Chapter 6

322 22 0
                                    

Chapter 6: Confusion

Habang nakikinig ako sa music, napansin kong tumabi saakin si Stell at may inabot na notebook. Tinanggal ko ang earphones ko.

"Ahmm.. notes?" nung nagsalita siya, tinitigan ko lang siya at pinakita sakanya yung kamay ko.

"Okay na kamay ko. Thank you." binalik ko sa harap niya ang notes.

"Binibigyan na nga ng isang Stellvester Ajero, tinatanggihan mo pa." sumabat nanaman sa usapan yung bruha. Nako, wag ngayon. Lalo pa't kumukulo lahat ng red blood cells ko kay Ondie. "Stell oh, she don't deserve your effort." di ko na napigilan ang sarili ko, kinuha ko ang notebook at binato yun sa dibdib niya.

"There, saksak mo sa baga mo." muli kong isinaksak ang earphones ko.

Sa sobrang lakas ng music ko, hindi ko na napansin na nagkakagulo na sila. Nagsisigawan na din ang SB19 at ang tropa ni Kieann. Napansin ko din na nakaharang si Justin saakin.

"JUST. STOP!!" sigaw ni Sejun na ikinatahimik nila. "Big deal ba yung notes, Kieann? Madami akong notes. Gusto mo?" halata sa mukha ni Sejun na napuno na talaga siya. "Hindi lang yata notes yung big deal sayo. Sumusobra ka na."

"Tara." nahulog ang phone ko nang bigla akong hilain ni Justin. Bago ko ito pulutin ay naunahan niya na ako pero patuloy padin ang paghila niya saakin hanggang makapunta kami sa Cafeteria.

"What the freak is happening?" tanong ko, dito, binitawan niya na ang braso ko.

"Pag ginulo ka pa ni Kieann, tell me. Okay?" tinaasan ko siya ng kilay at parang pinaparating ko sakanyang wala akong naintindihan sa mga sinasabi niya.

"Ano ba talaga nangyayari? Can you explain?" seryosong tanong ko. Alam ko may issue talaga yung Kieann na yun sa mga chuchunes kaya ganon siya mag react. Or.. may sira lang talaga sa utak.

"Ganto---" natigil si Justin sa pagsasalita nang sumabat si Ken.

"Jah. No." lalo akong napanga-nga sa mga sinasabi nila. No? Boss ba ni Justin si Ken at susundin niya talaga yun. "Ang complicated." humarap sakin si Ken at umalis kaagad.

"HOY, KEN!!" sigaw ko.

Humarap siya saakin at naniningkit ang mga mata niya. "Correction, Kuya Ken." Anudaw?

~

"It's the sign" nagsalita bigla si Kuyang nakatalikod. "R-red lights." huh?

"Po? Ano yun?" tanong ko.

"Love." maikling sagot niya.

"XYZEIAAAAAAAAA!!!" nagulat ako sa sigaw ni Aaxiena. Panibagong umaga, panibagong panaginip. Ang ikli ng panaginip ko. Ang weird.

"Oh?" sabi ko habang kinukusot-kusot ang mga mata ko. Nabuhay naman ang kaluluwa ko nang yugyugin niya ako ng napakalakas.

"YUNG SCHOOL NG SB19, SCHOOL MO DIN PALAAA!" sigaw niya sa tenga ko. "BAKIT DI KA NAGSASABI?!" sigaw niya ulit.

"Bakit, kelangan bang sabihin yun sayo---"

"OO!!" sigaw niya. "Pag may project kayo, dito niyo gawin ha!!" sa sobrang kaadikan neto sa SB19, may nakalimutan yata.

"Ah, so makikita nilang magkapatid tayo? Remember?" biglang napapikit si Aaxiena sa inis. Ayun, naalala din sa wakas. "I'll just get autographs or picture---"

Dreams In Reality | SB19Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon