ang tao sa paligid at pati ang camera nila. Yung image nila ako pa talaga yung sisira.
"Ma, tama na! Alam mo ba sa kagaganito mo pwede masira ang buhay nila?! You don't know anything." sigaw ko at sapak nalang galing kay Mom ang natanggap ko. Sasapakin na sana ako ulit sa kabilang pisngi pero hinarang ni Stell ang kamay ni Mom. Dahil dito nanlaki ang mga mata niya.
"Pangalan ko po Stellvester Ajero, siya po Justin de Dios. Pasensya na po, pero wala po kayong karapatan para saktan ang sarili niyong anak." biglang hinablot ni Stell ang kamay ko at inilayo doon. "Naiintindihan kong mali din ang pagsagot ni Zeia sayo pero bilang magulang niya, mali padin po ang ginawa niyo."
"Teka, KINAKAUSAP KO PA KAYO!! BASTOS!!" si Mom.
"K-kuya stell, t-tama na. U-umalis na t-tayo.." nauutal na sabi Justin.
"Tama umalis na kayo dito. May pinoprotektahan kayong career diba? Wag niyong hayaan ang pinaghirapan niyo dahil sa nanay kong bruha." pinaalis ko sila. Haharapin ko na sana si Mom nang hablutin nanaman ang kamay ko ni Stell at isinama sakanila.
-
"Hala." tanging laman ng bibig ng ibang members nang makita ang mukha ko. Nakamrot ito ni Mom dahil sa kuko niya. "Palagay po ng bandaid sa sugat ni Zeia." nag aalalang sabi ni Sejun.
"Ano ba kasing nangyari? Bakit ganon magsalita ang Mommy mo?" mahinahon na tanong ni Josh. Aba dito pa talaga kami nagkita-kita, sa Mall kung saan madaming mata ang nakabantay. Paniguradong kita ko ang mukha kong kalat kung saan saan.
"Ganon lang talaga yun magsalita. Sanay na ako." nagulat sila sa sinabi ko. "Sige na may event pa kayo. Kaya ko na sarili ko." nag walk out ako habang pinupunas ang dugo na nasa pisngi ko gamit ang panyo ko.
Nararamdaman ko nalang na may sumasabay sa paglalakad ko, "Gusto ko kausapin Mommy mo." si Stell.
"Gago ka ba? Gusto mo ba mawalan ng trabaho?" mahinahon pero galit na sabi ko. Di ko na napigilan magmura. Okay lang saakin na masaktan ako at maparusan kaysa sa ibang tao.
"Ano ba kasing meron sa Nanay mo---" pinigilan ko ang pagsasalita niya nang magsalita din ako.
"Pwede ba tigilan niyo na ako? Di mo ako kilala." tumalikod ako at binilisan ang paglalakad ko.
~
BINABASA MO ANG
Dreams In Reality | SB19
FanfictionFantasy is not for me, because it lives in me. - COMPLETED ✔ December 31, 2019 - March 16, 2020 An imperfect book.