Tahimik ang aming kabahayan nang dumating kami ni inay. Mayroong liwanag na nagmula sa munting gasera na nakasabit.
"Pedro! Anton! Narito na kami!" sigaw ni inay habang tinutulak ang munting kawayan na nagsilbing gate bago makarating sa mismong pintuan ng aming bahay kubo.
"Inay baka ho pinuntahan ni itay saglit ang pugon."
"Ay siya nga siguro. Halika na't takipsilim na."
Pagkapasok sa loob ng bahay ay doon ko naramdaman ang sobrang pagod. Masakit na ang aking mga tuhod at katawan at tila ba ay hinihila na ako upang mahiga.
"Inay magpapahinga po muna ako masakit na po talaga ang katawan ko. Kayo rin po ay magpahinga muna tiyak naman hong mayamaya ay darating na sila itay."
"Sige na't magpahinga kana ako muna ay magsasaing upang pagdating ng mga itay mo ay luto na ang hapunan."
"Teka, inay parang wala naman pong nilutong manok si itay." wika ko nang aking mapansin na wala namang nakahandang ulam na manok o baboy sa kusina.
"Naku, baka tayo'y nagkamali. Siguro ay ligaw na hayop lamang iyon na nasugatan at doon nag marka ang dugo sa daanan."
"Eh inay, ano po kaya yung ungol na narinig natin kaNina doon din sa may malapit sa puno ng mangga? Para po talagang ungol ng tao iyon."
"Ano ka ba naman at pinoproblema mo iyon. Wala iyon, baka iyon ay guni guni lamang natin dahil Sa pagod. Magpahinga kana Maryang at tatawagin na lamang kita kapag kakain na ng hapunan."
Walang imik akong pumasok sa silid namin ng kapatid ko. Medyo madilim sa loob kung kaya't kinakailangan ko pang sindihan ang munting gasera na nakapatong sa maliit na lamesa. Madali kong kinapa ang posporo at agad sinindihan ang ilawan.
Pag harap ko sa aking higaan ay muntik ko nang mabitawan ang gaserang hawak ko dahil sa aking nakita. May isang lalaking nakahiga sa aking papag. Mayroon itong tali na puting tela sa noo at may bakas pa ng dugo. Nakabalot rin ang katawan nito ng Katya at para itong nanginginig at dumadaing."Inay! Inay!" Mabilis akong tumakbo patungo sa kusina. Kakarating lang din nila itay at Anton nang makalabas ako ng silid.
"Ano ka ba namang bata ka at para kang batang tumatakbo? Anong nangyari sayo at para kang hinahabol ng kapre?"
"Inay... may...may..may ta-o"
Uutal utal kong sambit."Ano bang sinasabi mo Maryang?"
"Inay may tao pong nakahiga sa silid ko. Malaking lalaki po at tila ay sugatan" natatakot kong wika.
"Inay baka masamang tao yun! Paano yun nakapasok sa bahay natin?""Diyos ko po! Pedro tena't may tao raw sa silid ng anak mo! Tingnan mo nga kung totoo. Baka naman anak kung ano ano iniisip mo at namalik mata ka lang?"
"Inay totoo po! Maniwala po kayo sakin may tao po talaga sa loob."
"Selma, Maria, kayo'y kumalma at tumahimik." mahinang sambit ni ama.
"Ang lalaking nasa silid mo Alexa ay natagpuan ko sa may damuhan malapit sa may manggang malaki sa daanan. Nagulat ako at natakot subalit bago pa man sya nawalan ng ulirat ay nakapagsalita siya ng "tulong" kung kaya't hindi na ako nagdalawang isip na iuwe siya dito sa bahay. Mayroon siyang malaking sugat sa ulo na tila ay sanhi ng malakas na palo. May mga sugat din siya sa katawan. Pansamantala ay pinahidan ko na muna siya ng mga halamang gamot na mayroon tayo." mahina ngunit kabado ring sambit ni itay.
"Pedro hindi ba delikado na dito mo siya dinala sa bahay natin? Baka iyan ay miyembro ng sindikato o di kaya ay salvage victim at dito sa lugar natin itinapon?"
BINABASA MO ANG
The Last Three Wishes
Teen FictionWhen the moon, stars and heart collide. Be careful what you wish for.