Chapter 13

289 21 0
                                    

Chapter 13: Meet Up?

"

Hoy, ang weird lang. May nakikita akong gumagalaw na something diyan." tinuro niya ang direksyon ni Kuya na ginagalaw ang braso.

"Ha? Di mo ba talaga nakikita si Kuya? Tao siya oh." turo ko kay Kuya. Tinignan niya naman ito na para bang ang hina at labo ng paningin niya pero napangiwi nalang siya.

"Wala talaga eh. Pero may nakikita akong gumagalaw." paliwanag niya pero hindi ko padin siya maintindihan. "Bakit hindi ko siya makita? Pwede bang sabihin mo---"

Natigil bigla ang panaginip ng makarinig ako ng tila bang nahulog na mic at sobrang lakas neto. Paulit-ulit ko itong narinig.

"AAAAAHHHHHH!!!!" nagulat ako sa sigaw ko at bigla akong napaupo sa kama. Madami nang kasambahay na nakasilip sa kwarto ko.

Pawis na pawis ako, basang basa ng pawis ang buhok, mukha, likod at dibdib ko. Ang bilis din ng tibok ng puso ko na hindi ko maintindihan. Ang sakit!

Nang tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin ay ang gulo ng buhok ko.

Huminga ako ng malalim at uminom ng tubig. Medyo bumabagal na ang tibok ng puso ko at nagpalit na din ako ng damit. Tinignan ko ang phone ko para sa schedule, may pasok akong 8:00 AM pero 7:30 AM na!! Nako!

Binilisan ko ang pagkilos at nakarating naman kaagad ako, thank god.

Pero hindi padin mawala sa isip ko ang malakas na ingay sa panaginip ko. Sobrang sakit sa tenga at akala ko nga na nabasag ang eardrum ko sa totoong buhay.

Agad ko naman itong isinulat sa notebook ko. Madami dami na din pala ang napanaginipan ko at magkakadugtong padin.

Nagulat ako nang may biglang kumuha ng notebook ko at hablutin yun. "Dreams, wow. Nag reincarnate ka yata at meron ka nito?" inangat ni Kieann ang notebook ko sa kisame at hindi ko naman maabot yun kasi sobrang tangkad niya. "Are you paranormal expert or something?" nanlisik na ang mga mata ko sa sabi niya. Mukhang makaka sapak na talaga ako ngayon.

Bigla nalang may kumuha ng notebook ko at binalik yun saakin. Nang nilingon ko ito, si Justin. Wala padin siya sa mood at mukhang sabog din. Ano ba talaga ang problema ni Mom sa mga lalaking to? Ano bang atraso niya?

"Thanks." winagayway ko ang notebook ko kay Jah at binalik ito sa bag ng padabog. Nagsigawan naman ang mga kaklase ko pero di ko alam kung bakit.

"Ahh, alam ko na kung bakit bad mood si Stell at Jah.." sumabat nanaman ang bruha. "Dahil sa babaeng to." sabay sabunot niya sa buhok ko. Feeling ko mahihiwalay na ang anit ko sa bungo ko at di ko na naiwasang kurutin ang kamay niya. "ARAY!!" sumigaw siya ng napakalakas sa room. "How dare you bitch---" may sumangga ng sampal na matatanggap ko sana.

"Ano bang gusto mo? What's your problwm?! Stop it." binagsak ni Ken ang braso ni Kieann at nasaktan naman ito. Inulit pa nga ni Kieann sa bibig niya ang sinabi ni Ken at parang bubugbugin ako.

-

"Okay, Mr. de Dios's group is only the group left to perform, right?" biglang kumabog ang dibdib ko at bigla akong kinabahan. Kami nalang? "Oh sorry, I'm wrong. Nag perform na ang group niyo Mr. de Dios nang hindi kayo kasama. Sila na ang nag adjust. So, magpeperform nalang kayo ng iba. You two." turo niya saamin ni Justin.

Ibang gulo nanaman pinasok ko. Pano na?

-

"So, anong plano?" ako na ang unang nagsalita saaming dalawa dahil alam kong bad mood siya dahil yata sa demonyo kong Nanay kahapon. Nandito kami sa Cafeteria para mag usap pero di naman ako mapakali kasi ang daming audience namin dito kahit nag uusap palang kami. "S-sorry, yung sa kahapon." dagdag ko.

"Okay na yun. Sorry ah, pangit lang talaga ang gising ko kanina." kumuha siya ng fries at kinain yun. "Sumayaw or kumanta nalang kaya tayo? Ano ba talent mo?" yang tanong na yan ang pinaka ayaw kong madinig.

Sinenyasan ko siya na teka lang kasi kakain ako pero sa totoo lang, nag iisip ako kung ano ba ang pwedeng gawin para hindi ako pasayawin o pakantahin ng mokong na to.

Una sa lahat, mahiyain ako at pangalawa, di ako sanay sa madaming tao at pangatlo, basta ayoko sa crowd!

Nang matapos akong ngumuya ay tinitigan ko muna siya bago uminom ng tubig. "Wala akong talent" natawa siya saakin pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Imposibleng wala. Di ka ba marunong sumayaw o kaya kumanta?" ayan nanaman, sabi kasing ayoko. "Tawagan ko kaya Mommy neto tapos tanungin ko--" napatigil ako sa pag nguya nang marinig ko ang salitang Mommy. Alam niya na yata na naiinis na ako. "Joke lang. Teka kamusta pala yung kaibigan mong nag attend ng event namin kahapon? Hehe." tanong niya.

"Ayun ang saya niya, kaso napansin talaga kayo kahapon. Yung mood niyo, that's what I mean." pilit siyang ngumiti saakin at inayos ang buhok niya. "Sorry talaga." paulit-ulit ko na yon na sinasabi pero wala akong pakealam.

"Nako, paulit-ulit ka na. Okay na nga sabi yun. Pero si Stell sa tingin ko hindi hehehe." nang mapansin niyang nakasimangot ako, "Ay okay na pala siya. Sabi niya sakin." panay ngiti niya. "Back to the topic, marunong ka ba tumugtog ng kahit anong musical instrument?" ayun, okay pa.

"Yea, keyboard and guitar--" napatigil ako sa paghampas niya sa mesa at napatayo siya sa kinauupuan niya.

"Nice, meet up tayo bukas and bring your keyboard." ha? Diba Saturday bukas? Pano ko yun bibitbitin?

~

Dreams In Reality | SB19Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon