Chapter 2

528 27 2
                                    

Chapter 2 : Destiny?

Nagpatuloy ang pagsikat ng nakakabulag na ilaw, hanggang sa matanaw ko nang muli ang lalaking nakatayo din!

Tumatakbo ako papunta sakanya pero ramdam kong di ako gumagalaw sa kinakatayuan ko. "SIRRRRR!" pagtatawag ko dito pero hindi siya lumilingon.

May kung anong invisible barrier ang naka harang saaming dalawa. Hindi ko ito makita pero ramdam ko talagang may naka harang at kapag hinampas ko ito gamit ang aking kamay ay masasaktan ako.

"Diyan ka lang." tumaas ang mga balahibo ko sa katawan nang magsalita ang lalaking nasa likod ng harang na ito. Pero, naka talikod padin siya saakin. Hindi siya humaharap dito!!

"K-kuya, alam m-mo po ba kung n-nasaan tayo?!" nag pa-panic na tanong ko sakanya. Humakbang siya papalayo saakin, hindi pwede! "Wag kuyaaaaa! Parang awa mo na, tulungan moko hanapin ang pamilya ko!" nagwa-wala na ako at hinahampas ko na ang harang.

Laking gulat ko nang makita ko nang dumudugo ang kamao ko. Sinubukan kong muling hampasin ito pero may nararamdaman na akong tumutusok sa kamay ko. At ramdam kong parte iyon ng barrier.

"Please kuya, may alam ka ba?!" sigaw ko dito. Sana naririnig niya man lang ako. Oh kahit humarap man lang siya dito.

Sinubukan kong dumaan sa ibang daan pero may harang talagang nagpoprotekta sa lalaking nakatalikod. Pumupunta ako sa unahan niya ngunit ang harang ay isang pahaba na parang bakod. Kaya hindi ko talaga makita ang mukha niya.

Napansin kong umiilaw ang pulso-han ko. Isa itong rosas na ilaw, 'di ko alam kung nanggagaling saan. "Kuya alam mo ba kung ano tong umiilaw na pink sa braso ko?" wala akong pake kung panay na ang tanong ko sakanya.

"Sign." maikling sabi niya at dun ako nabuhayan ng loob. Sumasagot siya!

"Sign ng ano?" tanong ko uli.

"Sign ng--" unti-unting lumalabo ang paningin ko at nawawala si Kuya..

-

"KUYAAA!" di ko namalayang napalakas ang sigaw ko. Bumalik ako sa realidad.

Nanaginip nanaman ako.

Umiling-iling ako at napansin kong nasa bahay ako. Yung panaginip ko, kadugtong ng panaginip ko kagabi.

Dahil nakalimutan kong isulat kahapon dahil nagmamadali ako, napag desisyunan ko muna na bumalik sa mansyon at kunin ang mga gamit ko doon.

"Oh Xyzeia, kain." ani ni Aaxiena. Di ko siya pinansin at nag dirediretsyo sa kwarto ko. Kinuha ko ang maleta at kinuha ang mga gamit ko.

Tumunog ang isa kong cellphone, yung nasa bulsa. Si Tita tumatawag. "Hello po tita?" sabi ko sa telepono.

"OMGG! CONGRAATSS!" sigaw ni Tita sa telepono. "PASOK KA SA Wolou International School!!" dagdag pa niya. Di ko pa na che-check ang FB page. Ngayon na pala ni-release.

"Ah ganoon po ba? Salamat." malamig na sabi ko at natahimik naman ang kabilang linya. Hindi pa ba nasasanay ang mga tao saakin?

"I'm sure your Dad is proud of you." emotional na sabi ni Tita Daisy. "Kumain ka nalang at mag celebrate, magsama ka kahit sinong gusto mo. Nilagyan ko ng pera ang bank account mo. Enjoy!" masiglang sabi niya.

"Yeah, thanks Tita. Ingat po. Bye!" pasasalamat ko at binaba ang aking telepono. Bago ako bumaba ay tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin.

This is for you, Dad.

Bumaba na ako kasama ang maleta ko at sinalubong ako ni Aaxiena, bitbit niya ang laptop niya na may article. "Gosh, famous ka na din!" tinaasan ko siya ng kilay at tinignan ang article na naka flash sa screen niya. Picture ko at ni Mr. Mask sa harap ng elevator. "Di mo ba kilala yang lalaking kasama mo na stuck sa elevator?!" mas inalala niya pa yung kasama ko kesa sa safety ko. Di pa ba ako nasanay?

Dreams In Reality | SB19Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon