Chapter 4: Highblood Kieann
Dahil sa babaeng yun kahapon, di ko na alam kung paano ako magsusulat. May bandage ang apat kong daliri at masakit padin kapag ginagalaw. Pinalitan ko lang ito ng bandage kagabi, sobrang pula.
Bukod pa dito, tatlong araw na din akong nananaginip sunod-sunod. Hindi ko alam kung ano ang ambag nito sa totoo kong buhay pero nagiging interesado na ako sa susunod pang mangyayari sa panaginip ko. Ang nakakagulat pa ay magkakadugtong lahat ng panaginip ko.
Naging mas close kami ni Mr. Behind the barrier at nakakausap ko na siya ng madalas kahit mas lalo nang kumakapal ang barrier.
"Gano ka na katagal dito, kuya?" tanong ko sakanya at umiling-iling siya. "Tyaka bakit ulo mo lang at braso ang naiigalaw mo?" dagdag ko.
"Matagal na, nagulat nga ako nung dumating ka ay nagalaw ko na ang ibang parte ng katawan ko at hindi mata lang." nagulat ako sa paliwanag niya, what is happening?
"I wonder minsan, totoong tao ka kaya?" di ko na itinago ang pagod ng binti ko at umupo sa puting sahig na napakalamig. "Ano bang ginagawa mo dito?" tanong ko pero natahimik siya.
Sa ilang minutong pananahimik niya ay bigla siyang sumagot, "Matagal----" ayun, naputol ang panaginip ko dahil sa ingay sa kusina. Di na ito nadugtungan at bumuhat na ako sa kama.
Habang nakatitig ako sa kawalan kasabay ng paglilibot ko sa building na 'to ay pinagtitinginan talaga ako ng mga tao kanina pa. Siguro ay dahil yun doon sa balitang ikinalat nung malditang yun.
"HIII! Kamusta kamay mo?" biglang sumulpot si Ondie at tinitigan ang bandage sa mga daliri ko, sabay pout. "Tss, ikaw ang target ngayon ni Kieann buong school year." tinitigan ko naman siya sa sinabi niya.
"What? May binully ba siya last year?" tanong ko at tumango ito.
"Kahit Grade 7 palang siya last year ay kilalang-kilala na talaga siya sa Campus na ito. Lahat siya ay sinasamba dahil sa kapangyarihan niya. She can even buy this whole school sa sobrang kayamanan niya." paliwanag ni Ondie na ikinagulat ko. "Alam mo, akin na nga yang phone mo at nang may alam ka man lang sa mundo!" bigla kong naalala, god! Yung Iphone 11 ang dala ko!
"N-nakalimutan ko phone k-ko--" nagulat nalang ako ng hablutin niya ang phone galing sa bulsa ng pants ko. Oo nga pala nakikita.
"Oh--my--GOD!!" sigaw niya at tinakpan ko ang bibig niya. Hinila ko siya papunta sa quadrangle dahil walang masyadong tao dito kanina pang naglilibot ako. "You're rich!" pabulong na sigaw niya "But you don't look like one" tinitigan niya ang kabuuan ko.
BINABASA MO ANG
Dreams In Reality | SB19
FanfictionFantasy is not for me, because it lives in me. - COMPLETED ✔ December 31, 2019 - March 16, 2020 An imperfect book.