Kabanata 23

264 4 0
                                    

Kabanata 23

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko. Paggising ko ay nandito na ako sa kama. Nandito na si Wayne!

Dali dali akong tumayo pero nadismaya ako nang si Krys ang pumasok sa kwarto at may dalang pagkain.

"B-Bakit ka nandito?" Takang tanong ko at sinapo ulo dahil sa sakit nito.

"Wag kang masyadong gagalaw. Baka mapano ang baby."

Natigil ako sa ginagawa ko at dahan dahan siyang nilingon. Baby?

"B-Baby?" Gulat na tanong ko.

"Dont tell me hindi mo alam?" Kunot ang noo na tanong niya. Umiling iling naman ako.

"Ede sinasabi ko na sayo. You are pregnant." Ani Krys.

Sandali akong natulala. Nabigla ako. Nagulat ako. Nakakagulat naman kasi talaga. Biglaang sabi? Hindi man lang ako hinintay na makarecover mula sa pagkakatulog.

"W-Where is Wayne?" Tanong ko.

"Aba malay ko? Naabutan na lang kita nariyan sa sahig nakahiga so I called a doctor to check on you and it happens that you are pregnant. Gosh! Mike will be very excited to hear that." Gigil na sabi niya.

Tulala lang ako. Hindi ako makapaniwala. Although gusto ko iyon at masaya ako. Pero ang nangyari kanina sa amin ni Wayne ang nag iiba sa mood ko. Ngayon, hindi na lang si Wayne ang kailangan kong ipaglaban, kundi ang baby ko na din.

"By the way, did you two fight? Ofcourse! Bakit pa ako nagtatanong?" Masungit na aniya at saka umirap. "Doc Gel told me to tell you to avoid stress. Now that you are pregnant, you should be more careful to your health. Kawawa naman ang pamangkin ko." Aniya.

Kahit na ilang beses ko ng naririnig iyon sakaniya ay parang hindi pa din maabsorb ng utak ko na may laman na bata sa sinapupunan ko.

"Oh siya! I will leave muna. Dont stress your self. Dont go outside. Nag iwan ako ng pagkain mo don sa kusina. Bye." Paalam niya

"Wait! Krys." Pigil ko kaya nilingon niya ako. "Dont tell it to anyone." Sabi ko.

Tinignan niya ang tiyan ko bilang kompirmasyon sa sinasabi ko. "Okay." Aniya saka na umalis.

Nasaan na kaya si Wayne? I'm worried but I'm also mad at the same time. Paano niya iyon nagawa sa akin. Paano niya nagawang pagsalitaan ako ng nga ganoong salita? Alam ko namang kasalanan ko din kasi hindi ko sinabi sakaniya ang lahat. But I am just afraid. Ayaw ko na mapahamak siya lalo na ngayon at may baby na kami.

Tumayo ako at nag ayos ng sarili. I decided to wait him in the resto. I wear his cargo short and a black spaghetti strap at nagsuot ng blazer. Nag iwan ako ng sulat sa kama about Mike. I hope he can read that. I can't contact him because I dont have a phone but I know uuwi naman siya dito.

Bumalik sa akin ang lahat ng masasakit na salita na sinabi niya sa akin kanina. I understand that I hurt him. Na hindi ko naibigay ang paliwanag na gusto niya. Pero natatakot ako e. Baka pag umamin ako at pinaglaban namin ang pagmamahalan namin ay mapahamak lang siya. Kumukuha lang ako ng tiempo para sabihin ang lahat sakaniya. I want to plan it all, sana. But that Lara ruined everything.

Naglakad ako palabas at dumeretso na sa resto. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay parang halos nandidiri na silang makita ako. Para bang kasumpa sumpa ako para makita nila.

Umupo ako sa dulong table pero wala man lang lumalapit sa akin para tanungin ang order ko. Nabibilang pa lang ang narito sa resto dahil nga sa maaga pa.

Dadating sila nanay Lolit dito ngayon. Nasaan na ba sila? Bakit hindi sa akin sinabi ni Tonton ang tungkol doon?

Nagulat ako dahil sa malamig na tubig na tumapon sa katawan ko kaya agad akong napatayo.

To A Paradise With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon