Heart disease.This is what the doctor has just told me earlier. I'm having a heart disease and I just found it out today. The past few days, kaya pala very unusual ng pakiramdam ko dahil may konekta ito sa aking puso. As per, Dr. Jimenez, it's valvular heart disease. It affects how the valves function to regulate blood flow in and out of the heart. Moreover, the coronary arteries also fail to normally supply blood to the heart muscle. There is a trace of cholesterol plaque inside the artery walls which has been built already and it really triggers a lot. Overtime, this build up of plaque may partially block the artery and decrease blood flow through it.
I can't really believe I'm dealing with this kind of situation. For quite a long time I've been a very strong woman who were able to face and knock all the challenges in my life. And now, behind that strong woman is a disease that is not very easy to deal with. Sabi ng doktor ay kailangan ko muna magpahinga. Bawal ako mapagod, bawal magpagod o gumawa ng mga bagay na magpapalala ng nararamdaman ko. Kaya eto ako ngayon, nakahiga, tila walang lakas sa mga bagay bagay.
Mula kanina ay hindi umaalis si Cedrick sa tabi ko. Ngayon ay nakatulog na sya sa kalapit ko. Sumulyap ako sa orasan at nakitang pasado alas diyes na ng gabi. Ilang oras na pala akong nakatulog mula kanina nung huling punta sa akin ng doktor.
Marahan kong hinaplos ang buhok ni Cedrick. I'm beyond blessed to have him in my life. At alam kong malalagpasan ko ito dahil kasama ko siya. Siya ang nagbibigay lakas sa akin sa mga oras na ito.
I tried to lift my self up para makaupo sa kama subalit biglang sumakit ang dibdib ko dahil sa pwersa.
"Ouchh!" I groaned painfully.
Mabilis na nagising si Cedrick mula sa pagkakahimbing at dumalo sa akin na ngayon ay nakangiwi sa sakit.
"Are you okay? Anong gagawin mo? You need water?"
"No. I just want to sit. Nangangalay na ako paghiga but when I tried to, sumakit bigla dibdib ko." nakangiwi kong sagot.
"You should have told me, damn! Hindi mo pwedeng pwersahin ang sarili mo kaya nga naka bed rest ka."
"I'm sorry I didn't know. Can you just give me a glass of cold water please?" I said weakly.
"No. You're not going to drink a cold one. Better drink warm, I'll get you a water just stay here."
"I want a cold water please, I'm very thirsty." I begged.
"No. Hindi pwede dahil baka makasama pa sayo. Wag na matigas ulo mo. It's already late na rin you should take your meds now." he said firmly.
Wala na ako nagawa sa sinabi nya. Hindi na ako nagpumilit dahil alam ko namang hindi sya papayag. I took my meds as he said. Bahagya na akong nakaupo ngayon dahil sa tulong nya.
"Gusto ko ng umuwe. Kailan tayo uuwe? Ayoko ng magtagal dito."
"We're just waiting for the doctor kung pauuwiin kana. Sa akin kana uuwi. I have a condo in Manila at mula ngayon sa akin kana titira at ako na ang magaalaga sayo. Hindi ka pwedeng magtrabaho kaya babantayan kita." he said.
"pero paano--"
"Dinala na ni Francis lahat ng gamit mo sa condo ko kaya wala ka ng dapat ipagalala pa. Mas gusto nya rin na siya na ang magasikaso ng kaso laban kay Natasha. Please Alexa, wag mo munang stress'in ang sarili mo, makakasama sayo iyan."
Tumango na lamang ako sa sinabi niya.
"Once na okay kana magbabakasyon tayo sa resort namin sa Tanay okay? But for now, be a good girl, is that okay? He smirked.
"Yes, I will." I held his hands and place it on my right chest. "Just don't leave me again okay? Ikaw ang nagpapalakas sa akin kaya hindi ko kakayanin lahat ng ito kung wala ka.
He shook his head and gave me short kiss on my forehead, then my nose and finally my lips. "Yes, I will never ever leave you again. If you wish to be with me for the rest of your life, It's my pleasure and my always will to stay."
This is the life I've been wishing for a long time. Happy, contented, and with the person I owe a lot.
Nang sumapit ang umaga ay pinayagan na akong makalabas ng ospital subalit kailangan na makapagpahinga ako ng maayos sa bahay at kailangan sundin ang lahat ng bilin ng doctor. Gaya ng sabi ni Cedrick ay sa condo unit niya kami tumigil sa Maynila. It's a very big unit for us at hindi na ako magtataka dahil mayaman naman sila lalo na ngayon na isa siya sa namamahala ng negosyo nilang wine.
The ambience is very conducive in my eyes. The plain white walls with some interior designs really gives me an awe. There's a walk in closet as well. It has 2 rooms, wide sala, kitchen and a mini bar. I wonder if we're going to share one room but it really makes me blush thinking that we will sleep together. May asawa syang tao at hindi ko dapat kalimutan iyon. I need to respect his status as a married man and just think that I am here because I need him. It really hurts me a lot."Where's my room?" I asked.
He looked at me with amusement.
"We're going to share a room. Nasa kwarto ko na ang mga gamit mo."
"pero-"
"I said we're going to share one room. What's the problem? Paano kita mababantayan kung hindi kita kalapit?" nakabusangot na ang mukha niya ngayon.
"Cedrick, paano si Kyla?"
"We are here to live with our own world please don't include any other names, it's only for us." lumapit siya sa akin at inalalayan na ako papasok ng kwarto. There's a king size bed at the middle of the room. The room is very plain and I can see the skyscrapers along the high buildings near us. This time, parang ayoko ng lumabas ng building na ito. Parang gusto kong dito na lang ako habang buhay kasama siya. Pero hindi ko maiwasang hindi maisip na may malaking pagsubok akong kailangan harapin. At kailangan kong maging matatag. I'm about to open the glass window when my phone rang.
"Hello" my weak voice came from my dry throat.
"I have a news for you, Alexa." ramdam ko ang saya sa boses nya at naexcite naman ako Sa good news na sinasabi niya.
"What is it? Please wag mo ako biglain at baka ikamatay ko pa." I joked.
"Alexa, she's now rot in jail. She was already caught by the cops. Just earlier, nahuli na siya kasama ang ibang pumatay Sa mga magulang mo."
Hindi ako nakapag salita sa narinig ko. Parang gusto kong maiyak dahil sa tuwa subalit hindi pa rin nawawala ang poot ko sa demonyong iyon.
"Pupunta ako jan Francis" determinado kong sabi.
"Wag na Alexa, please! Baka makasama pa sayo. Let me handle this."
"No! Pupunta ako jan ngayon! Itext mo sa akin ang lugar at pupunta ako ngayon din." sabay patay ng telepono.
"Aalis tayo ngayon" mahinahon kong sabi.
"What? Hindi ka pa nakakapagpahinga Alexa makakasama sayo. Please, magpahinga kana muna." pakiusap ni Cedrick.
"Gusto ko siyang makita. Gusto kong makita ang pumatay sa pamilya ko." I gritted my teeth with too much anger.
"Hindi pwe-"
"Please, Tan. Walang mangyayari sa akin. Mas magiging maayos ang pakiramdam ko kapag nakita ko syang naghihirap sa kulungan."
"Okay, just don't stress yourself okay? We'll leave in a minute." he said lazily.
I hugged him tight with so much gratitude. Wala na akong mahihiling pa sa kaniya.
"Thank you. Thank you for always making me feel loved. Thank for granting every wish I do."
"Your wish is my command even if it means sacrificing my life. I love you, Alexa."
Life is really full of trials. Sometimes it pushes you down to the toughest battles but winning it is a choice. And this time, I will choose to fight for this battle. Even if it means sacrificing my life as well.
BINABASA MO ANG
The Last Three Wishes
Teen FictionWhen the moon, stars and heart collide. Be careful what you wish for.