Chapter 30: Dreams Already In Reality
JUSTIN'S POV
Bigla nalang akong nagising sa isang napaka pamilyar na lugar matapos umitim lahat ng nasa paligid ko. Dahan-dahan akong tumalikod at humarap sa babaeng matagal ko nang gustong tapatin ng aking pagmamahal na hindi ko masabi-sabi dahil sa sandamak-mak na hadlang at sagabal.
~
"Jah, sunod ka sa cafeteria ah? Bilisan mo!" sigaw ni Josh saakin at nag thumbs up ako. Nauna na sila sa cafeteria habang ako naiwan sa room.
Habang tinitignan ko ang buong classroom ay may nakita akong notebook sa ibabaw ng desk ni Zeia. Palihim ko itong binasa.
'Sabi ni Kuya sa likod ng barrier ay mahal niya ako. Pano niya ako nakilala? Sino siya?!' yun ang nabasa ko sa huling pahina ng notebook.
Para lumundag ang puso ko nang sumulpot si Kieann. "Bakit hindi mo 'to sakin sinabi?!" mahinang sigaw ko. "Buong akala ko, ako lang ang nakakakita sa hinaharap, Kieann." seryoso kong sabi. "Pati s-si Zeia?"
~
Matagal na ako sa mundong ito at hindi na makawala pa. Ang mundong ito ang naging gabay ko sa mga bagay na itinadhana para saakin at para kay Zeia.
Dito ko nalalaman ang isinulat ng tadhana at kung ano nga ba ang nakatakda. Sa madaling salita, kung ano ang isinulat ni Kieann.
Yes. Kieann controls it all.
~
"BAGUHIN MO NA ANG ITINADHANA!" sigaw ko sakanya na halos pumutok na ang ugat sa leeg ko. "PLEASE, KIEANN!!" sigaw ko ulit.
"Hindi pwede." madaliang sabi niya. "Subukan ko mang baguhin ang tadhana, ikaw ang mapapahamak."
~
Napansin kong unti-unti nang nawawala at nagiging abo ang mga daliri ko.
Nangyari na ang itinakda, wala na akong magagawa para maibalik pa ito.
Ipagdadasal ko nalang na sana maging masaya ka na, kahit sa piling ng iba.
~
"Wala nang makakapigil, patayin moko kung gusto mokong patayin!!" maangas kong sabi. "Ang mahalaga, nasabi ko sakanya at pati sa buong mundong mahal ko siya." diniinan ko pa ang pagkaka sabi ko.
"Hindi ka man saakin itinakda, sinisigurado kong hindi ka mapupunta sa iba, Justin." sabay talikod niya saakin.
~
Bago pa ako tuluyang mabura sa mundong ito, biglang bumuhos ang luha ko nang biglang imunulat ni Zeia ang kanyang mga mata at umupo. Kinusot-kusot niya ang kanyang mga mata.
"Ako, si Justin de Dios. Pangakong mamahalin ka habang buhay, mawala man ako sa mundong ito." binigyan ko siya ng napakatamis na ngiti. "P-pakasaya k-ka ah? Promise mo y-yan." halos hindi ko na masabi ng maayos yun dahil sa luha ko.
Parehas kaming nasa panaginip ngayon.
~
"One last question, p-para kanino s-si Zeia ayon sa i-itinakda?" tanong ko at nginitian niya ako ng mapait.
"Kay Stell.." pabulong na sabi ni Kieann.
~
"Ipapa ubaya na kita kay Stell. Kasi alam kong maalagaan ka niya ng mabuti." hinaplos ko ang luhang nagbagsakan sa pisingi niya. "A-at dahil alam k-kong s-siya ang itinakda p-para sayo." binigyan ko ulit siya ng ngiti.
Kaunti nalang ay lahat nang parte ng katawan ko ay magiging abo na. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Hanggang sa muli, Zeia. Mahal na mahal kita."
-
"BREAKING NEWS!! SB19 found in a car accident with staffs and bodyguards, Justin is on critical state."
BINABASA MO ANG
Dreams In Reality | SB19
FanfictionFantasy is not for me, because it lives in me. - COMPLETED ✔ December 31, 2019 - March 16, 2020 An imperfect book.