Kabanata 28

378 7 0
                                    

Kabanata 28

"Wow! Ang ganda talaga dito!" Si Mike na kanina pa iyon sinasabi. Kakarating lang namin dito sa Paradise Resort. "Pero mas maganda ako!" Saka niya sinabi at tumawa ng malakas.

At dahil beach daw ito, Mike is wearing a white sundress and gosh, it's very short tapos maikling short ganoon din si Krys. Naiingit tuloy ako. Ganiyan din ang gusto kong isuot kanina ang kaso ay pinagalitan ako ni Wayne kaya wala akong nagawa. Sundress din ang suot ko pero halos sumayad na ito sa lupa. Nakakainis naman.

"Maganda nga, single naman." Ani Kael saka kinindatan si Mike. Umasta namang nandidiri si Mike sa ginawa ni Kael.

"Hoy! Malapit na akong sagutin ni Damon noh!" Sigaw niya saka hinanap si Silver. "Saan nga pala yun? Ang tagal naman niya! Bakit ba kasi hindi pa siya sumabay sa atin?" Reklamo niya.

"Ayaw ka niyang kasama. Madaldal ka kasi." Sabi ko. Umirap lang siya at tinignan ulit ang dagat ng manghang mangha.

"Let's eat lunch first." Anyaya ni Wayne sa amin.

Kasama namin ang lahat, ang mga magulang ko at ni Wayne. Si Mayadel, Si Krys, Si Mike, si Silver, si Mac pati si Nida, Jan at Kael ay narito.
Pagpasok namin sa loob, halos lahat ay nagulat. Lalo na si Brenda at ang mga alalay niya dati.

"Manong Bok!" Masayang bati ko saka yumakap sakaniya.

"Hija." Masigla dinh bati sakin ni Manong Bok. Sumunod ay si Manong Jerry, at Kaila at halos magtatalon ako sa tuwa nang makita si Joy at si Paula ang kasi ay pinigilan ako ni Wayne na tumakbo papunta sakanila.

"George!" Masayang tawag nila sa pangalan ko saka sila ang tumakbo palapit sa akin at niyakap ako.

"Kamusta ka na? Namiss ka namin!" Si Paula.

"Oo nga! Hindi pa din kami makapaniwala!" Si Joy.

"Ito. Okay lang. Namiss ko kayo!" Masayang sabi ko.

"Oh siya tama na iyan. Let's eat muna anak." Ani mommy.

"OMG Hello ma'am. Mas maganda pala kayo sa personal." Manghang sabi ni Joy kay mommy.

"Really?" Tuwang tuwang tanong naman ni mommy.

"Yes po." Sagot nito.

"Maganda din ako?" Singit ni mama.

"Ma'am Zel! Oo naman po!" Nakangiti at tuwang tuwang sagot ni Joy.

"Oo na sige na magaganda na kayo. Umupo na kayo." Singit ni daddy.

"Woah, ang gwapo ng daddy mo George." Bulong ni Paula bago nagpaalam na aalis na kasama si Joy.

Inalalayan naman ako ni Wayne paupo doon sa puwestong nakuha nila.

"What do you want to eat?" Tanong ni Wayne sa akin.

"Anything." Walang ganang sabi ko. Tumango tango naman siya.

Nakita kong nagbubulungan si Krys, Mike at Mayadel kaya sinuway ko sila.

"Oy. Anong ginagawa niyo?" Takang tanong ko. Nagsi ayos naman silang lahat ng upo.

"Wala wala!" Ani Mike na tatawa tawa pa kaya hindi ko na lang sila pinansin.

Nag order na sila ng makakain at habang hinihintay iyon ay nilalaro ni Wayne ang palad ko.

Nang dumating ang mga order namin ay nakitang kong isa si Brenda sa mga nagseserve. Nakayuko lang siya at hindi makatingin ng deretso.

"That's her." Rinig kong bulong ni Krys kay Mike.

To A Paradise With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon