Chapter 10

288 21 0
                                    

Chapter 10: Curiosity Kills?

XYZEIA's POV

"HELPPPPPP!!!" bigla nalang ako nakarinig ng babaeng sumisigaw. "TAO, TAO!!" sigaw niya nang makita ako.

"T-tao ka d-din?" tanong ko sabay turo sakanya. Puro puti ang damit niya at blanko ang mukha niya na hindi ko maintindihan. Basta wala akong makitang bibig, ilong, mata, kilay o kahit ano sa mukha niya. Pero halatang siya ang sumisigaw.

"Oo, bakit ka nandito?!!" nagtataka ako kasi hindi niya makita si Kuya na nasa harap ko lang. Ako lang ba nakikita niya? "Tulungan mo ako!! Patay na ba ako?!!" tinaasan ko siya ng kilay.

Iyon din ang una kong reaksyon nang mapadpad ako sa mundong ito. Na, ito na ba ang katapusan? Oras ko na ba?

"Gaano ka na katagal dito?" mahinahon na tanong ko pero kinunutan niya lang ako ng noo. Mukhang bago palang siya dito kaya wala siyang maintindihan. Nilingon ko naman si Kuya, "Kuya, nakikita mo ba siya? Parang di ka niya nakikita eh."

Natahimik lang kaming lahat. Lalo na si Kuya dahil di siya umiimik. "Sino ba yung kausap mo? Tayong dalawa lang naman nandito ah?" nagulat ako sa sabi niya. Hindi niya nga makita si Kuya.

"Yung ilaw sa braso ko..." pabulong na sabi ni Kuya. "Nawala."

-

"AAAYYY, JUSKO!!!" sigaw ng kasambahay namin pagkatapos kong makarinig ako ng kalabog na nabasag. "HALAA, JONA NAMAN KASI!!!" napasigaw ang kasambahay kaya madali naman akong bumuhat sa kama.

Mas lalo na akong nagiging excite sa panaginip ko ngayon kumpara sa dating kinakabahan ako.

"Anong nangyari---" napatigil ako nang nakita ko ang nabasag yung pinaka iniingatan kong vase. "Sino nagbasag?" napapikit ako sa inis at pinipigilan ko nalang sumabog. "Sino?" tanong ko pa ulit pero walang sumagot. "SASAGOT KAYO O PAALISIN KO KAYO LAHAT DITO---"

"A-ako po!" nauutal na sabi ng isang kasambahay namin na nag ngangalang Jona. "Ako n-nalang po p-paalisin n-niyo, wag n-na sila." pakiusap ni Jona saakin.

"Get out. At linisin niyo na din yan." maikling sabi ko bago sumakay at umalis sa bahay na yun. Mainit ang ulo kong pumunta sa kabilang bahay para makapagpalamig ng ulo.

-

"Good morning po." bati ng guard pagpasok ko ng gate. Dumeretsyo nalang ako sa kwarto ko at binuksan yun. Kinuha ko ang gitara na nasa tabi ng mesa ko at tumugtog.

Random songs lang ang pinatugtog ko dahil wala naman akong kabisado kahit isang kanta. Naisipan ko naman na lumipat sa keyboard ko at mag search ng chords.

"SISSS!!" iniluwa ng pinto si Aaxiena na todo ngiti saakin. Ah, yung autograph. "Wala kang klase?"

"Mamaya pa." maikling sabi ko.

"You love Dad's things no?" sabi niya while wiping the dirt on the keyboard. "Even if.."

"He likes you more?" pagdudugtong ko. "Come on, stop being like that to me as if naman ticket sa kabaitan mo yung autographs na yun." I said at patuloy sa pag s-scroll sa google para maghanap ng chords.

"I'm being nice to you, ayaw mo ba?" seryoso niyang sabi na minsan ko lang makita sakanya. "After all magkapatid padin tayo. Tayo lang magtutulungan kapag magulo ang pamilya natin." dagdag pa niya. Nakain neto?

"Correction, half sister." reklamo ko naman na ikinakunot ng noo niya. "Gustong-gusto ko na talaga makilala yung kapatid ko sa step-father ko." halos maiyak ko nang sabi.

"Alam mo, let's relax. Ayaw ko na din naman ng away eh." sabi niya. "May problema ba? Di ka naman ganito dati ah? Na pag may ganito akong kadramahan sinisigawan mo lang ako at pinapaalis sa kwarto mo." natawa naman ako sa sabi niya.

"Yung vase, nabasag sa bahay." nanlaki ang mga mata niya sa gulat. "Binasag ni Jona---"

"FIRE HER!!" nginiwian ko naman siya at nagets niya naman agad ang punto ko na naunahan ko na siya. Alam niya na talaga ang ugali ko. "Anyways, ano, deal? Bestfriend slash sisiter?" medyo natawa pa ako sa sabi niya dahil hindi ako sanay sa mga ganitong kaartehan sa buhay.

"I'll try." maikling sagot ko.

"May alam akong chords, tugtugin mo ako kakanta. Post ko sa Youtube Channel ko daliiii!!" sigaw niya at inagaw ang phone ko. Sinearch niya ang chords at pinlay ko naman. Ang ganda.

Sinubukan ko rin na sabayan ang original na boses ng kumakanta. "Parang narinig ko na ito ah?" natawa saakin si Aaxiena.

"Maganda ba?" tanong niya at tumango ako.

"Hindi ko alam pero ang ganda sa tenga ng boses nung kumakanta. Pero bakit paiba-iba? Grupo ba kumanta neto?" tanong ko pero nanatiling naka nga-nga ang bibig ni Aaxiena. "Huy." sinubukan kong kunin ang attention niya pero gulat na gulat padin ang bruha.

"OMG!!! YIEEE STAN SB19!!" sigaw niya nanaman pero agad ko nang natakpan ang tenga ko. "SB19 ang kumanta niyan." nabigla ako sa sabi niya. Yung mga mokong na yun? Kanta nila to?!

"Sino composer? Ang galing naman." natawa nanaman saakin yung bruha at hindi ko nanaman siya maintindihan. Kailangan niya na yata ng maintenance.

"Sila nagsulat niyan teh!!" tawang-tawa na sabi niya. Woah. "Gulat ka noh? Imagine yung ganyang kaganda na kanta yung sumulat nakikita mo lang sa school at nakakausap."

"Wowie." pabiro kong sabi.

"May event sila diyan sa kanto, samahan mo naman ako oh! Wag ka na pumasok hehehe" pagpapabebe niya. Ayun, may atraso pala kaya grabe ang kadramahan na sinabi. Kailangan lang pala ng kasama.

"Makikita nga tayong magkasama diba, ayokong laman ng balita at Twitter." natawa nanaman siya.

"Pleaseee? I'll buy you books. Tas mag ma-mask lang ako." pag pu-puppy eyes ni Aaxiena. "Yung friends ko madaming alam na bookstore na magaganda ang books. Come on, Xyzeia!!" wala akong nagawa kundi tumango nalang.

Ano kaya ang vibe nila pagdating sa stage?

-

Dreams In Reality | SB19Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon