"Ate! Ate! Gising na kanina pa handa si inay!"
Napabalikwas ako nang bangon dahil sa pagyugyog sa akin ng kapatid ko. Naalala kong ngayon nga pala kami ni inay bababa sa bayan upang asikasuhin ang pagaapply ko na scholarship. Mabilis akong bumangon at tiniklop ang aking hinigaan. Pagkatapos ay madali akong lumabas at tumungo sa kusina kung saan naroon nagkakape sina inay at itay.
"Inay pasensya na ho tinanghali yata ako ng gising. "
"Alas tres y' medya pa lamang ng umaga anak, subalit kailangan nating umalis ng maaga dahil malayo layo ang ating lakarin patungong kabayanan"
"Opo, inay magaayos na ho agad ako."
"Teka at inumin mo muna itong salabat ng mainitan iyang sikmura mo bago ka magligo. Malamig pa ang hangin dahil madaling araw pa lamang." Iniabot saakin ni itay ang isang tasa ng salabat at marahan ko iyong ininom.
Makalipas ang ilang sandali ay natapos ko nang inumin ang mainit na salabat. Mabilis akong naghanda ng isusuot at nagtungo sa likod ng aming bahay kung saan ay may malaking drum na maraming tubig na naipon dahil sa ulan. Sobrang lamig man ay pinilit kong tiisin na lamang at mabilisang naligo. Pagkatapos ay inayos ko na ang aking sarili at mga dadalhin. Muli akong nagtungo sa kusina kung saan naghihintay si inay saakin.
"Oh nariyan na ang anak mo, kayo'y humayo na at nang kayo ay makabalik ng maaga." wika ni itay.
"Siya't tara na nga anak dahil malayo pa ang ating lalakarin."
"Teka Selma, itong natirang kamote at mais kagabi ay inyo ng baunin, magdala rin kayo nitong tubig at tiyak ay aabutin kayo ng pagputok ng araw sa daanan. Maigi na na kayo'y may baon kahit papaano." Iniabot ni itay kay inay ang supot na kinalalagyan ng aming babaunin.
"Magiingat kayo sa daan Selma, Alexa ang inay mo ay iyong aalalayang mabuti sa mahihirap na daanan madilim pa ang paligid."
"Opo itay, aalis na ho kami. Magiingat din po kayo ni Anton maghapon."
Lumabas na kami ni inay at nagsimulang lumakad bitbit ang pagasa at determinasyon na sana ay isa ako sa mga swertehing makapasok ng scholarship.
Sa tulong ng sulo at munting lampara na aming dala ay naging maayos naman ang aming paglalakad. Sapat lamang ang liwanag na binibigay nito upang aming makita ng maayos ang aming dinadaanan. May ilang parte na medyo nahirapan kami dahil medyo malabo na ang mata ni nanay at kailangan ko siyang alalayan.
Bandang alas singko ng umaga ay tumigil muna kami ni inay para magpahinga. Medyo maliwanag na ang paligid kung kaya't pinatay na namin ang dalang ilaw at itinabi sa ilalim ng puno na madalas ay aming pahingahan kapag naglalakad patungong bayan.
Lalakad na sana muli kami ni inay nang may marinig kaming kung anong parang umuungol.
"uhmmm... Mmmm"
"Inay narinig nyo ba yun? "
"Oo anak kanina ko pa narinig akala ko ay Kung anong tunog lamang kaya hindi ko na pinansin, narinig mo rin pala. Ano kaya iyon?" mahina ring bulong ni inay.
Maya maya pa ay nawala na ang tunog kaya napagpasyahan naming umalis na sa lugar na iyon.
Alas siyete y' medya na ng makarating kami sa kabayanan. Kumakalam na ang aking sikmura at pagod na rin ang aking mga binti dahil sa layo ng aming nilakad.
Kasalukuyan kaming nakaupo ni inay sa isang waiting shed at pinagsasaluhan ang pinainit na mais at kamote na natira pa namin kagabi."Teka anak, saan nga ba tayo pupunta?"
"Sa may baranggay hall ho 'nay. Kukuha po ako ng indigency. Pero doon narin ho ipapasa dahil sila naman na po ang magpapasa sa CHEd , mga requirements lang po ang ibibigay natin sa baranggay at sila na ho ang bahala."
BINABASA MO ANG
The Last Three Wishes
Teen FictionWhen the moon, stars and heart collide. Be careful what you wish for.