Marahan akong nagmulat nang tumama ang sikat ng araw sa mukha ko dahil sa nakabukas na bintana. Nag inat ako sandali at bumangon na at saka niligpit ang aking pinaghigaan. Sa tantiya ko ay nasa alas nuebe na ng umaga dahil mataas na ang sikat ng araw. Napatingin ako sa kabilang papag at napansing wala na ang pasyente ko buong magdamag. Saang lupalop kaya ito naroroon? Matapos nya akong puyatin magdamag kakabantay sa kaniya. Maya't Maya rin ang pagchecheck ko kung normal ba ang paghinga nya tapos bigla na lang syang mawawalang parang bula. Baka naman kinuha nila tala at buwan kasi nagwapuhan char haha.
Matapos maligpit ay lumabas na ako para magtungo sa kusina. Wala pa man sa kusina ay naririnig ko na naguusap sila inay at itay pati na rin si Anton at yung lalaking napulot ni itay. Hayyy, sa dami naman ng mapupulot ni itay bakit lalaki pa? Pwede namang ginto na lang."Wala ka ba talagang naaalala iho?"
"Wala po talaga akong matandaan, even my name or anything. I don't remember everything." wika nung lalaki tsaka napapikit habang nakahawak sa ulo nito na tila sumasakit.
"Naku'y wag mong pilitin ang sarili mo kung wala ka talagang maalala at baka lalo lamang sumakit ang ulo mo." nagaalalang sabi ni inay.
"Nagtataka lamang ako kung bakit napakarami mong pasa sa katawan at may sugat ka rin sa ulo. Hindi man ako sigurado ay baka ika'y napagkatuwaang bugbugin at itapon dito sa aming lugar. Subalit bakit rito pa sa gubat? Kami lamang halos ang nakakaalam ng lugar na ito." si itay.
"Marahil iyang sugat mo sa ulo ay pinalo ka ng malakas kung kaya't pansamantala mong nakalimutan ang lahat, hindi ba't may ganoong pangyayari Pedro? Ano nga bang tawag doon?" tanong ni inay.
"Anesthesia, Selma maaaring mayroon kang pansamantalang anesthesia iho."
Natawa ako sa aking narinig na naging sanhi upang mapatingin sila sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang sumali sa usapan.
"Temporary Amnesia po inay, itay, maaari pong mayroon siya noon." sambit ko.
"Kuuu anak magkatunog din naman haha" tawa ni inay.
"Maige't gising kana anak tayo ay magalmusal na rin nang sabay sabay. Naglaga ako ng hinog na saging at itong mainit na salabat." sabat ni itay.
Derederecho akong umupo sa kawayang upuan at dumampot ng isang nilagang saging.
"Pwede ka namin samahan ni inay sa bayan upang ipaalam sa pulisya ang kalagayan mo at ng sa ganon ay pwede ka ring makilala ng mga kamaganak mo kung sakaling ipanawagan nila ito sa media." sabat ko.
"Please... Pwede bang manatili muna ako rito pansamantala? Gusto ko munang maalala ang lahat bago ako bumalik sa amin?" nakikiusap nitong sabi.
"Subalit paano kung hinahanap kana sa inyo?" tanong ni inay.
"Pero mas mahihirapan po ako kung babalik ako na walang anumang naaalala. Nakikiusap po ako, pwede po bang dumito muna po ako pansamantala?"
"O siya sige. Kung iyan ang mas makakatulong sayo. Manuwari'y bumalik na agad ang iyong alaala sa madaling panahon." banggit ni itay.
"Maraming salamat po"
"Teka Kuya ano nga palang itatawag namin sayo? Eh wala ka namang pangalan." makulit na tanong ni Anton.
"Hindi ba't Anton ang pangalan mo? " nakangiti nitong tanong?
"Opo kuya"
"Edi tawagin nyo na lang muna akong Tantan para ikaw si Tonton at ako naman si Tantan" nakangiti pa rin ito.
Sumangayon naman sina inay, itay at Anton na Tantan ang itatawag sa kaniya kaya naki sang ayon na rin ako.
Habang nagaalmusal ay panay ang kwentuhan at tawanan nila. Palihim kong sinusulyapan si Tantan at sinasaulo ang bawat anggulo ng mukha nito. Tunay ngang napaka puti at kinis ng balat nito. Ang mga labing mapupula, matangos na ilong, medyo singkit na mata, mahahabang pilikmata at makapal na kilay ay tunay kaakit akit pagmasdan. Napukaw rin ang aking atensyon ng matitikas nitong bisig at pangangatawan na halata at kitang kita dahil nakasuot lamang ito ng lumang sando ni itay. Samakatuwid, maituturing na isa siyang modelo dahil sa kaniyang kisig at kagwapuhang taglay. Napapitlag ako nang biglang magsalita ng malakas ang kapatid ko.
BINABASA MO ANG
The Last Three Wishes
Teen FictionWhen the moon, stars and heart collide. Be careful what you wish for.