Chapter 33: Accepted
XYZEIA'S POV
Timeskip. After 1 month.
Umagang-umaga ay may biglang tumawag saakin. Kahit inaantok pa ako, sinagot ko naman. "H-hello?" di ko nakita yung tumawag, bahala na.
"M-mahal.." kinakabahan na sabi ni Stell. "P-pinapatawag tayo s-sa office ni S-sir R-robin.." biglang nawala ang antok ko at umupo ako sa kama. "K-kinakabahan a-ako.." nauutal niyang sabi.
"A-alam niya n-na ba?" tanong ko pero hindi siya nagsalita. Oh my god.
"K-kalat na sa T-twitter yung picture n-natin kagabi.." sabi niya. Akala ko ba bawal yung ganon? Privacy namin yun ah? Bakit kailangan picturan? "M-mahal, di ko na a-alam gagawin k-ko." kahit ako ay parang naluluha na.
"Kailangan na y-yata--" di ko pa nakukumpleto ang sinasabi ko ay binara niya na kaagad ako.
"W-wag please? K-kung pwede panaman g-gawan ng paraan.." sabi niya at ramdam kong naluluha na siya. "Susunduin kita jan sa condo mo, di p-pwedeng lagi n-nalang tayong nagtatago." sabi niya.
Matamlay akong nag ayos at nagsuot ng komportableng damit. Hindi ko na alam ang mangyayari sa buhay ko pagkatapos naming kausapin si Sir Robin. Pakiramdam ko yuyuko lang ako sa hiya at matatapos ang relasyon namin ni Stell ng wala sa oras.
Oo, mag fi-first monthsary na nga kami bukas. Isang buwan na din na nawawala si Jah at ni-isang report ay wala kaming nakuha. Kinakabahan na din ako lalo kay Jah. Sana buhay pa siya.
Ilang saglit pa ay may biglang nag doorbell. Agad ko naman kinuha ang gamit ko at binuksan ang pintuan. Bago ko pa makita ang mukha ni Stell ay niyakap niya ako kaagad. Bigla ko nalang narinig ang pag iyak niya. No..
"M-mahal.." halos di na ko na siya maintindihan sa pag iyak niya. "A-ayokong mawala ka." hinaplos-haplos ko ang likod niya at niyakap siya ng mahigpit.
"K-kung kailangan na talaga, h-hintayin nalang natin ang tamang p-panahon." sabi ko na akala ko matitigil na siya sa pag iyak pero mas lumakas pa ang iyak niya. Pati ako ay naluluha na din. Kumalas ako sa pagkakayakap namin at tinignan siya. Pinunasan ko ang luha na nasa pisngi niya at inayos ang buhok niya. "Ikaw talaga, hindi na nagbago iyakin padin."
"Paano k-kung paghiwalayin talaga tayo? Minor ka palang at malaki ang age gap n-natin." seryosong sabi niya. Wala nalang akong nagawa kundi umiyak.
"Pwede naman kitang mahalin kahit s-sa malayo lang." paliwanag ko pero napa pout nalang siya. "Tama na nga yan, kung ano ang sabihin ni Sir Robin yun na yun. Okay?" nag aalinlangan padin siyang tumango saakin.
Pinauna ko siyang maglakad at habang nasa likod ako, pinipigilan kong bumagsak ang mga luha ko. Sa totoo lang, alam ko talagang buwis buhay ang ginagawa kong to dati palang.
Pagdating namin sa office, pinagtinginan agad kami ng mga trainees na nandoon at pati na din ang mga empleyado. Agad kaming dumeretsyo sa office ni Sir Robin. Bago kami pumasok ay hinawakan ni Stell ang kamay ko at hinalikan niya ako sa noo. Nginitian niya ako ng sobrang tamis.
Pagbukas namin ng pinto, agad naming binati si Sir Robin at nag bow kami. "I know you guys know why did I call you two here?" natatawang sabi niya. Ako parang sasabog na, si Stell kitang-kita sa mata na umiyak. "Edad mo?" turo saakin. Shit.
"Mag se-seventeen po next m-month." sinubukan kong di mautal pero nautal padin ako.
"You? Turning 25 diba?" tanong ni Sir kay Stell at tumango siya. "Hmmm, 8 year gap?" sinimula na akong kabahan. Bigla ko nalang naramdaman na may humawak sa kamay ko, pagtingin ko ay si Stell yun. Yung ngiti niya parang sinasabihan akong mahal niya talaga ako. "Alam family niyo?" nagsisimula na siyang magtanong. Nagsisimula na din akong manginig. "Yung relationship.. Am I correct? Gano tagal?"
"Alam na po Sir, both sides." sabi ni Stell na tama naman nga. "One month na po bukas.." mahinang sabi ni Stell at lumaki ang mata ni Sir Robin
"SB19 alam?" tanong ni Sir at tumango kaming dalawa. Eto na... "Why didn't you tell me?" tanong ni Sir at kusang umiwas ang mga mata ko sa tanong niya.
"S-sorry.." sabi ni Stell at ayun na nga, naluha na siya. Sinubukan ko siyang pakalmahin pero hindi talaga siya natitigil kaka iyak. Naluluha na din ako shiz.
"It's okay.." para ako naalisan ng tinik nang marinig si Sir Robin. Nag okay sign pa siya. "As long as fans will understand.." biglang nakatayo si Stell at nag bow kay Sir Robin ng madaming beses.
"Thank you, thank you. Thank you very much." pati ako ay sumabay na kay Stell kakapasalamat. "Don't worry, di ko po bibiglain ang mga A'TIN dahil dito." halos lumundag na ako at sumigaw sa tuwa.
I love you, Stell.
~
BINABASA MO ANG
Dreams In Reality | SB19
FanfictionFantasy is not for me, because it lives in me. - COMPLETED ✔ December 31, 2019 - March 16, 2020 An imperfect book.