Kabanata 24

291 4 0
                                    

Kabanata 24

Saglit akong napatitig sa litratong iyon at napakurap kurap. Oh My God.

Kinuha ko ang litratong iyon at inilagay sa side table ko. Saglit akong nag isip at nang mapagpasiyahan ko ang lahat ay tumayo ako at lumabas ng kwarto ko.

Dumeretso ako sa kwarto ni mommy at daddy at saka kinatok iyon.

"What is it?" Tanong ni daddy mula sa loob.

"It's me, dad." Sabi ko mula dito sa labas at narinig ko ang papalapit na yabag niya at bumukas na ang pinto.

"What is it hija?" Tanong ni dad. Nakita ko naman si mommy na nasa likod niya.

"Puwede po ba akong pumasok?" Tanong ko. Tumango siya kaya pumasok na ako.

Pinaupo nila akong sa kama at silang dalawa at nakatayo at nag aabang ng sasabihin ko.

"What brought you here honey? Gabi na." Ani mommy saka umupo sa tabi ko.

"Dad, Mom....." sabi ko at tutok silang dalawa sa akin. "I want to meet my groom-to-be." Sabi ko. Pinakiramdaman muna nila akong dalawa bago sumagot.

"Ofcourse you will meet him honey." Ani mom.

"Is this some kind of a trick again Anna?" Kunot ang noo na tanong ni dad.

Umiling iling ako. "No dad! I-I just want to meet him. It's been a week pero hindi ko pa din siya nakikita o nakikilala. Ayokong ikasal na hindi man lang nakikilala ang mapapangasawa ko." Sagot ko.

Pinanliitan niya ako ng mga mata bago sumagot. "Okay. Sige." Aniya. "Go to your room. Matulog ka na." Ani daddy kaya tumayo na ako.

Humalik si mommy sa pisngi ko pagkatapos ay yumakap ako kay daddy.

"Good night......parents." sabi ko at naglakad na palabas.

Dumeretso ako sa baba para uminom ng tubig at naabutan doon si manang.

"Manang." Tawag ko sakaniya.

"Oh hija. Naubos mo na ba ang gatas na ibinigay ng mommy mo sayo?" Nakangiting tanong ni manang sa akin.

"Opo manang." Sabi ko at saka umupo.

"Manang pakiready naman po yung pool bukas. I want to swim." Sabi ko. I want to refresh my mind.

"May bisita kayo bukas George hija, magagalit ang daddy mo." Aniya.

"Sino po ba ang bisita bukas manang?" Tanong ko. Umupo naman siya sa harap ng inuupuan ko din.

Ngumiti siya bago sumagot. "Ang mga Sandoval hija." Ani manang kaya nagulat ako ng bahagya.

"Agad agad manang?" Gulat na tanong ko kaya nagtaka siya.

"Anong agad agad? Eh diba nga matagal na din naman nilang plano iyon?"

"Ahh....Yes manang. Nagulat lang ako." Pupunta siya bukas dito. Napangisi ako sa naisip.

"Manang, pakiready pa din po yung pool and tell to mommy na doon na lang maghanda for our guest for tomorrow." Nakangiting sabi ko.

"S-Sigurado ka ba riyan hija?" Nag aalalang tanong ni manang.

"Yes po manang." Nakangiting sabi ko. Timignan niya ako na parang nag aalala.

"Manang, dont worry po." Nakangiting sabi ko sakaniya.

"Dumalaw dito ang batang iyan hija. Magandang lalaki naman siya at saka magalang." Ani manang.

"I know manang." Nakangiting sabi ko kaya nagtaka ulit siya.

To A Paradise With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon