Kabanata 5
"George anak! Gumising ka na jan!" Rinig kong sigaw ni nanay mula sa labas ng pinto ko.
Wala na si mister sa tabi ko at sarado na din ang bintana ngunit hindi ito nakalock. Ang kaso, hubo't hubad pa din ako. Aiisssh!
"Opo nay!" Sigaw ko din habang bumabangon.
"Bilisan mo. Isang oras ka ng hinihintay ni Wayne dito sa labas!" Sigaw niya kaya nagulat ako.
"Wayne? Bakit daw po?" Sigaw na tanong ko din at dali daling nagsuot ng damit na hanggang sa tuhod ko at lumabas.
"Anong bakit? Hindi ba at ngayon ang alis niyo papunta sa Paradise Resort? Dali na! Mahiya ka naman nak." Aniya at nanlaki ang mata ko. Sinulyapan ko siya sa baba at napangisi siya ng makita ako.
Dali dali naman akong naligo at pagkatapos ay nagsuot ako ng isang oversized na t-shirt na kay Tonton at nagshort. Kinuha ko ang nga importanteng gamit ko at nagdala lamang ng limang damit, shorts at undergarments pagkatapos ay lumabas na din.
"Oh andiyan na pala siya e." Sabi ni tatay Marcelo, nasa harap silang apat sa hapag kainan.
"Kumain na muna kayo bago kayo umalis." Ani nanay.
"Dito ka Ji." Ani Tonton at naglagay ng upuan sa tabi niya.
Ngumiti ako at lumapit sa kaniya at doon umupo.
"Pasensya ka na ulit dito sa batang ito hijo ha? Late talaga yan parati." Ani nanay. Ngumiti naman ako ng pilit.
"That's okay nay Lolit. I know----" aniya at tumingin sa akin."--how tired she is last night." Dugtong niya at tsaka ngumiti. Pinanlakihan ko naman siya ng mata. Shit what are you saying? "Naikwento sa akin ni Anton kung saan kayo pumunta kahapon at sinabi niya na masama daw ang pakiramdam mo kagabi so---"
"Oh yes! I'm okay now." Sabi ko at ngumiti ng pilit.
"Sigurado ka Ji?" Tanong ni Tonton sa akin at hinawakan ang leeg ko.
"O-Ofcourse Ton." Sabi ko at ngumiti.
"I think we should go now nay Lolit, Tay Marcelo, Anton." Ani mister at nanguna ng tumayo.
"Ihatid mo sila sa labas Anton. Mag iingat kayo." Sabi ni Tatay Marcelo.
"Bye nanay. Uwi po ako ng Sunday dito." Sabi ko at humalik sa pisngi ni nanay, yumakap naman ako kay tatay Marcelo.
"Let's go Georgina." Yaya ni Mister sa akin.
"Tara." Sabi naman Tonton sa akin at tsaka inakbayan ako.
Sinamaan ako ng tingin ni mister pero hindi ko iyon pinansin nauna siyang naglakad palabas pagkatapos ay sumunod kaming dalawa.
"Mag ingat ka doon Ji. Text mo ako ha? Titignan ko kung maaassign ako doon. Bibisitahin kita." Aniya.
Nang makalabas na kami at nasa tapat na kami ng kotse ni mister ay niyakap ko si Tonton sa bewang habang nakaakbay pa din siya sa akin. "Bye Ton. Make sure to visit me here thrice a week ha? Six day lang ako doon every week so dapat bibisita ka every other day." Nakangiting sabi ko at humiwalay na.
Tumawa naman siya at pinat ang ulo ko. "Oo naman. I will." Aniya.
Lumapit pa ako sakaniya. "And make sure to think about courting me huh?" Mahinang sabi ko sakaniya.
Tumawa ulit siya at inakbayan ulit ako at iginaya papunta sa kotse ni mister. Binuksan niya ang pinto at hinalikan ang ulo ko bago ako pinapasok doon. "Ingat Ji, Wayne. "aniya at sumaludo pa kay mister na walang emosyon ang itsura.
BINABASA MO ANG
To A Paradise With You
RomanceAnna Georgina Dela Riva is the daughter of the owner of Dela Riva Corporation, pangatlo sa pinakamayamang kompanya sa buong Asia. Dahil sa isang pangyayari, ipagkakasundo siya ng kaniyang ama sa pangalawang pinakamayan sa buong Asia. Hindi niya tang...