Kabanata 4

392 7 0
                                    

WARNING: Mag ingat sa mga binabasa. Hindi ito para sa mga bata.

Kabanata 4

Tama ang sinabi ni Mister na hindi niya ako guguluhin ng isang linggo. Ito na ang pang pitong araw ngayon at ang sabi niya ay pupunta daw ako doon bukas. Sunday ngayon at ayokong pumunta doon bukas baka kung ano ano nanaman ang lumabas sa bibig niya. Ano kayang puwedeng gawin ngayong Linggo?

Masaya din pala ako dahil sa lahat ng test ay negative ang lumabas so it means I am not pregnant. Matatanggap pa kaya ako ni Tonton kahit hindi na ako virgin?

Bakit hindi mo muna itanong kung may gusto ba siya sayo George, ha? 

Esh! Bahala na nga! Wala naman siya ngayong araw na ito dahil wala naman din siya dito every Sunday. San kaya nagpupupunta iyon?

Lumabas muna ako ng aking silid para sana tulungan sila nanay kung ano man ang gagawin nila.

"Nay! Ako na jan!" Sabi ko habang inaagaw ang walis sakaniya.

"Hayaan mo na ako dito hija. Puntahan mo si Ton doon sa bakuran at nag aani siya ng mga gulay doon." Ani nanay Lolit.

"Andito po si Tonton nay? Hindi siya aalis ngayon?" Tanong ko.

"Hindi yata siya aalis ngayon nak. Tignan mo doon sa likod nga at kanina pa parang wala sa kaniyang sarili iyon." Ani nanay kaya nagtaka naman ako at dumeretso na sa bakuran.

Andito nga si Tonton at mukhang wala siyang balak umalis.

"Ton!" Tawag ko pero hindi siya lumingon. "Ton!" Tawag ko ulit pero niya ako tinignan kaya lumapit na ako sakaniya at tinapik ang likod niya. "Tonton!" Saka ko sinabi.

Nagulat siya doon kaya nabitawan pa niya ang dala niyang basket. "J-Ji. Ikaw pala." Aniya.

Nanliit ang mga mata ko sakaniya. "Wala ka daw sa sarili mo kanina pa Ton. May problema ka ba?" Tanong ko.

Bumalik siya sa pagkuha ng nga gulay pero halatang ginawa niya iyon para umiwas sa tanong ko. "Alam mo naman iyon si mama masiyadong malalim ang interpretasyon sa lahat ng bagay. Tulungan mo nalang ako dito. Tuturuan kita magluto ng pinakbet." Aniya kaya natuwa naman ako at tinulungan siya.

"Nga pala, kamusta ka? Hindi na kita masiyadong nakakasama at nakikita. Pasensya ka na ha?" Aniya. Oo at namimiss na kita Ton. Lagi na lang yung si mister ang laman ng isip ko sa mga nakaraang araw. It"s not because I like him na. It's just that I think about how to eliminate a virus! Ugh!

"Okay lang ako. Namiss kita." Sabi ko sabay tawa. Hinawakan naman niya ang ulo ko at pinat iyon.

"Ano ba! Di na ako bata!" Natatawang sabi ko pero ko tinanggal ang hawak niya sa ulo ko. Naramdaman ko ang tigas niyon sa ulo ko, lupa iyon ah?

Ngumisi ako at pumulot ng putik sa baba ng kadidilig lang na halaman at ipinahid iyon sa pisngi niya.

"JI--" pabirong galit niya kaya natawa ako at naghanda ng tumakbo. "Halika nga ditong bata ka!" Sigaw niya sa akin habang hinahabol ako.

"Isang taon lang agwat natin Ton!" Natatawa kong ding sabi habang nag iikutan lang kami sa putikan.

Dumukot siya ng mga putik at ibinato sa tuhod ko.

"Tooon!" Pagalit ko ding biro kaya ako naman ang naghahabol ngayon. Pinanghugas ko ng kamay ko ang putik at hinabol siya. Nag iikutan lang kami sa gulay na pinagkukuhanan din namin.

Tumigil ako kaya tumigil din siya pero tawa siya ng tawa dahil sa hindi ko pagkahuli sakaniya. He is also doing make face so I also throw him a mud, mas marami kesa sa binato niya sa akin.

To A Paradise With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon