Monologue

51 2 0
                                    

Ako si Maria Alexa Sta. Ana, 18 years old at nakatira sa gitna ng isang kagubatan sa probinsya ng Rizal. Apat na lamang kaming magkakasama sa buhay, ang aking Inay Selma, Tatay Pedro at ang aking nakababatang kapatid na lalaki na si Anton.
Masayang maituturing ang aming pagsasama. Naroon man ang hirap ay tiyak ding lilipas dahil sa pagtutulungan ng bawat isa.
Si Nanay Selma ay labandera ng isang mayamang pamilya na mayroong pagaari na mansyon malapit sa kinatitirikan ng aming bahay, actually sakop pa nila ang lupang tinitirhan namin. Si Tatay naman ay paguuling ang trabaho at paminsan minsan ay nagbabantay sa Mansyon kung walang tao dahil siya rin ang naatasan ng may ari nito. Sino nga ba sila?  Sila ang pamilya Delos Rios. Isa sa pinaka mayaman sa probinsya ng Rizal.

Hanggang Sekondarya lamang ang natapos ko dahil hindi na kaya ng aking mga magulang na pagaralin pa ako sa kolehiyo. Gustuhin ko mang pumasok sa mga scholarship offers ay mula naman ito sa malalayong unibersidad kung kaya't nagpasya na lamang ako na huminto at tumulong na lamang sa aking mga magulang.

Sa kabila ng lahat ng ito ay may isang bagay akong kinahihiligan at lubos na pinaniniwalaan mula pagkabata pa lamang. Ito ay ang humiling sa mga bituin at buwan. At ang aking madalas na kahilingan ay ang makapag tapos ng pagaaral balang araw upang maiahon sa hirap ang aking mga magulang.

The Last Three WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon