Chapter 35

211 16 0
                                    

Chapter 35: Unpredictable Stell


XYZEIA'S POV

"Sana all!!!"
"Ayan na si Ate Zeiaaa!"
"Good morning pooo~" bati saakin ng mga students nang pumasok nanaman ako sa school. Pinakiusapan ako ng ShowBT na pumasok na muna nang makapagaral ng maayos.

"May event sila mamaya?" tanong ng bago kong kaibigan na si Pat. Umiling naman ako. "Yieeee~ kamusta?" tanong niya saakin panay ang ngiti.

"Eto, masaya." nagtilian pati yung ibang students na nasa likod ko. "At the same time nag wo-worry kay Jah." bigla ko nanaman naalala si Justin. Kamusta na kaya siya? Nakakakilabot yung tweet niya kahapon eh.

Nag uusap kami ni Pat nang may tumawag nanaman saakin. Si Stell? Kala ko tulog pa yun? "Hello mahal?" kahit mahina lang ang volume ng cellphone ko ay nagtilian nanaman sila. "Asan ka? Bakit andaming sumisigaw diyan?" tanong ni Stell.

"Nasa school ako. Mag be-bell na oh tumawag ka pa." reklamo ko. "Mag aral daw ako sabi ni Sir Robin. Di ako pwede umangal." sabi ko.

"Ihhh, wag ka na diyan. Susunduin kita." bigla niya namang binaba ang tawag. Nang tignan ko si Pat, grabe yung ngiti niya. Sobrang mapang asar, hayst.

"Bulaga!" bigla akong nagulat sa humawak sa balikat ko. Si Stell?

"The flash ka bHie?" natatawang sabi ko. Lumakas ang tili sa paligid at ramdam kong dumadami na ang taong nakatingin saamin. "Iba yata ngiti mo?" tanong ko sakanya.

"May good news ako. Pero may rule.." napangiwi naman ako sa sabi niya. "Akin na muna ang phone mo. Bawal magbukas ng social media." wala naman akong nagawa kundi ibigay nalang ang phone ko. Sumama ako sakanya.

Ilang saglit pa ay laking gulat ko nang dumeretsyo ang sinasakyan naming taxi papunta sa airport. Ha?

Bigla ko nalang napansin na sunod-sunod na ang pag vibrate ng phone ko. "Pahiram muna ng p-phone, baka may emergency." di ko alam pero nauutal na ako.

Nagulat ako nang ipower off niya ang phone ko at phone niya na nasa bulsa niya. Nginitian niya ako. Inilabas niya ang isang black mask at cap galing sa bag niya at sinuot yun. "Dito na po." sabay bayad ni Stell sa taxi driver. Sa airport nga kami tumigil.

Nang bumaba kami, kumabog ng malakas ang puso ko at lahat yata ng dugo sa katawan ko ay umakyat sa ulo ko nang marinig ko ang pangalan ko sa isang pamilyar na tao. "XYZEIAAAA!!" nang lingunin ko yung sumigaw,

Si Justin. Tumatakbo siya papalapit saakin.

Tatakbo na sana ako papalapit din sakanya nang hilain ako ng malakas ni Stell papasok sa airport. "ZEIAAAAA!!" sigaw ulit ni Justin. "STELL, ANO BA?!" dagdag pa niya pero parang hindi si Stell napapagod kakatakbo.

"S-stell, bitawan moko. M-masakit.." kinakabahan nang sabi ko. Wait, sasakay kami ng eroplano?!! Halos maluha na ako nang malapit na kami sa eroplano. "S-saan tayo pupunta?! S-si Jah y-yon diba?" nag pa-panic na na sabi ko.

Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, may humila pa sa isa kong kamay. "S-stell, wag m-mo nang palalain ang l-lahat." hinihingal na sabi ni Justin. Bigla akong naluha nang makita siya. "W-wag mo na paabutin s-sa puntong s-sasaktan na kita. S-stell, please. Hindi na ikaw a-ang kilala kong S-stell." kapos padin ang hininga na sabi ni Justin.

"Sorry." bigla akong hinila nang malakas ni Stell papasok ng eroplano at parang nayugyog ang buong kaluluwa ko.

-

Nagising nalang ako sa isang malamig na temperatura. Nang imulat ko ang mga mata ko, suot ko na ang jacket ni Stell. "A-asan tayo?" tanong ko. Nilingon ko ang paligid, puro korean letters ang nakikita ko hanggang sa may nakakuha ng attensyon ko,

'Welcome to Busan' Busan?! South Korea?! "S-stell, huy. Natatakot na ako." nilingon ako ni Stell na kumakain ng noodles.

"Dito muna tayo titira." nagising ang katawan ko sa sabi niya. "I'm sorry, kailangan kong gawin to." dagdag niya. "CR lang ako saglit ha?" paalam niya sabay diretsyo sa CR.

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil first time ko sa Korea o matatakot dahil hindi ko na alam ang mga nangyayari.

Hindi yata napansin ni Stell na naiwan niya ang cellphone namin sa mesa. Nilingon ko ang paligid bago yun kunin at umalis.

Umiiyak akong tumatakbo hanggang sa may tumawag ng pangalan ko. "ZEIAAA!!" bigla akong nanginig nang marinig ang boses ni Stell.

Tumakbo lang ako ng tumakbo kahit hindi ko alam kung nasaan na ako. Nagtatago ako at nakikisama sa matataong lugar para hindi niya ako mahanap. Nang lumiko ako, hinubad ko ang jacket niya at nilugay ang buhok ko. Binagalan ko ang takbo ko.

May nakita akong madilim na lugar at dun muna nagtago. Dinig ko padin si Stell na tinatawag ang pangalan ko. Nagtago ako sa likod ng trashcan.

"ZEIAAAA!!" sigaw ni Stell at tumayo sa tapat ng trashcan na pinag tataguan ko. Grabe na ang buhos ng luha ko pero tinatakpan ko lang ng dalawa kong kamay ang bibig ko.

Halos mahimatay ako nang may humawak sa braso ko.

Shit.

~

Dreams In Reality | SB19Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon