Chapter 18: Memories Bring Back You
R
YJA/ JAJA'S POV
Dahil tapos na ang home study ko, nag ayos kaagad ako papunta sa WIS. Inayos ko ang sarili ko para hindi naman ako mukhang dugyot. First time kong papasok sa international school eh.
"San lakad?" tanong ni Tyron nang lumabas ako ng bahay. Anong ginagawa niya dito? "Naisipan ko lang na puntahan ka. May dala akong milk. Pero aalis ka pala." malungkot na sabi ni Tyron.
"Sama ka kaya?" sabi ko at hinila siya papasok sa binook kong taxi. Tanong siya ng tanong kung saan daw kami pupunta pero hindi ko siya sinagot.
===
Justin de Dios
Active nowNasaan ka na po? Nasa
gym na po kami nag re-
ready na para mag performSaan ba yung gym?
Tanong-tanong ka diyan. Sa
mga kalat-kalat na studentsSige. Babye! Goodluck 💙
Thank you :)))
===
Sinununod ko lang ang sabi niya at nag-tanong tanong. Pagkarating ko ng gym ay madaming taong nakaupo na. Saan kaya ako pwede umupo?
Hinila ko si Tyron sa unahan na may saktong dalawang bakante pa. Duon kami naghintay.
Nagsigawan ang lahat nang lumabas ang apat na members. "May isa pa tayong di nakikita mag perform. Sino kaya yun?!" bati ni Stell sabay tutok ng mic sa crowd.
"JUSTIN!!!" sigaw nila. Nabalot ang buong gym ng sigawan at flashlight sa kanya-kanyang nilang cellphone. Ang ganda titigan.
"Sabay-sabay tayong kiligin sa kantang kakantahin ni Jah." nakangiting sabi ni Josh. Nagsigawan nanaman abg crowd.
"Please welcome, SB19 Justin de Dios with Xyzeia Zoren!" masiglang sabi nilang apat sabay exit.
Nagsimula nang tumugtog ng keyboard si Zeia na ikinagulat ng lahat. Ang crowd na kaninang hype na hype sa introduction ay lahat nakanganga at gulat sa talentong ipinapakita ni Xyzeia.
Bakit ngayon lang ba nila nalaman na tumutogtog siya ng keyboard? Woah.
"Pano nga ba napasukan ang gusot na ito~~" Panimula ni Justin. Sumisigaw nanaman ang crowd at kita ko na napaka supportive nila kay Justin. "Mula nang makilala ka, umikot ang mundo ko~"
Lalong lumakas ang sigawan nang titigan ni Jah si Zeia ng walang kamalay-malay.
"Pano na kaya, di sinasadya di kayang magtapat ng puso ko~" iwinagayway ng crowd ang kanya-kanya nilang flashlight. "Hirap nang umibig sa isang kaibigan, di masabi ang nararamdaman~~ Pano na kaya~~" tila kinilabutan ako sa pagkanta ni Justin.
Habang kumakanta si Justin ay biglang sumakit ang ulo ko. Para akong mahihimatay. Argh!
Ramdam ko nang inaalog ni Tyron ang balikat ko pero hindi ko ito pinansin. Paramg bumibigat ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Dreams In Reality | SB19
FanfictionFantasy is not for me, because it lives in me. - COMPLETED ✔ December 31, 2019 - March 16, 2020 An imperfect book.