Chapter 6

8 0 0
                                    

Nagising ako sa malakas na tilaok ng manok na pula ni itay. Naalala kong nasa tapat nga pala ito ng bintana ng aking kwarto kaya't magigising ka talaga. Pagkamulat ko ay dagli akong nagulat sa lalaking nakatitig sa akin. Wala siyang kakurap kurap habang nakatingin sa akin. Mabilis akong tumayo at niligpit ang aking higaan.

"Anong tinitingin tingin mo jan?" Masungit kong tanong.

"Ang aga aga ang sungit mo." sagot nito.

"Bakit ka nga nakatingin sakin? May binabalak ka sakin 'no?!!"

"Hahaha do you really think I can do that, Alexa?"

"Malay ko ba!"

"You have an eye booger" nakangisi nitong sabi.

"Ano???" hindi ko na gets ang sinabi nito.

"You have an eye booger Alexa."

"Ano ba kasing eye booger???" naiinis kong tanong.

"Alexa may muta ka sa mata mo." sabi nito habang nakatitig saakin.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Mabilis akong tumaliKod at tsaka hinawakan ang mga mata ko. My G!!!  Kapang kapa ko ang isang tumpok na muta sa gilid ng mga mata ko. Nakakahiya!  Tapos tinitigan nya pa ako. Parang ayoko na tuloy hunarap sa kaniya.

"Well, even though you have that in your eyes, you're still beautiful." marahan itong tumayo at lumabas ng silid.

Namula ako bigla dahil sa sinabi ni Tantan. Kahit na may muta ako ay maganda pa rin daw ako. OMG!  Bakit tila may mga paru parong lumilipad sa tiyan ko or baka naman nahihibang lang ako sa sarili ko.  Tumayo ako at mabilis na humarap sa  aming lumang salamin. Tinitigan ko ang sarili ko at pinagmasdan ang bawat anggulo ng aking mukha. Matangos ang ilong ko na hindi ko alam kung saan ko namana dahil parehong pango sina inay at itay. Malalim rin ang aking mga mata na sinamahan ng makapal na kilay at mahahabang pilikmata. Kung iisipin ay para akong isang anak ng bumbay dahil Sa features ko. Maninipis din ang medyo pulahin kong labi na hindi na kailangang lagyan pa ng lipstick. Ngumiti ako at lumabas ang dalawang dimples na nagtatago sa aking mga pisngi. Hindi ako sobrang maputi pero sakto lamang ang aking kulay na perpektong depinisyon ng isang morena. May taas din akong humigit kumulang 5'2 sa edad na labing walo at isa rin iyon sa mga ipinagtataka ko dahil parehong maliit sina inay at itay. Marahil ay sa ibang kaanak namin ako nagmana. Habang tinititigan ko ang sarili ko ay napansin ko sa likod ko si inay na nakangiti rin habang nakatitig sa akin.

"Napaka ganda talaga ng dalaga ko manang mana sa akin."

"Syempre naman inay kayo yata ang pinaka magandang babae sa balat ng lupa at si itay naman ang pinaka gwapo sa lahat." nakangiti kong saad.

"Alexa lagi mong tatandaan na kayong dalawa ni Anton ang pinaka magandang nangyari sa buhay namin ng itay mo. Kahit na hindi sa amin nanggaling si Anton ay minahal namin kayo ng pantay."

You heard it right. Hindi ko tunay na kapatid si Anton. Napulot lamang namin siya sa palengke noong siya ay 2 gulang pa lamang. Nakita namin siyang umiiyak habang may hawak na laruan. Ilang beses na namin siyang inilapit sa pulisya upang ipagbigay alam subalit walang dumarating na kung sino man upang kunin siya kaya napag pasyahan na lamang namin na ampunin siya. Siguro ay nasa 10 taon na ako nung mga panahong iyon. Ang kaigihan lamang ay alam ni Anton ang katauhan niya na inampon lamang namin siya at tanggap naman niya iyon. Sa murang isipan ay malaki ang kaniyang pasasalamat sa amin dahil kung Hindi siya inampon ay baka nasa kalye lamang siya ngayon at palaboy laboy. Mahirap ang buhay namin subalit masaya naman dahil sa pagmamahal ng bawat isa at iyon ang kasiyahan na naguudyok saakin sa aking mga pangarap.

"Opo inay hinding hindi ko po iyon kakalimutan." nakangiti kong niyakap si inay.

"Halika na at makapag almusal dahil maya maya ay bababa kami ng bayan upang ibenta ang natirang uling. Maige na lamang at maagang ipinakaon ni Aling Bebang dito saatin ang karagdagang bayad na uling sa kaniya kung kaya't iilan na lamang ang ibababa. Nanghiram din ang itay mo ng kabayo doon sa Mansiyon upang ipanghakot pababa at mabuti na lamang ay pinahiram siya."

The Last Three WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon