Kabanata 10

367 10 0
                                    

Kabanata 10

"Maganda naman. Maganda at talagang malayo sa bahay ni Wayne." Tatango tangong ani nanay.

Ilang metro din ang layo nitong cabana na kinuha ni Wayne. Matalino ang mokong.

"Dito muna kaya ako ng ilang linggo ano? Dito muna kami ng tatay mo pag labas  niya doon para maaliwalas ang nakikita niya." Suhestiyon ni nanay.

Naiiyak na ngumiti si Wayne at tumango." It's your choice nay. I can provide you one---"

"Hindi hijo. Dito din sa tinutuluyan ni George ang sinasabi ko. Malaki naman ito at kasya kaming tatlo dito kung sakali. Diba anak?" Nakangiting tanong ni nanay.

"Yes naman po nay---" pagkatapos ay ngumiti ako nang makita ang pag iling iling ni Wayne at sinasabing 'No baby' HAHAHA Oo may baby talaga!. "I'd been longing you since last week nay but I'm too busy here so I'd love to be with you here kahit kailan pa iyan nay!" Masiglang sabi ko.

"O siya sasabihan ko si Anton mamaya." Nakangiting ani nanay.

"Oo naman nay. I'm so excited. Sana makapabas na po si tatay doon. Kailan ba kayo makakalabas pala nay?"

Sabay sabay na kaming lumabas doon sa cabana.

"Sa susunod na araw na siguro. Sa Miyerkules andito na kami." Aniya.

"Good to hear nay. Mas maganda na din na dito kayo para maalagaan ko din kayo ni tatay at saka para makapagpahinga ka naman kahit kaunti nay." Ngumiti si nanay at yumakap sa akin.

"Eh wala ka pa ba talagang balak umuwi sa inyo? Ano na ang nararamdaman ng mommy at daddy mo? Nag aalala na ang nga iyon." Ani nay Lolit.

"Mommy at Daddy po?" Sabat ni Wayne.

"When the right time comes Nay. Ayoko pa po." Pilit ang ngiting sabi ko.

"Sigurado ka ba riyan?"

"Opo nay. Sino pala ang kasama niyong magbabantay mamaya?"

"Nag leave si Anton ng dalawang araw. Siya ang kasama ko. Wag kang mag alala nak." Aniya.

"Okay po nay."

"Oh siya at pupunta na ako. Ihatid mo ako Wayne hijo ha?"

"O-Opo. T-Tara na Georgina---"

"Ay nako hindi. Dito ka lang George anak. Kaya naman akong ihatid ni Wayne mag isa. Hindi ba hijo?" Nakangiting sabi ni nanay.

"Oo Nay! Mismo! May trabaho pa ako ngayon e! Boss naman iyang si Wayne. Kaya na niya yon!" Natatawang sabi ko.

Napipilitan namang ngumiti si Wayne at tumango tango. "O-Oo n-naman nay. He-He." Aniya kaya natawa ako, sinamaan niya naman ako ng tingin.

Pinagbuksan niya ng pinto si nanay at umikot papunta sa driver's seat.

"Paano ba yan mister? Limang minuto ang lalakarin mo papunta sa cabana ko?" Natatawang asar ko sakaniya.

Sinamaan niya ako ng tingin at hindi pinansin. Bubuksan na sana niya ang pinto papasok sa kotse niya nang asarin ko nanaman siya "Haynakooo! I'm free for almost a week!" Masayang sabi ko pero ang totoo ay hindi ako masaya. Masaya lang ako na nakikita siyang naaasar. It's like he doesnt want to be away from me kahit na kaunting panahon lang hihihihi and that makes me happy!

"Tara na Wayne hijo baka gapangin mo nanaman ang alaga ko!" Sigaw ni nanay. Matagal na po Nay. HAHAHA

Tumalim ang mga tingin niya sa akin bago pumasok sa kaniyang sasakyan.

Dali dali naman akong pumasok sa cabana ko at naligo.

It's already 8 at makakahabol pa naman siguro ako kahit late na ako.

To A Paradise With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon