Kabanata 12

323 8 0
                                    

Kabanata 12

"Bakit ngayon mo lang kasi sinabi?" Masungit na sabi ko kay Wayne habang naglalakad kami papunta sa yate niya.

It's Sunday at dahil nga hindi natuloy ang pagpunta namin sa PF ay nagyaya itong si Wayne na pumunta sa isang Isla. I dont know where it is. At ang mokong nagyaya, kaninang umaga lang. As in kaninang alas kwatro lang nagsabi, nambulabog pa. Alas singko na ngayon at papunta na kami.

Tinawagan ko si Paula at Joy kanina pero ang sabi nila ay may mga kaniya kaniya din silang lakad ngayon dahil nga Linggo.

Kasama namin si Nanay, Tatay, Anton, si Jana, Ang tatlong kasama ko sa banda, si Krys na naisama pa. Malamang kasi ay pinsan niya si Wayne. Tapos ang girlfriend ni Jan which is si Nida pala. Akala ko isa sa mga chix ni Mac e.

"Anong ngayon? Kanina kaya." Pang aasar pa niya.

"Whatever mis---" he glared at me. "--babe." Tuloy ko kaya napangisi siya.

"Good girl." Aniya at ginulo pa ang buhok ko.

Wala ni isa sa amin ang naligo dahil sobrang aga pa lang. Lahat din ng dala naming pagkain ay walang luto. Doon na lang lulutuin siguro sa Isla

"Careful baby." Ani Wayne nang alalayan akong umakyat sa yate. Hinawakan niya ang bewang ko at binuhat pa kahit may hagdan naman.

"Chansing ka lang e!" Reklamo ko. Mabuti at nauna na si nanay doon sa taas pero bantay sarado pa din talaga kami.

Nang makaakyat kaming lahat ay agad ding tumakbo ang yate. Naroon lang kami sa malapit sa railings at napakagandang tignan ang pagsikat ng araw.

"Beautiful." Manghang sabi ko at nakatingin sa pagsikat ng araw. Sumimangot ako nang wala man lang sinabi ang katabi ko. "Hey!" Sigaw ko sakaniya.

"What?" Nakangiting tanong niya.

"I said beautiful! Why didnt you tell me beautiful indeed. Tapos sa akin ka nakatingin diba?" Reklamo ko.

He chuckled and pinch my cheeks. "I already told you that. Ayoko ngang ulitin." Gigil na aniya.

"Ouch naman!" Reklamo ko at inalis ang kamay niya doon.

"Maglayo nga kayong dalawa. Doon kayo at umupo." Sita sa amin ni nay Lolit. Ngumuso si Wayne na inirapan ko lang at umupo na lang.

"Doon muna ako sa kusina ha? Magluluto na kami dahil ang sabi nitong si Wayne ay limang oras daw ang biyahe." Ani Nay Lolit sa mga lalaki. "Kayong mga hija sumunod kayo sa akin at tulungan niyo ako." Utos ni nanay at nauna na sa loob.

"What? I'm going to cook?" Maarteng tanong ni Krys.

"Wag kang maarte mukha ka namang basura." Sabi ko.

Tumaas ang kilay niya at tumawa. "Hindi ako sasama!" Maarte pa ding aniya.

"Tara Nida, Jana. Tayo na lang ang magluto. Madumi siguro ang kamay niya." Natatawang insulto ko at sumunod na kay nanay sa loob.

"How dare you!" Sigaw ni Krys at wala ding nagawa kundi ang sumunod sa loob.

"George---"

"Tumulong ka na lang kung gusto mo but if you really dont want to, get out." Sabi ko habang naghihiwa ng gulay na isasahog ni nanay.

"Alam mo George? Akala ko talaga si Sir Macky ang boyfriend mo. Si Sir Frost pala." Nakangiting sabi ni Nida.

"At bakit naman!?" Gulat na tanong ni Krys.

"Ah..Kasi Ma'am Krystal---"

"We're outside, just call me Krys. Nakakatanda masyado." Maarte pa ding aniya.

To A Paradise With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon