Wakas

427 10 0
                                    

Wakas

"Hello everybooody!" Sigaw ng pamilyar na boses.

"Mike!" Masayang tawag ko sa pangalan ni Mike nang makita siya.

"Hello everybody! Everyone! My Gosh! Ang init dito sa Pilipinas!" Maarteng aniya. Ang dating mahabang buhok nito ay umikli na, kulot pa din ito gaya ng dati at ang kaniyang mga bangs ay curly din. Naalala ko tuloy si Wayne sa buhok niya.

"Woah! Is this my pamangkin na? Hello Zander!" Masayang bati niya anak ko.

"Heyo chicha Mak." Bulol na sabi ng anak ko na kumakaway pa kay Mike na nakangiti.

"Iiihhh! You are so cute Zander." Aniya na pinangigilan ang tatlong taong gulang kong anak.

"Hey! Stop pinching my daughter's cheek!" Baritonong boses ni Wayne ang nangibabaw.

"Jaji!" Sigaw ng anak ko sa daddy niya. Agad na sumilay sa mukha ni Wayne ang kasayahan ng makita ang anak na agad ding tumakbo sakaniya.

"Hi little princess. Did you miss Jaji?" Aniya na ginaya ang pagkakasalita niya ng daddy saka siya binuhat.

"Yeth jaji!" Masayang sagot ng anak namin, bulol pa  din.

"Ang OA mo naman! Para kurot lang e!" Sigaw ni Mike pero hindi siya pinansin ni Wayne. Dumeretso siya sa akin at humalik sa labi.

"Hey Martheena." Bati naman ng kakarating lang na si Silver. Sumilay ang mga ngiti ni Mike nang marinig iyon.

"My love!" Sigaw ni Mike saka dali daling tumakbo sa kinaroroonan ni Silver saka iyon kaagad na niyakap. "I miss you my love." Aniya na nakayakap na kay Silver. May dalang dalawang paper bag si Silver na inilayo niya matapos siyang yakapin ni Mike at masama itong tinignan.

"Dont hug me. Get lost." Aniya pero mas yumakap lang si Mike sakaniya.

"You didnt miss me, huh?" Pagtatanong ni Mike na tiningala pa si Silver habang nakayakap pa din.

"You wish." Nang iinsultong aniya saka ibinaba ang isang plastic at marahas na itinulak si Mike kaya muntik na itong mawalan ng balanse. Natawa ako nang lumaki ang mga mata ni Silver na parang nag aalala pero agad ding nawala nang makatayo agad si Mike at tinignan siya ng masama.

"You are so mean my love!" Sigaw niya pero naglakad na palapit sa amin si Silver.

"Hey there little Martheena." Nakangiting bati ni Silver sa anak ko.

"Chicho Demon!" Sigaw din ng anak ko kaya natawa kaming lahat.

"Aaaay! You are so brilliant Zander! He is really a Demon!!" Natatawang sigaw ni Mike na tinuro si Silver lero agad na nawala ang tawa na iyon nang tignan siya ng masama nito.

"Guess what I brought." Nakangiting aniya na pinakita ang dalawang paper bag.

"Shumaaaan!" My daughter giggled and laugh.

"Yes baby. Your favorite suman." Ani Silver saka kinuha ang anak ko sa kandungan niya.

"Chicho Demon---"

"Baby I told you, It should be tito Silver." Nakangiting ani Silver.

"Chicho Shilver." My daughter said and giggled again.

"Sana all kinakandong." Bulong ni Mike.

"Babe." Tawag sa akin ni Wayne saka hinapit ang bewang ko.

"Hm?" Tanong ko. Hinalikan niya ang gilid ng ulo ko.

"Mahal kita." Aniya saka ako hinila sa sofa para maupo.

"Talaga?" Nang aasar na tanong ko. Kumunot ang noo niya saka nagtaas ng kilay.

To A Paradise With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon