Chapter 23: (un)Explainable
XYZEIA'S POV
"Mag iingat ka.." pabulong na sabi ni Kuya. Nakaupo nanaman ako sa harap ng barrier. "Mahal na mahal kita." kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay alam ko na puno yun ng emosyon.
"Pano mo nasabing mahal moko? Ngayon mo lang nga ako nakilala." nagtatakang tanong ko pero tawa ang sagot niya.
"Matagal na kitang kilala, Xyzeia.." pabulong niyang sabi.
-
Bigla akong nagising nang mulat na mulat ang mata. Alam niya ang pangalan ko!!
Pero pano yun nangyari?
Ang dami talagang gumugulo sa isip ko ngayon, lalo pa't sumabay yung kababalaghan sa stock room nung isang araw. Kailangan ko na yata linisin ang utak pati na din ang buong kaluluwa ko.
"Mam, pinapatawag po kayo ng Mommy niyo pumunta daw po kayo sa mansyon." sabi ng kasambahay namin na si Pat. Ano nanaman kaya nakain nun at pinapapunta ako dun? Mood swings. Kumukulo yung dugo niya saakin nung last namin na pagkikita tapos papatawag niya ako? "Nasa labas na po yung kotse." agad-agad?
Habang nag p-phone ako ay nadaanan ko ang IG story ni Aaxiena. Lalaki ito sa harap niya na nagtatakip ng mukha. May plato sila sa harap, lunch yata? Kaka post palang eh, 10 minutes ago.
I mo-move ko na sana sa ibang story nang may napansin ako. Familiar ang lalaki, hindi ko nga alam kung nasaan. Halatang nasa bahay din yung background at utensils.
SHIT!!
"Mom is arranging a marriage for me, is there a problem??" naaalala ko ang sabi ni Aaxiena saakin dati. No freaking way.
"Ah, kuya, matanong ko lang. Lagi bang wala si Aaxiena sa mansyon?" tanong ko sa Driver at agad naman itong sumagot.
"Yes po madam, tuwing gabi. Kasama po yung manliligaw niya." sabi ko na nga ba. "Kaya nga po pinapapunta kayo sa mansyon eh, nandoon yung manliligaw niya." sino?
Hindi ko talaga matandaan kung saan ko nakita yung lalaki pero sure akong kilala ko siya o di kaya nakita ko na siya isang beses sa buhay ko. Nang balikan ko ang picture..
Parang kilala ko na.
-
"Really?" pasigaw na sabi ni Mom. Humalak-hak siya ng todo kasama si Aaxiena. Dahan-dahan akong pumasok sa bahay at parang tumigil ang mundo ko nang makita kung sino ang lalaki.
Si Jah.
Tama ang hula ko.
Pakiramdam ko ay nagbali-baliktad ang bituka ko nang makita si Jah na pabagal nang pabagal ang pagnguya. Bigla siyang tumayo. "X-xyzeia--" nagulat ako nang sambitin niya ang buo kong pangalan.
Akala ko ba ay naiinis si Mom kay Jah dahil dun sa una nilang pagkikita sa bahay?
"Bakit hindi mo to sinabi saakin?" tanong ko habang pinipigilan ang emosyon ko.
"Sino ka ba para malaman at sabihan ni Jah?" sumabat si Aaxiena. Tama nga naman. "Wag kang feeling, Xyzeia." di ko talaga to maintindihan na mag inang to eh. Minsan demonyo, minsan anghel.
"So para saan at pinapunta niyo ako dito? Para panoorin kayong maglandian?" tanong ko kay Aaxiena pero napangisi lang siya.
"Nakuha ko na ang gusto ko, so get out of the way." manggagamit. "I have too many eyes. Wag kang magkakamaling gumawa ng kahit ano."
BINABASA MO ANG
Dreams In Reality | SB19
FanfictionFantasy is not for me, because it lives in me. - COMPLETED ✔ December 31, 2019 - March 16, 2020 An imperfect book.