Chapter 8

335 21 0
                                    

Chapter 8: Yakap Ang Solusyon

"Ma'am, gising po. Ma'am!!" sigaw nang kasambahay habang inaalog ang katawan ko. "Dios ko! Maraming salamat po! Ma'am gising ka na!!" sigaw nang kasambahay.

Nagising ako nang sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko at basang basa din ng pawis ang leeg ko. Ang buhok ko ay basa na din sa pawis. Naka kumot din ako at balot na balot.

Shet, a dream inside a dream.

Tinignan ko ang phone ko, August 18?!?!

Tinignan ko ang paligid ko at laking gulat ko nang may dextrose na naka kabit sa braso ko. May kung ano-ano naman sa gilid kong tumutunog.

"Anong nangyari?!" tanong ko.

"Tulog po kayong 2 araw, Madam." hindi pag dadalawang isip na sagot ng kasambahay. 2 araw akong tulog?!!

Nang silipin ko ang cellphone ko, puro "Get well soon Justin." ang nakikita ko. Ha?

Bago pa umalis ang kasambahay ay tinanong ko siya, "Manang may kilala ka bang Justin de Dios?" tanong ko at tumango ito. "Anong balita sakanya?" dagdag ko.

"Ayun madam, laman ng balita. May sakit din daw po." sabi niya at tumango ako. Pina alis ko na siya.

Pag open ko sa phone ko, bigla itong nag lag dahil sa dami ng notification na nag pop-up. Group chats, tweets, posts and etc. Binaba ko muna yun dahil alam kong madadag-dagan pa.

"[BREAKING NEWS] SB19' Justin, gising na daw mula sa pagtulog ng dalawang araw nang biglaan sa WIS Hospital."  lalo akong kinabahan sa nakita ko sa TV. Sabay kaming gumising?

Nag-handa nalang ako at pumasok ng school. Kailangan ko nang bumawi dahil madami na akong na miss na lessons at sa tingin ko bagsak na yun lahat.

"Ms. Zoren, your back!" sigaw ni Miss matapos kong umupo sa desk ko. Wala ang lima sa upuan nila. Baka nagpahinga silang lahat? "Anong klaseng kababalaghan ito? Sabay kayong gumising ni Mr. de Dios. Sabi ng Dean ay ayos na daw siya." nag bulong-bulungan na naman sila.

Ilang sandali pa ay laking gulat naming lahat nang pumasok si Stell kasama si Josh. "Good morning po, sorry we're late." panimula ni Stell nang makapasok siya sa room.

"Akala ko ba ay may schedule kayo ngayon?" tanong ni Miss. Umiling-iling si Josh at umupo na.

"Ayaw po ni Sir Robin munang palabasin kami." paliwanag ni Josh. At dun na nga nagsimula ang klase.

-

"Uhh.. pwede ka ba munang sumama saamin?" nilingon ko ang direksyon ng nagsasalita. Si Josh, nakaharap sa railings ng hallway. Binalewala ko ito at nagpatuloy sa pagkalkal ng files sa phone ko. "Zeia!" nagulat ako nang ako pala ang kausap niya.

"H-ha? Bakit?" tanong ko. Tama naman yung sinabi ko diba? Sino namang sasama sa di mo naman kilala? "Sinong saamin ang sinasabi mong sasama ako?" dagdag ko pa.

"Saamin ni Stell." tinaasan ko siya ng kilay at iniisip kung ano bang gusto niyang iparating. "K-kay Jah sana." Jah?

"Jah?" tanong ko

"Justin, yung kaibigan ko." ahhh.

"May gagawin pa ako eh." palusot ko dahil ayokong pumunta sa chuchunes na yun. Panigurado kukulitin lang ako nun at mag aannounce ng madami tungkol sa stage play.

Dreams In Reality | SB19Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon