Kabanata 1
Mom, Dad. I'm sorry for leaving. I hope you understand why I have to do this. You marry each other because you love each other. How can you tie me to a man I dont love. I love you mom, dad but please make me decide on my own. I heard you guys talking earlier this morning so I decided to leave. Take care parents!
Iyon ang iniwan kong sulat sa kwarto nila mommy at alam ko ngayon na nagsisimula na silang maghanap. I dont mind. Maghanap sila sa New York.
"Excuse me ho?" Tanong ko sa isang matandang babae na nasa bangketa at katabi ang madami pang bata na pamilya niya siguro. Alas kwatro pa lang kaya tulog pa ang mga bata.
"Ano iyon ineng?" Nakangiting tanong niya.
"Saan ho dito ang Bayan ng Paraiso?" Tanong ko.
"Ay ineng sa kabilang bayan pa iyon. Deretsuhin mo lamang iyang daan at makikita mo na iyon." Nakangiting aniya.
"Ay. Salamat po.....Uhm. kunin niyo na po ito lola." Sabi ko at binigay sakaniya ang binili ko kagabi sa nadaanan kong drive thru. Madami akong binili doon kagabi gamit pa din iyong credit card. Malapit pa din iyon sa mall na pinuntahan ko kahapon kaya hindi pa nila matatrace kung nasaan ako.
Ibinigay ko sakaniya ang apat na supot. May nadaanan din ako dito kanina na nagtitinda ng pandesal kaya bumili din ako pati kape. Ibinigay ko din iyon kay lola.
"Ay ineng maraming salamat dito!" Tuwang tuwang aniya kaya napangiti ako
"Maraming salamat din po. Pero alam niyo po ba kung nasaan eksakto ang Baranggay Ligaya don sa Bayan ng Paraiso po?" Tanong ko.
"Oo ineng. Dumeretso ka lang at pag nakita mo na ang Palengke sa may Paraiso dumeretso ka pa ng kaunti at makikita mo ang nakalagay doon na Baranggay Luwalhati, doon ka pumasok. Deretsuhin mo iyon at makikita mo na ang Baranggay Ligaya." Paliwanag niya.
"Maraming salamat po." Masayang sabi ko din. Napagod ako sa biyahe at sa wakas ay makakarating na din ako. Walong oras ang biyahe ko at hindi ako tumigil maliban doon sa pagbili ko sa drive thru kagabi.
Kalahating oras akong nagmaneho ulit hanggang sa makita ko ang nakalagay na Baranggay Luwalhati kaya lumiko ako doon gaya ng sinabi ng matanda. Sampong minuto lang ay nakita ko na ang Baranggay Ligaya. Napangiti ako sa pamilyar na tanawin. Nakapunta na ako dito isang beses noong bata pa ako. But I cant clearly remember where exactly it is and now I am seeing it again!
Nang makapasok ako doon ay alam ko na agad kung nasaan ang bahay nila Nanay Lolit.
Isang lumang bahay iyon na may pagkamoderno ang desinyo. Maliit iyon pero maaliwalas at maganda pa ding tignan at lumaki ang ngiti ko nang mahanap ko na iyon. Dali dali akong lumabas at binuksan ang gate nila sana pero sarado pa iyon. Mas malaki pa ang bakuran nila kesa sa bahay nila pero napakaganda talaga nito.
Bukas na ang mga ilaw kaya alam ko na gising na sila.
"Nanay Lolit? Nanay Lolit? Tao po? Tao po?" Sigaw ko.
Lumabas naman ang isang matandang lalaki na nasa singkwenta na. Si Tatay Marcelo ito! Iyong asawa ni Nanay Lolit!
"Sino sila?" Tanong niya at lumapit sa gate para buksan ito.
"Tatay Marcelo! Si Nanay Lolit po?" Tanong ko. Kumunot naman ang noo niya.
"Nasa loob hija. Sino ka nga ba?" Tanong niya.
"Ako po si George! Anna Georgina po! Anak po ako ni Arthur at Georja." Sabi ko. Lumaki naman ang mga mata niya at dali dali akong pinapasok. "Ay halika tumuloy ka dito hija." Aniya kaya tuwang tuwa akong pumasok.

BINABASA MO ANG
To A Paradise With You
RomanceAnna Georgina Dela Riva is the daughter of the owner of Dela Riva Corporation, pangatlo sa pinakamayamang kompanya sa buong Asia. Dahil sa isang pangyayari, ipagkakasundo siya ng kaniyang ama sa pangalawang pinakamayan sa buong Asia. Hindi niya tang...