Kabanata 11

318 9 0
                                    

Kabanata 11

Masaya ako sa pagkanta gabi gabi. I'm lovin' it. Gosh! They all like me!

"Magmeryenda muna kayo mga hija." Nakangiting ani nay Lolit at binigyan kami ng meryenda dito sa sala sa aking cabana. Dumating sila nanay noong Miyerkules. Tatlong araw na sila dito ngayon at tatlong araw na ding hindi makalapit ng husto sa akin si Wayne. Hindi din muna ako pinayagan ni nanay na sumama doon pagpunta sa trabaho ko sana na pagsama para maghanap ng mga aso at pusang kalye. At sa tatlong araw din na yun ay tuwing gabi lang kami nagkikita ni Wayne.

Eng eng din kasi itong si Wayne. Sinabi iyon kay nanay kaagad e iyon na lang sana ang tanging paraan para magkasama kami ng matagal. Ayon at nagsisisi.

Nagpapractice naman kami ng kanta tuwing umaga. Bilib sila sa akin dahil halos lahat ng kanta ay alam ko so no need to practice too much para hindi din daw ako napapaos. Nakikita ko pa din si Krsy at nagbabangayan pa din kami ng nakangiti.

Paula and Joy is here. Nag leave daw talaga sila sa trabaho ngayong Biyernes para makausap ako.

"Grabe hindi talaga ako makapaniwala na ikaw ang singer na iyon!" Ani Joy.

"Oo nga! Naalala mo? Sinabi ko sayo na maganda daw ang boses ng singer na pumalit kay Jana? Naalala mo? Naalala mo?" Tanong ni Paula.

"Grabe naman kayo! I'm so flattered right now." Natatawang sabi ko.

"Magaling talaga kumanta ang batang iyan. Mana sa magulang." Ani tay Marcelo.

"Talaga po tay? Nako! Gusto ko tuloy mameet ang mama at papa mo George." Ani Joy.

"Saan ba sila probinsya nakatira George?" Tanong din ni Paula.

"Ay hindi sila sa probinsya nakatira---"

"Ikaw nakikisabat ka sa usapan ng mga bata. Doon na nga tayo sa kwarto at magpahinga ka na." Sabat ni nanay at inalalayan si tay Marcelo na pumasok sa kwarto.

"Kamusta naman kayo?" Tanong ko sa dalawa.

"Ito maayos naman! Namimiss ka na namin! Tapos alam mo ba si Brenda? Ayon! Dada ng dada hindi din makapaniwala!" Si Paula.

"Oo. Eh kasi si sir mapili at pihikan sa mga tatanggapin niya. Lalo na at big night talaga at madaming tao ang pumupunta doon tuwing gabi!" Si Joy.

"Sinisiraan ka nga ni Brenda. Inakit mo daw si Sir Cariaga at ngayon ay si Sir Frost naman ang inaakit mo kaya ka nakuha jan! Tawang tawa nga siya nang pumunta ka don pero hindi ka na pala nagtatrabaho doon. Iyon pala hinire ka na jan!" Si Paula habang kumakain ng meryenda ni nanay.

"Oo nga. Pero pinagtanggol ka namin. Ang sabi namin na last last week ka pa pinakilala bilang bagong singer pero ayaw maniwala abg loka!"

"Ito naman talaga ang dapat na trabaho ko. But I want to apply more so I decided to apply another. I want to be a waiter kaya iyon ang kinuha ko. Natanggap ako kahit wala akong pinapasa na kahit na ano. Ayaw ko naman kasing gamitin si Mac para sa higher position---"

"Si sir Cariaga?" Tanong ni Paula.

"H-Huh? A-Ahh Oo. Hehe." Gulat na sagot ko. Nadulas ako e.

"Bakit naman hindi? Magkakaibigan naman kayo. Si Jan ba sino talaga ang girlfriend niya? Ang akala iyong dating singer pero nabalitaan namin na buntis na daw siya e." Inporma ni Joy. Nakahinga naman akon ng maluwag nang ang maisip nila na take advantage ko sana kay Wayne ay ang pagsasama namin sa banda. But I was a bit shocked when I heard that Jana sa pregnant. Kung ang singer na sinasabi nila iyon, ede iyong kaibigan nila Anton iyon na nakilala ko?

"Si Jana?" Tanong ko.

"Oo. Ang nakabuntis yata sakaniya ay iyong kababata niyang si Anton." Muntik na akong masamid sa sinabi niya.

To A Paradise With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon