Kabanata 30

335 10 0
                                    

Huling Kabanata na hooo. Next episode ay ang wakas na. HAHAHAHAHA

Kabanata 30

"Girl ang ganda ganda moooo!" Sigaw ng baklang nagmamake up sa akin.

"Syempre naman! Magaganda kaming lahat na magkakaibigan!" Si Mike ang sumagot. Tapos na siyang lagyan ng kolorete sa mukha niya. Nainggit pa ako sa damit nila dahil hapit ito sakanila at kita ang hubog ng mga katawan nila. They look sexy.

"After 3 years ako naman ang aayusan mo momshie!" Tili ni Mike kaya natawa din Dyosa, ang baklang nagmamake up sa akin. Kilala namin siya dahil siya din ang nag ayos sa amin noong mga debut naming tatlo noon.

Tumigil siya at hinarap si Mike. "Aba Mikee? Kumuha ka muna ng matinong jowa bago mo isipin ang pagpapakasal ano!" Masungit pero natatawang aniya bago bumalik sa paglalagay ng kolorete sa akin.

"Nga pala hija, hindi ko pa nakikita ng personal ang mapapangasawa mo." Aniya.

"Ay inaaay! Poging pogi! Nakita ko kanina! Bongga! Mas masarap sa personal!" Tili ng isa pang nagmamake up na kasama ni Dyosa.

"Ay talaga Berting? Nako! Gusto ko na makita!" Tili din ni Dyosa.

"Inay Berting talaga? Bertina diba?" Ani Bertina kaya natawa kami dahil sa klase ng pagsasalita niya.

Someone knock in the door at nang biglang bumuksan yon ay alam ko na kung sino iyon kahit pa nakatalikod ako sa pinto. His scent. His aura. I know it's Wayne.

"Inaaaay!" Sabay na sigaw ni Dyosa at ni Bertina at nagtatatalon kaya napangiti ako.

"Hoy Wayne! Bakit ka andito?" Masungit na tanong ni Krys.

"I just want to make sure if Georgina is really going to marry me." Palapit ng palapit ang baritono nitong boses. Gosh! I need oxygen!

Pinaikot niya ang inuupuan ko at nang tingalain ko siya ay halos mapugto ang hininga ko. Fuck, so handsome.

He is wearing a white shirt tuck in his black slacks and black shoes. Wala pa ang suit nito pero nagsusumigaw na ang kagwapuhan niya. Pano pa kaya pag suot na niya to mamaya? Gosh!

"Hey baby. Dont run away okay? See you later." Nakangiting aniya bago halikan ang labi kong wala pang lipstick. "Hm, sarap talaga." Bulong niya sa akin, ginaya ang sinabi ko kahapon sakaniya. Pinamulahan ako dahil doon, nag aalala na baka narinig nila kahit na sa totoo ay sa hina non halos hangin na lang ang lumabas.

"Bye babe. Love you." Aniya at tumalikod na. Ibinulsa niya ang isa niyang kamay at ang isa naman ay umangat para magpaalam bago buksan ang pinto at lumabas.

Sabay sabay na huminga ng malalim ang mga nasa loob bago tumili.

"Inaaaay ang gandaaaa mo! Haba ng hair!" Sigaw ni Bertina.

"Hey baby, dont run away okay?" Ani Dyosa na ginaya si Wayne kanina kaya natawa kami at ang iba ay kinilig. "Waaaahh! Kainggit! Kaloka ka day!" Tili ulit ni Dyosa bago bumalik sa pag aayos sa akin. Make up na lang ang kulang sa akin e. Inuna kasi ni Mike ang buhok ko. Ang damit ko naman ay nakasabit na din malapit sa amin. It's already 5 pm. 6 pm ang kasal ko dahil 6:30 ang paglubog ng araw ngayon.

"Gwapo din ang my love ko noh! Kapatid ni Wayne." Proud na ani Mike.

"Asus! Assumera ka talaga noh? Mag move on ka muna kay Iñigo!" Pang aasar ni Krys.

"Ay was ko bet ang Iñigo para sayo hija. Mapanakit!" Ani Dyosa na umiling iling pa.

"Korak ka jan inay! Ipakilala mo sa amin yang si Damon mo at ng makilatis!" Si Bertina.

To A Paradise With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon