Chapter 11

3 0 0
                                    

Chapter 11
•Alexa's POV•

I was really shocked a while ago. I didn't expect that I can see him any of these days. Not so fast Cedrick. But I guess this is the right time for me to do my revenge. Sa kaniya, sa nanay nyang demonyo at sa lahat ng pumatay sa pamilya ko. I felt too much hatred the last time we had. He denied everything about me. I almost died because of him. Akala ko pa naman siya ang makakasama ko sa lahat ng bagay noong mga oras na iyon pero nagkamali lang ako. Hindi na lang sana ako nagtiwala sa kaniya noong mga panahong iyon dahil iyon mismo ang nagpahamak sa buong pamilya ko.
I am planning to file a case against Natasha, Cedrick's mother. I just need to be more prepared about it. It will be a big fight between us and I will never let her win this time. Even Cedrick, wala akong palalagpasin sa kanilang lahat. They almost ruined my whole life. Good thing I have Francis who's been my companion and I owe him a lot. He sacrificed a lot of things for me. Nakapagtapos ako dahil sa kaniya at naririto ako ngayon sa rurok ng tagumpay dahil din sa kaniya. Pero kulang pa rin talaga dahil hanggang ngayon I am aiming an absolute justice for my family.

"Hey, are you okay?" nakangiting tanong ni Francis. Kasalukuyan akong nakaupo sa Veranda habang umiinom ng wine. We just arrived an our ago from mall and I really need to relax after I met Cedrick.

"Yeah, of course I'm okay." ngumiti rin ako pabalik sa kaniya.
Francis knew everything about me and even Cedrick. I told him everything and I'm thankful that he has the ears for me. He knows my story from the very start.

"Do you still love him?" nagulat ako sa tanong nya.

"What? Are you kidding me? Hahaha! of course not! I don't love him anymore and there is no reason for me to love him the way I did before." derederecho kong sagot.

"You can fool the surroundings and the people around you but not yourself Atty Alexa. " ngumiti ito at lumapit sa akin. "First love never dies Alexa and if you feel that you still have feelings for him, then let me know okay? Para kapag sinaktan ka nya ulit ako na ang gaganti para sayo."

Natigilan ako sa mga sinabi nya. Yes he's right. Maybe my heart right now is filled with hatred but there's still a part of it that reminisces the time that I felt in love with Francis.

"No, this can't be. Wala na akong nararamdaman sa kaniya. I already told him that I am your girlfriend and besides, he already have his wife. It creeps the hell out of me to be a third party." hindi ko alam Kung bakit iyon ang nasabi ko. Nagiwas na lang ako ng tingin sa kaniya.
That moment in the mall was really unexpected. I pretend to be Francis'girlfriend to let him know that I already moved on from him.

"Well, I'm sorry kung hindi ko nasabi sayo na may asawa na sya. I know it makes you hurt---

"NO! I don't care about his fucking life Francis! I don't even care about him! He's just a part of my nightmare and I am already awake from it can't you understand that?!" napataas na ang boses ko.

"Okay, okay easy... I'm just saying na may asawa sya pero hindi nya naman---

"Enough. Stop saying anything about him. We'll see in court then."

"Wala syang kasalanan Alexa. He's just a victim of Natasha." mahinahon pa rin nitong paliwanag.

"I said ENOUGH." tumayo ako at akmang humakbang patalikod sa kaniya. "I'll just go out. I need some fresh air to relax myself. I'll be back before 6 PM." at tuluyang umalis.

It's time to go back in the place where everything begins. Kailangan ko rin ito para makapagisip ako ng maayos sa lahat ng mga bagay na pinaplano ko.
Bandang alas 12 ako nakarating sa aking pupuntahan. Good thing maganda na ang daanan hanggang sa may malaking puno ng mangga. Noon ay hindi pa nakakapasok ang sasakyan hanggang dito ngunit ngayon ay pwede na. Nilakad ko na lamang ang ilan pang kilometro patungo sa aming dating bahay. Nasa tarangkahan pa lamang ako ay tanaw ko na ang aming kubo. Tila bumalik lahat ng ala ala ko noon kasama ang buong pamilya ko. Habang papalapit ako sa kubo ay nag flaflashback sa isip ko ang boses nila inay, itay at Anton.

"Ate, gusto mong biskwit? Binilhan ako ni nanay sa bayan oh hati tayo."

"Alexa, anak magaaral kang mabuti dahil iyan magdadala sa iyo sa tagumpay."

"Maryang anak, tigilan mo na ang kakahiling mo magdasal ka anak at tiyak matutupad ang iyong mga kagustuhan sa buhay."

Unti unting pumatak ang mga luha sa aking mga mata. Umaasa ang puso ko na sana ay nasa loob sina inay, itay at Anton habang nagaantay sa akin. Tapos may mga dala akong pasalubong para sa kanila. Subalit lalo lang ako nasasaktan dahil sa katotohanang wala na talaga sila.

Itinulak ko ang kawayan na pintuan upang pakapasok sa loob. Sira sira na ang bahay namin subalit wala man lang nabawas sa mga gamit na naroroon. Nandon pa rin ang mga gamit sa kusina, ang mga gamit ni itay sa paguuling at pagtatanim, ang palangganang yero ni inay. Lahat ay halos walang nabawas. Sila lang talaga ang nawala. Pumunta ako sa kwarto ko at nadatnan doon lahat ng gamit ko na halos ay sira sira na. Siguro ay dahil na rin sa mga malalakas na ulan na nagdaan kaya nabasa at nasira na ang mga ito. Matapos naman ay dumerecho ako sa kwarto nila inay at itay. Tila may sumaksak na aking puso nang makapasok ako. Sira na rin ang mga gamit sa loob maliban sa tokador na nananatiling nakatayo. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang mga lumang damit nila inay at itay. Marahan kong kinuha ang isang damit ni inay at isang damit ni itay. Niyakap ko ang mga ito at hindi na napigilan pang humagulgol. Hanggang ngayon ay grabe ang pangungulila ko sa kanila.

"Inay.... Itay... Anton... Miss na miss na miss na miss ko na kayo. Sana ay Kasama ko kayo ngayon. Sana ay kasama ko kayo sa tagumpay ko. Hindi ko man lang naiparanas sa inyo ang magandang buhay." nagpatuloy ako sa pag luha at sa hindi inaasahan ay napansin ko ang isang plastic envelope na tila may nakalagay. Madali ko itong kinuha ko at binuksan. Sa loob nito ay mayroong tila sulat na nakaplastik pa. Tinaggal ko ito sa plastic at tumambad sa akin ang isa ngang sulat na bagong bago pa. Tila ba ay iningatan itong mabuti kaya hindi kumupas.

Selma at Pedro,

Alam kong mahirap ang buhay subalit nakakasiguro akong maaalagaan nyong mabuti ang aking anak. Napakatagal na panahon nyo nang ninanais na magkaroon ng sipling subalit hindi mangyari kaya masaya ako na sa inyo mapupunta ang aking anak. Pangalanan nyo siyang Maria Alexa. Masaya akong lilisan sa mundo dahil alam kong nasa mabuting kamay ang aking anak. Maraming salamat sa lahat at nawa'y pagpalain pa kayo ng maykapal.

Alexandra

Gulat na gulat ako sa aking nabasa dahil malinaw na malinaw ang nakasaad dito. Hindi ako tunay na anak nila inay at itay. Kaya pala sinasabi noong mga tindera sa palengke na ampon ako. Kaya pala hindi ko kamukha sila inay at itay ay dahil hindi nila ako tunay na anak.
Napansin kong mayroong isang litrato na nakadikit sa likod ng sulat. Picture ito ng isang magandang babae na tila ay nasa isang hospital. Nakangiti ito habang buhat ang isang baby. Kamukhang kamukha ko ang babae mula sa mata, ilong at labi.

"Hindi kaya... siya ang nanay ko..." may nabuong konklusyon sa isipan ko na maaaring siya nga ang nanay ko.

Tatayo na sana ako nang bigla akong makarinig ng tila ay yabag ng kabayo. Nagkubli ako sa gilid ng bintana ng kwarto nila inay at sumilip sa maliit na butas na naroroon. Hindi nga ako nagkamali. May isang puting kabayo sa labas ng bahay. Subalit mas nagulat sa lalaking nakasakay dito na bumaba rin. Nakasuot ito ng puting long sleeve at itim na pantalon. Naka itim din itong boots at cowboy hat. Bakit ka naririto? Anong ginagawa mo dito? Tanong ko sa sarili ko.

"Tantan..." mahina kong bulong.

Keep on reading guys! 💛
Vote vote din hehez
Will update soonest! :)

-jessymae29

The Last Three WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon