Kabanata 3

375 6 0
                                    

Kabanata 3

Nang makabalik na kami sa Baranggay Ligaya ay pumasok agad  ako sa kwartong tinutuluyan ko dito at doon lang ako nakahinga ng maluwag. Pakiramdam ko kasi sa nangyari sa amin ni Mister ay napakalaking kasalanan ang nagawa ko kay Tonton at kila Nanay Lolit.

"Anong nangyari don Ton?" Rinig ko pang tanong ni Nay Lolit kanina nang mapansin na mabilis akong pumasok sa loob.
I never wish to meet him again! Nakakainis!

Kinaumagahan ay Linggo pa lang kaya wala pang pasok ngunit maaga pa din akong nagising. Pagkababa ko ay nakita ko si Nanay Lolit na nagwawalis sa bakuran.

"Nay ako na jan! Exercise! Hehe." Sabi ko.

"Oh siya sige. Maaga ka yatang nagising ngayon?" Aniya.

"Maaga din ho kasi ako natulog nay." Sagot ko. "Hi tay Marcelo!" Bati ko kay tatay Marcelo nang makita ko din siya na papasok sa bahay at may dalang dalawang maliit na plastic.

"Tama na muna iyan, may binili akong pandesal. Kain na muna tayo habang mainit pa ito." Ani Tatay Marcelo.

"Di pa po ako gutom tay. Itirahan niyo na lang po ako jan mamaya." Sabi ko.

Pumasok na sila sa loob habang ako ay nagwawalis na doon. Napakaganda talaga dito sa Paraiso. Malamig!

Nang matapos akong magwalis ay pumikit ako at dinama ang lamig ng umaga. Nag inat pa ako dahil sa  sarap ng tulog ko kahit na may masama akong karanasan sa pinuntahan namin ni Ton.

"Good morning lady!" Napabalikwas ako sa pamilyar na tinig ng isang lalaki kaya hinanap ko iyon.

"I'm here! Dito.....Dito sa taas dito sa kanan mo." Natatawang aniya kaya tinignan ko ang itaas ng katabi ng bahay nina Nanay Lolit at muntik na akong mahimatay nang makita si Mister doon na shirtless.

Yung lalaking tinakasan ko andito? Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis!

Sinamaan ko siya ng tingin at huminga ulit ako ng malalim para pigilan ang galit ko.

"Goodmorning beautiful!" Sigaw naman ni Tonton mula sa pinto at patakbong lumapit sa akin para akbayan ako kaya namula ako. Calm your heart Anna Georgina, masanay ka na lagi niya ginagawa yan masanay ka na! Sigaw ng utak ko.

"Tara kain ng pandesal." Aniya. Sasagot na sana ako nang may asungot na sumabat.

"Morning Anton! You two are living together?" Nakakunot ang noong tanong nito.

Napatingin naman si Tonton doon. "Oy! Morning Wayne pare! Kailan ka pa bumalik dito?" Tanong nito.

"Kahapon lang." Sagot niya.

Hinila ko na si Tonton kaagad papasok sa loob para hindi na sila makapag usap pa ng matagal.

"Ma andiyan sa kabila si Wayne. Nakita mo na?" Tanong ni Tonton kay nanay Lolit.

"Ay nandiyan ba siya? Kasama ba niya ang mga magulang niya? Aba eh magluluto ako ng paborito niyang ulam mamaya." Ani nanay Lolit.

Ipinagtimpla ako ni Tonton ng kape. Agad akong kumuha ng mainit init pa na pandesal na binili ni tatay Marcelo.

"Tamang tama. Ihatid mo mamaya iyon sakaniya Georgina anak." Sabi naman ni tatay Marcelo kaya halos mailuwa ko ang kinakain kong pandesal.

To A Paradise With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon