Chapter 1

49 4 2
                                    

"Sana makapag aral ako ng kolehiyo"
"Sana makaahon na kami sa hirap"
"Sana humaba pa ang buhay ni inay at itay"
"Munting buwan at mga bituin, nawa'y tuparin ang aking hiling..."
Mahina akong bumulong sa aking sarili at tinitigan ang nagniningning na mga bituin at buwan sa kalawakan. Alas siyete na ng gabi kung kaya't napaka sarap nitong pagmasdan habang ako ay nakaupo sa munting duyan sa ilalim ng puno ng mangga.

"Parang gusto ko pang dagdagan yung hiling ko ngayong gabi-

"Alexaaa!  Halika na't makakain na tayo" sigaw ni inay na tuluyang gumising sa aking diwa.

"Si inay talaga oh, hihiling pa ako eh. Dibale na nga lang may bukas pa naman.  Nandyan na ho!!!!"

Madali akong pumasok sa aming munting kubo na gawa sa kawayan at pawid. Maliit mang maituturing ang aming tahanan ay malinis naman ito at maayos. Mayroon itong dalawang dibisyon para sa kwarto ni inay at itay at isa ay sa amin ng aking kapatid. Maayos rin ang aming kusina  na binibigyang liwanag ng munting lampara na nakasabit sa pinakagitnang pwesto ng aming bubungan. Ang aming munting lutuan ay ang tatlong bato na ginagamitan ng kahoy bilang panggatong. Gawa rin sa kawayan ang aming lamesa at upuan na sakto lamang para sa aming apat.
Nakahain na sa mesa ng ako ay umupo. Mayroong nilagang kamoteng kahoy at mais. Nakahanda rin ang sabaw ng mais na sa amoy pa lamang ay tiyak na sa tamis.

"Inay, mais at kamote nanaman hapunan natin?" wika ng nakababata kong kapatid na si Anton.

"Pagpasensyahan nyo na muna mga anak hindi pa kami nakakahango ng itay nyo ng uling. Huwag kayong magalala at kapag nakabenta na ay bababa agad ako sa kabayanan upang bumili ng bigas at ulam" nakangiting sabi ni inay.

"Talaga po? Inay bumili rin po kayo ng maraming sardinas paborito ko po iyon" si Anton.

"Oo naman anak, bibilhan ko kayo ng ate nyo ng masarap na ulam. Pero sa ngayon ay pag pasensyahan nyo na muna ang mais at kamote"

"Inay, kahit ano pa ho ang nakahain ay buong puso naming ipagpapasalamat sa Diyos dahil kahit papaano ay patuloy nya pa rin tayong pinagpapala. Masustansya kaya ang mais at kamote yun nga lang kapag nasobrahan ay nakakapag pa utot" natatawa kong sambit.

"Maraming salamat sa inyong pangunawa mga anak. O siya tayo ay kumain na at baka lumamig pa itong sabaw ng mais" wika ni itay habang nilalagyan ng kamote at mais ang aming pinggan.

Masasabi kong kuntento at masaya ako sa buhay na mayroon kami. Subalit mayroon paring munting pangarap ang aking puso na sana ay mas maging maayos pa ang aming buhay. Matanda na sila inay at itay kung kaya't gusto ko ring maranasan nilang magpahinga. Yung tipong sa bahay na lamang sila at ako naman ang sumusuporta sa lahat ng aming mga pangangailangan. Mas lalong sumidhi ang aking pagnanais na makapag aral at makatapos para matulungan sila.

"Mga munting hiling nawa'y tuparin ng buwan at mga bituin" mahina kong bulong sa aking sarili.

"Ate, nagsasalita kana naman magisa. Kahapon nakita kita nakatingin ka sa langit habang nakangiti tapos parang may kinakausap ka. May mga nakikita ka bang lumilipad na nagsasalita?"

"Hay nako Alexa anak, tigilan mo na iyang pag hiling hiling mo at hindi naman iyan matutupad. Ang gawin mo ay manalangin sa Diyos at tiyak sya ang tutupad ng anumang nais mo. Hindi tutuparin ng mga bituin at buwan yang mga hinihiling mo. Bata ka pa lamang ay iyan na ang lagi mong ginagawa. Magdasal ka anak huwag kang basta humiling" makahulugang sabi ni inay.

"Eh inay kahit na ho imposible naniniwala pa rin ako na balang araw may matutupad pa rin sa mga hiling ko. Lagi kayang nakangiti sakin yung buwan at mga bituin kada humihiling ako"

"Anak, hindi masamang humiling subalit kung patuloy mong paasahin ang sarili mo ay masasaktan ka lamang." si inay.

"Teka anak, ano ba yang mga hinihiling mo?" tanong ni itay.

"Ang makapag aral sa kolehiyo at makapagtapos para matulungan ko ho kayo at maiahon kayo sa hirap." nakayuko kong sambit.
"Inay, itay, alam ko hong malabo na ho ako makapag aral sa kolehiyo at makapag tapos subalit pangarap ko ho ito at hindi ako mananawang mangarap at humiling hanggang sa ito ay matupad."

"Pero anak...alam mong hindi ka namin kayang pagaralin ng itay mo. Yung pang araw araw pa nga lang na pagkain natin ay mahirap nang hagilapin paano pa kaya ang pagaaral mo ng kolehiyo?"

"Inay, narinig ko po sa radyo na kumukuha daw po ng mga scholars ang kagawaran ng edukasyon. Gusto ko pong subukan inay. Ayoko pong mawalay sa inyo pero mas ayoko pong habang buhay ay ganito ang buhay natin. Please inay...itay...payagan nyo ho ako na sumubok."

"Inay, itay, payagan nyo na po si ate matalino naman si ate diba nung nag gradweyt nga siya marami syang medalya."

"Sigurado ka ba talaga anak jan sa gusto mo?" tanong ni itay.

"Oh..oho tay...kakayanin ko po para sa inyo."

Napabuntung hininga ng malalim si itay. "Selma, bukas ay isama mo si Alexa pag baba mo ng bayan at samahan mo dun sa sinasabi nyang scholar."

Nagliwanag ang mukha ko. " Talaga ho itay?"

"Kung iyan talaga ang magpapasaya sa iyo anak ay susuportahan ka namin. Magdodobleng kayod kami ng itay mo upang masuportahan ka. Basta't ipangako mo na lagi kang magiingat ha?"

"Opo inay pangako po. Ipinapangako ko rin po na magiging maganda ang ating pamumuhay kapag ako ay nakatapos na at nagkaroon ng trabaho." Lumapit ako at yumakap kay inay at itay. "Maraming salamat ho sa pagtitiwala".

"Naku naku malamig na ang pagkain tayo na't kumain ng tayo ay makapag pahinga na rin" masayang banggit ni itay.

Masaya naming pinagsaluhan ang aming munting hapunan. May ngiti sa labi akong bumulong sa sarili ko "sa susunod inay, itay, anton, sa isang magandang restawran na tayo kakain."

______________********_________________

Nakangiti ako habang nakatitig sa mga medalya na nakasabit sa aking kwarto. Marami rami rin ito at lahat ng ito ay nakuha ko mula elementarya hanggang sekondarya. Maraming guro din ang nanghinayang sa akin nang malaman nila na hindi na ako makakapag aral sa kolehiyo dahil sa totoo lang ay matalino akong estudyante ayon sa kanila. Nagtapos akong Class Valedictorian noong elementary at high school. Best in English, Mathematics, Science and History ang ilan sa mga nagbigay karangalan sa akin. Walang nakakatalo sa akin sa mga debate at madalas ay ako ang inilalaban ng aming paaralan sa mga patimpalak ng iba't ibang paaralan. Yun nga lang ay sa usapang pinansiyal naman ako walang laban. Araw araw ay nilalakad ko lamang ang halos 5 kilometro mula bahay hanggang paaralan. Kaya't madaling araw pa lamang ay gumigising na ako upang maghanda papasok sa eskwelahan. Madalas din ay wala akong baon anuman. Nakakalibre lamang ako ng pagkain kapag ako ang naatasang magbantay sa kantina kapag recess kung kaya't libre ang aking meryenda at tanghalian. Minsan ay nadadalhan ko pa ng pasalubong ang aking nakakabatang kapatid kapag itinatabi ko ang meryenda na ibinibigay sa akin ng aming guro. Labing walong taong gulang na ako at pitong taong gulang naman ang aking kapatid. Sa kasalukuyan ay hindi nagaaral ang aking kapatid dahil sa layo ng paaralan subalit marunong magbasa at magsulat si Anton dahil na rin sa pagsusumikap kong maturuan siya.

Mabilis akong tumayo at inayos ang nga kakailangan ko para bukas. Mabuti na lamang at ito ay inilagay na ni inay sa isang envelope kaya't hindi ko na hahanapin isa isa.

"Card, TOR, Birth Certificate... naku kailangan ko pa palang kumuha ng indigency Sa baranggay dahil isa rin iyon Sa mga requirements."

Muli kong pinagmasdan ang aking mga grado noong sekondarya (English 96, Science 96, Mathematics, 93, History 97, P.E 92, Values Education 98 atbp.) lahat ng aking grado ay nasa line of 9.

"Hays, kung mayaman lang siguro kami ay tiyak makakapag aral ako sa magandang paaralan at matutupad ang pangarap ko bilang isang abogado."

Lumapit ako sa salamit at naka ngiting nagsalita " Di bale, may inay  naman akong magaling maglaba, may itay akong masipag magtanim at mag uling, may kapatid na makulit pero malambing, higit sa lahat ay mayroong buwan at mga bituin na gumagabay sa akin."

Inayos ko na ang mga kakailangan ko para bukas at humanda na para matulog. Handa na rin ako para salubungin ang naghihintay na bukas para sa kin.

Maya maya lamang ay naramdaman ko na ang antok na unti unting nauwi sa isang mahimbing na tulog.

Please do comment and vote. Thank you :)

-jessymae29



The Last Three WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon