Chapter 16: We Go Up
JUSTIN'S POV
"Hoy lutang!" sigaw ni Kuya Yani sa harap ko. "Bilisan mo na, ayan na si Josh oh," turo niya sa likod ko. Nakaupo na si Josh sa sala at nag p-phone. Pinagpatuloy ko ang pagkain ko at mabilis na uminom ng tubig.
"Ma, punta na po ako!" sigaw ko sa bahay at dumeretsyo kay Josh. "Ano yan?" tanong ko. Tinignan ko ang cellphone niya at laking gulat namin ng mabilis na dumadagdag ang followers ng SB19 official sa twitter. Anong nangyayari?!
"Kuya!! Tignan mo." pinakita ko ang dumadagdag na followers at pati si Kuya gulat.
"Sige po mauuna na kami, sasabihin muna namin to sa mga members." nagpaalam si Josh at sabay kaming lumabas ng bahay.
Pati cellphone ko pagbukas ko ng data ay biglang nagba-vibrate ng sunod-sunod.
-
Hindi pa kami nakakapasok ng gate ay sinalubong kaagad kami ni Josh ng tatlo. Napansin din nila? "Tignan niyo" pinakita ni Stell ang instagram account ng SB19. Pinakita din ni Josh ang twitter account namin. Lahat kami napanga-nga at di alam kung ano ang gagawin.
"Nakikilala na ba tayo?" tanong ni Sejun. Halos maiyak na siya dahil matagal na namin tong pinapangarap. Nag group hug kami sa sobrang saya. Tagal na naming hinihintay to.
"Uhhh, hello?" sumulpot si Zeia. "Look" pinakita niya ang isang tweet, fan account para saamin? Ni-repost nito ang Go Up Dance Practice video namin. Dumadagdag na ang retweets ng tweet. Pati din ang likes.
Habang pinapakita ni Zeia ang mga tweets ang nag s-scroll down siya. Ang dami nang new tweets about saamin. "Facebook" binack niya ang twitter at binuksan ang Facebook. Puro din ito tungkol saamin.
"W-wait, saan galing yang mga post na yan? Diba usually may nagsisimula niyan tapos repost nalang yung iba?" tanong ni Stell. Tumango naman kami lahat at biglang pinakita ni Zeia ang tweet ng Fanbase ng isang artista.
"Kay Aaxiena Loren yung fanbase, yung ka apelyido mong sikat." sambit ni Ken kay Xyzeia. Sabay-sabay namin tinignan ang tweet, almost 10k retweets na.
"Instagram" sabay pindot niya sa IG, nagsilabasan ang small clips galing sa Go Up dance practice at Go Up MV.
Nakita ko nalang na umiiyak na si Sejun at maiiyak na din ang iba. 'Di ko maexplain ang nararamdaman ko.
'Di ko na mapigilang maluha nang makita ko ang Go Up dance practice na madami nang views.
Eto na.
-
"Jah!! Si Jaja daw nasa labas ng gate." bigla akong kinabahan sa sigaw ni Sejun saakin. Akala ko ba mamaya pa kami magkikita? Ang aga naman yata.
"Sige, salamat." naglakad kaagad ako papunta ng gate.
Natanaw ko si Jaja na naka pants at hoodie. Kumaway siya saakin at kumaway naman ako pabalik. "Namiss kita huhu." di ko alam kung paano ako mag re-react dito.
"Kelangan bang kiligin ako?" tanong ko dito pero tumawa lang siya saakin. Napansin ko din na dumarami na ang sumisilip dito sa gate kaysa nung dati.
"May pinuntahan kasi si Tyron eh.." ah, wala kaya ako yung pinuntahan. Ayos din. "May event ka ba ngayon?" Ay hala! Yung presentation nga pala bukas namin ni Zeia bigla kong nakalimutan dahil kanina!
"W-wala pero bukas na presentation namin ni Zeia. Gusto mo manood?" aba niyaya pa! Kung pumiyok ka nga dun Jah, ha?! Ewan ko ba sa bibig ko walang preno
"Nice! Gusto ko yan." panay ang ngiti niya saakin at kita na yata lahat ng ngipin sa bibig niya.
Nginitian ko din siya. "So.. ano? Pasok na ako ah." sabi ko habang tumuturo sa likod ko na papasok sa school.
"Pwede ko ba ma meet yung SB19? Alam mo na hehe.." ay may amnesia pala tong babaeng toh. Lagot ako sa mga tao sa school huhu pero sige.
-
"OMGG!! SINO YAN?!"
"NGAYON KO LANG YAN NAKITA KASAMA NI JAH!!"
"HALAAA BESSYYY!"Pagpasok ko palang ng school kasama si Jaja ay nagbulong bulungan nanaman ang lahat. Ilang sandali pa ay natanaw ko nang tumatambay sila Sejun sa gym kasama si Zeia.
"OMG! Gwapo niyooo!" sigaw ni Jaja nang makita sila Ken. Pati si Zeia ay nginitian niya. "Nice to see you again po!" kumaway siya kay Zeia. Nginitian lang ito ni Zeia. Bakit ang tahimik nila? Anong meron?
"Anyare?" tanong ko pero walang sumagot. Si Stell at Josh nakatingin sa baba at si Ken nag cecellphone. Si Sejun naman nakatitig lang saamin pero di sumasagot. "Hoy share niyo. Ang daya." malungkot kong sabi.
"Ahmm.. balita ko buka sna daw presentation niyo ni Zeia? Pwede ba ako manood? Hehe." paalam ni Jaja sa apat. Sabay-sabay naman silang tumingin sakanya.
"Oo naman. Gaganahan yan si Jah." kinunutan ko ng noo si Stell dahil sa sinabi niya. Nang aasar nanaman ang mga hotdog nakakainis na. "Yieeee kinikilig yan!" pang aasar ni Stell at sumunod na ang ibang members
"Hoy mga buang, daan tayo Jollibee mamaya." ayan nanaman po si Ken, miss nanaman ang chiken. "Yare kayo saakin pag di kayo sumunod."
"Mag-isa ka!" pabiro kong sabi pero bigla akong hinabol ni Ken kaya naman tumakbo ako.
Habang nag kukulitan kami ni Ken tanaw ko na seryoso nanaman ang mga mukha nila habang nag uusap. Ano ba talaga ang nangyayari?
Nagtataka na ako.
~
BINABASA MO ANG
Dreams In Reality | SB19
FanfictionFantasy is not for me, because it lives in me. - COMPLETED ✔ December 31, 2019 - March 16, 2020 An imperfect book.