Chapter 9

10 0 0
                                    

•Cedrick Shane Ly Delos Rios POV•

I can barely recall everything that was happened the last time I saw HER. But one thing is for sure, she's mad at me, not just mad, she might curse me also for everything I just did the last five years. I denied everything. I felt devastated for her lost family and it really broke my heart when I saw her crying. I want to wipe her tears, I want to hug her tight, I want to make her feel better, and I want her to feel that I will never leave her no matter what. But that time was really the hardest part for me to decide. It's about loosing her just to save my father's life. Yes, you heard it right. I need to save my father's life so I need to let her go in return. I shook my head and tried to recall the last thing happened.

•Intermission•

"What did you say??!! I am going to marry your daughter?!! " mariin kong tanong sa aking madrasta na si Natasha. Nasa mansyon na kami na pagaari ng aking ama ng mga oras na iyon. Si Natasha ang ikalawang asawa ng ama ko simula ng mamatay si mommy. Katulad ng ibang madrasta ay napakasama ng ugali nito. Alam kong umpisa pa lamang ay pera lamang namin ang habol nito. Mayroon itong anak na babae na si Kyla na kasing edad ko lamang. Subalit hindi tulad niya ng ugali. Madalas tahimik lamang si Kyla at sunudsunuran sa ina.

"Yes, you heard it right!" para hindi na mapunta pa sa iba ang yaman ng mga Delos Rios, it will be just you and Kyla." nakangisi nitong sagot.

"Hindi ko pakakasalan ang anak mo!"

"At bakit?? May ibang babae ka bang ipagmamalaki? At saka it's about time para mapasaya mo ang daddy mo. He's been sick for a long time baka sakaling lumakas sya."

There it goes again. Kahit alam ko naman na hindi nangingialam si daddy sa buhay ko ay pinapangunahan ng demonyitang ito ang mga desisyon ko sa buhay. Yes, dad is sick for a long time at habang tumatagal ay humihina ito. We've consulted a lot of doctors and he was diagnosed with a heart complication. I advised him to stay in States para doon mas mapagamot ng maayos but he chose to live in our ancestral house in Antipolo. Ewan ko ba kung bakit mahal na mahal nya ang demonyitang asawa nya.

"You do not have any rights to decide what will be the best in me. I rather be with Alexa than marrying your daughter!" giit ko.

"Oh really?  Iyon ay kung bubuhayin ko pa siya HAHAHAHA!!"

"Hayup ka!  Anong ginawa mo sa kaniya?!!!!" nanggigigil kong tanong sabay tayo at tulak sa kaniya. Subalit hindi ito natinag.

"Easy, easy son. Wala pa akong ginagawa sa kaniya. Mangyayari lamang iyon kapag tumanggi ka sa alok kong pakasalanan mo si Kyla."

Nanlambot ako sa mga narinig ko sa kaniya. Inaamin kong mahal ko na si Alexa. Sa maikling panahon na nakasama ko siya ay napagtanto ko siyang naiiba Sa lahat ng babaeng nakilala ko. At hinding hindi ko hahayaan na pati siya ay madamay sa gulong ito. Napakalaki ng utang na loob ko sa kaniya at Sa kaniyang pamilya subalit lahat ay nawala Sa kaniya mula nang dumating ako sa buhay nila.

"Please... nakikiusap ako wag na wag mong sasaktan si Alexa." Pagmamakaawa ko.

"Then do what I said, son. " saad nito.

"And what will I get in return?" nahihirapan kong tanong.

"I will let her live." nakangisi nitong sagot. "Common, just tell her that you didn't know her and she will live peacefully."

Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko. Gusto Kong mamatay na lamang kaysa iparamdam sa kaniya na hindi ko siya kilala. Oo nagsinungaling ako sa kaniya na wala pa rin akong naaalala sa lahat lahat tungkol sa akin. Subalit noong may naghahanap pa lamang sa akin sa bahay nila Alexa ay bumalik na ang alaala ko. Lahat ay naalala ko pati na ang dahilan kung bakit ako napadpad sa lugar nila. Ipinabugbog ako ni Natasha at ipinatapon para daw magtino dahil noon pa man ay ayaw ko ng magpakasal sa anak. Ngunit nahanap pa rin nila ako. Ayoko din namang lumayo ng sobrang layo sa kanila dahil alam kong isa rin siya sa mga dahilan kung bakit lalong humihina si daddy. Alam kong may pinapainom siyang gamot na iba Kay daddy kaya lalo itong humihina. Nalaman ko iyon nung minsan akong pumasok sa kwarto ni dad. Kaya siguro ay sasabay na lamang ako sa gusto niyang mangyari. Para na rin mailigtas ko ang buhay ng aking ama, yun nga lang ay mawawala naman sa akin si Alexa.

The Last Three WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon