Kabanata 2

454 10 0
                                    

WARNING: Mag ingat sa mga binabasa. Hindi ito para sa mga bata.

Kabanata 2

Isang linggo na ako dito sa Baryo Ligaya dito sa Bayan ng Paraiso. Palaging maganda ang gising ko dahil palagi kong nakikita ang mukha ni Tonton. Kagaya ngayon, andito kami sa kusina at nagluluto siya ng agahan namin. Si Nanay Lolit ay nandoon na kaagad sa tindahan niya habang si Tatay Marcelo ay nasa bakuran nila.

Sabi ko kay Tonton na ako na ang magluluto pero ayaw naman niya kaya heto at pinapanood ko na lamang ang likod niya.

"I can cook Ton. Let me help you." Reklamo ko.

"Maupo ka na lamang jan. Malapit na to." Aniya.

"Ang bango!" Sabi ko.

"Sino? Ako?" Biro niya pero hindi iyon biro para sa akin kasi mabango talaga siya.

"Puwede." Natatawang sabi ko. "Maaga talagang kumakain sina Nanay Lolit ano?" Tanong ko

"Oo. Alas kwatro pa lang ay gising na ang mga iyon. Ikaw kasi alas sais ka gumigising." Aniya.

"Hala! Gigising na ako ng alas kwatro bukas promise! Eh kasi naman alas otso naman ang oras ng trabaho ko doon sa kabilang bayan e!" Sabi ko.

"Sabado bukas diba? Ede wala kang trabaho doon bukas." Natatawang aniya.

"Oo nga pala! Tch! Bilisan mo na jan. Malalate na ako!" Sabi ko.

Inilapag naman niya ang niluto niya sa harap ko. "Hindi ka malalate dahil hindi ka papasok ngayon." Aniya.

"Ha? Hindi ako papasok ngayon? Bakit? Diba ikaw ang hindi papasok ngayon?" Tanong ko.

"Pati ikaw. May pupuntahan tayo. Pinaalam na kita kahapon kaya wag kang mag alala.......Sige na, kain na tayo. Malayo layo ang biyahe natin." Aniya.

Excited naman akong naligo at nagbihis dahil sa pupuntahan daw namin ni Tonton. Saan kaya iyon?

Suot ko ulit ang damit niya na pinahiram niya sa akin. Malaki iyon kaya tinuck in ko ito. Ang saya saya ko talaga!

Hinayaan ko ang buhok ko na nakalugay at lumabas na habang sinusuklay iyon.

"Tara na Ton! Anong sasakyan natin?" Tanong ko.

Ngumiti naman siya at pininch ang ilong ko. "Cute mo talaga!" Nanggigigil na aniya kaya naestatwa ako.

"Tara na!" Natatawang sigaw niya kaya agad na akong sumunod sakaniya.

"Woy anong sasakyan natin?" Tanong ko ulit at kumapit sa braso niya.

"Hiniram ko ang kotse ni ate. Masiyadong malaki ang sasakyan mo." Aniya.

"Ma alis na kami!" Sigaw ni Tonton.

"Nay alis na kami. Babye po!" Paalam ko din.

"Oh sige mag iingat kayo. Anton ingatan mo iyang si George ha?" Ani Nanay Lolit.

"Mag iingat kayo!" Si tatay Marcelo.

"Opo!" Ani Tonton.

"Bye tay, nay!" Sabi ko at nagwave pa sakanila.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko kay Tonton habang nagkakabit ako ng seatbelt.

"Basta. Maganda doon. Dalawang oras ang biyahe natin kaya matulog ka na muna kung gusto mo.

"Boring pag matutulog ako Tonton! Kaya mag magkwento ka na lang sakin ha?" Sabi ko habang nakangiti at nakasandal sa upuan ko.

"Ano namang ikukwento ko?" Tanong naman niya.

To A Paradise With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon