•Cedrick POV•I was very frustrated and mad with myself for this shit feelings I have. I promised to myself that I will never think her again, everything about her. But what happened to me? It seems that I ate all the words I've just said earlier. Kyla doesn't deserve this kind of pain. For a long time she has been a good companion who has a welcoming shoulders to lean on everytime I need someone to talk with. She is a very kind person. She deserves all the happiness that the life has to offer and I can't even give that happiness to her.
Earlier, we almost reach the most exciting part of being a couple but something hindered us. I accidentally mentioned Alexa's name in the midst of pleasure. I was about to disregard what I have just said when she totally refused. She told me that I still love Alexa and she will never be Alexa. Seeing her tears really breaks my heart knowing that she sacrificed a lot for my own happiness."You better fix yourself and pursue her, Cedrick. Hinding hindi ako magiging sapat para sumaya ka. Siya lang ang makakapagpasaya sayo kaya huwag mo ng sayangin ang mga oras na mayroon pa para sa inyo." that's what she told and then left me out of any words to say.
It's already 4 in the afternoon when I reached the place where there are a lot of memories to remember. I decided to go here to relax my self and think about this damn life. Tamang tama ang pagdating ko dahil wala na ang mainit na araw at tanging malamig na simoy ng hangin na lang ang sumalubong sa akin. Malayo pa lamang ay tanaw ko na ang munting kubo na minsan nang nagbigay kasiyahan sa akin. Ang mga munting tawanan, asaran at matatamis na ngiti na aming pinagsaluhan noon na hanggang alaala ngayon. Inay, Itay, Anton, patawarin nyo ako kung wala akong nagawa para ipagtanggol kayo noon. Kung may lakas lang ako noon ay buhay pa sana kayo ngayon dahil hindi ako papayag na may mangyaring masama sa inyo. Subalit naduwag ako kaya pati kayo ay nadamay. Pero huwag kayong magalala dahil hindi ako papayag na hindi mabigyan ng hustisya ang nangyari sa inyo. Kaunting panahon na lamang ay malapit ko ng maipakulong si Natasha at ang mga tauhan niya na pumatay sa inyo. Kailangan ko na muna mailayo si daddy sa kaniya bago ko isagawa ang plano.
I have already decided to fight for Alexa. I don't care if Francis will get mad but fuck, this is about her and I can't even imagine anymore my life without her. Lalo na at nagkita na kami ngayon. I will fight for her even though I can feel the deep anger in her heart. I will slowly make her remember all the times we had until her heart melts and falls again. This time, hinding hindi na kita susukuan.Bumaba ako sa puting kabayo na sinakyan ko papunta dito. He is Pegasus, my favorite horse amongst. Isa siya sa mga nagbalik ng alaala ko noong mga panahong dinala siya ni Tatay Pedro dito noon. Iniwan ko na lamang ang kotse ko sa mansion para mamaya pauwe pabalik ng Antipolo. Itinali ko muna siya sa isang puno ng ipil malapit sa bahay at naglakad palapit sa bahay. Mabibigat ang bawat hakbang na dulot sa akin lalo na at kitang kita ko ang lungkot ng munting bahay na noon ay punong puno ng saya at pagmamahal. Lumang luma na at puno ng sapot ng gagamba ang labas ng bahay. Lumapit ako sa pintuan at marahan iyong itinulak. Hindi naman ako nahirapan na mabuksan iyon. Nang makapasok ay iginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng bahay. Walang nabago anuman. Nandon pa rin ang mga kagamitan na naiwan namin noon. Ang upuan sa may salas ay naroon pa din ngunit tila ay marupok na. Nakarami ding sapot ng gagamba at alikabok sa loob. Lumakad ako palapit sa kwarto ni Alexa na tinutulugan ko noon. Naroon pa din ang dalawang papag at banig na nakalatag.
Muli kong naalala noon na kada matutulog na kami ay hinahayaan ko munang mauna na makatulog siya at kapag mahimbing na ang tulog niya ay tititigan ko siya ng matagal hanggang sa antukin ako. She didn't even know how she made me feel amaze on her looks and personality. She's kinda perfect and an ideal girl that's why I owe her a lot. Yun nga lang iba na ang sitwasyon ngayon at hindi ko alam kung paano pa kami babalik sa dati.Natagpuan ko na lang ang sarili ko na naglalakad palapit sa kwarto nila inay at itay. Marahan kong itinulak ang pinto at nang makapasok ay gulat na gulat ako sa aking nakita. Ipinilig ko ang aking ulo sa pagaakala na baka namamalikmata lang ako pero hindi, totoong siya ang kaharap ko. Kaharap ko ngayon ang babaeng tanging itinatangi ng aking puso sa loob ng napaka tagal na panahon. Ang nagiisang babae na nagpaibig at bumihag sa aking puso.
BINABASA MO ANG
The Last Three Wishes
Teen FictionWhen the moon, stars and heart collide. Be careful what you wish for.