•Alexa POV•
Marahan akong nagising sa ilang sunod sunod na katok na nagmula sa pintuan ng aking silid. Maghahatinggabi na nang makauwe ako kagabi. I was actually shocked for what happened last night. It was a confessions between us-me and Cedrick which really took years. Makalipas ang mahabang taon ay ang isa't isa pa rin ang aming itinatangi. Oo, mahal ko pa siya. Marahil ay nabalutan lamang ako ng galit at poot sa pagaakalang wala siyang nagawa para iligtas ako noon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang katotohanan na ampon lamang ako Nila inay at itay. Buong akala ko ay si Anton lamang ang ampon subalit nang mabasa ko ang liham na nagpapatunay na ampon ako ay tila pinagsakluban ako ng langit at lupa. Gayunpaman, abot langit ang pasasalamat ko sa tumayong magulang ko sa matagal na panahon, kung hindi dahil sa Kanila ay hindi ko alam Kung ano ang buhay na mayroon ako ngayon. Nalaman ko man na ampon ako ay walang magbabago. Sa puso't isipan ko sila lamang ang magulang ko. Si nanay Selma at Tatay Pedro. Pero nasaan nga ba ang tunay kong mga magulang?"Alexa?" boses iyon ni Francis.
"You may come in" sagot ko at mabilis na inayos ang magulo kong buhok dahil sa pagtulog.
Pumasok naman ito agad sa loob at derechong tumingin sa akin. Bihis na bihis ito. Naka complete attire ito na madalas nitong sinusuot kapag umaattend ng hearing sa mga kasong hinahawakan nito.
"I'm going to leave early. Nakapagluto na ako ng breakfast kumain kana muna bago ka umalis." sabi nito. Subalit kita ko sa mga mata nito na may gusto pa itong sabihin subalit wala akong lakas ng loob na tanungin ito sa ganitong sitwasyon. Alam kong matagal na siyang umaasa sa akin subalit alam ko rin na alam niyang si Cedrick ang mahal ko mula pa noon hanggang ngayon.
"Thank you..." iyon lamang ang nasabi ko.
Bumuntong hininga ito at lumawak ang ngiti nito sa mga labi.
"The case is already open Alexa. I have already filed it against Natasha at iyon ang aasikasuhin ko ngayong araw. We're quite closer for the justice of your family."Napanganga ako sa sinabi nito at hindi ko napigilang mapaluha sa aking narinig. Tumayo at mabilis na yumakap sa kaniya.
"Thank you, thank you! Thank you so much, Francis! You're such an angel to me. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung wala ka." patuloy pa rin ang pagluha ko dahil sa sobrang saya.
Marahan naman niyang pinunasan ang mga luha sa aking mga mata.
"Makukuha natin ang hustisya okay? Nakausap ko na si Cedrick and he's willing to stand as a witness, so, eto na yun. Kaya huwag kanang malungkot."
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at napayuko. Naalala ko ang gabing lumipas na magkasama kami ni Cedrick .
"Francis, si Cedrick ang kasama ko kagabi. " mahina kong sabi.
"Alam ko...tumawag ako sa kaniya kagabi dahil nagbabakasakali akong magkasama kayo at sinabi nya nga nakauwe kana." Hinawakan nito ang magkabila kong pisngi at tumitig sa akin.
"Tanggap ko na Alexa. Hindi ako ang para sa iyo dahil mayroong mas higit sa akin. At siya ang matagal nang nagmamay ari ng puso mo. Alam kong hindi ka pababayaan ni Cedrick kaya sana ay maging masaya kayong dalawa. You deserve all the happiness that the life has to offer Alexa."Niyakap ko siya ng mahigpit dahil sa sinseridad nito. "Thank you so much, Francis ." Yun na lamang ang nasabi ko.
"Oh siya, I have to go. You have to eat your breakfast ako nagluto nun." nakangiti nitong sabi at banayad akong hinalikan sa noo. Matapos ay umalis na ito.
Umupo ako sa kama at ipinikit ang aking mga mata. May kakaibang saya akong naramdaman. Sa wakas ay makakamit ko na ang matagal na hustisyang ipinagkait sa aking mga magulang.
BINABASA MO ANG
The Last Three Wishes
Teen FictionWhen the moon, stars and heart collide. Be careful what you wish for.