Gabi na ay hindi pa rin maalis ang takot at kaba ko dahil sa mga nangyari. Hindi ko lubos maisip na maaapektuhan ako ng ganito. Nakauwe na sina inay mula sa bayan at maraming dalang pagkain subalit ang aking isip ay napakalayo ng takbo. Paano kung bumalik yung mga lalaking nagpunta kanina? Paano kung makita nila rito sa bahay si Tantan? Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa pamilya ko. Subalit ayoko rin namang isisi ang lahat ng ito kay Tantan dahil siya man ay biktima rin sa pangyayaring ito. Kailangan na lamang muna namin magingat ng mabuti.
Alam na rin nila inay at itay ang nangyari. Tahimik lamang sila habang kinukwento ko ang lahat at kabilin bilinan na kahit anong mangyari ay huwag ipapaalam na may lalaking tumutuloy sa amin, si Tantan. Bilin na bilin rin na palagi kaming magiingat sa pagpasok sa kakahuyan.
Lumipas ang isang buwan ay hindi pa rin bumabalik ang alala ni Tantan. May mga pagkakataon na may pumapasok na alaala sa kaniya subalit dagli ring nawawala hanggang sa makalimutan niya. Sa loob din ng mahigit isang buwan ay mas lumapit ang loob namin sa isa 't isa. Dahil mula nang mangyari ang kinatakutan ko ay hindi siya humihiwalay sa amin, lalo na Sa akin. Nakagawian ko na rin ang ngumiti sa kaniya kahit sa maliliit na bagay. Ayokong aminin pero isa ang sinasabi ng isip at puso ko. Nagkakagusto na ako sa kaniya. Iyon ang pilit kong iniiwasan. Halata man na may espesyal din siyang pagtingin sa akin ay ayoko pa ring umasa. Paano kung may asawa na pala siya o kaya girlfriend? Edi ako lang din ang masasaktan. Kaya siguro mas mabuting sarilinin ko na lang ang nararamdamang ito.
Isang Sabado ng umaga ay inutusan kami ni inay na bumaba ng bayan. Masama ang pakiramdam noon ni itay kung kaya't hindi nila kakayaning bumaba. Binigyan ako ni inay ng halagang limang daan na labis kong ikinagulat. Papasko daw iyon ni Madam Natasha, yung may ari nung Mansion na pinaglalabahan ni inay. Nakita ko na yun isang beses, may kasamang medyo maidad ng lalaki at isang tila binata na anak pero hindi ko namukhaan.
"Bumaba kayo at bumili kahit na kaunting mapagsasaluhan natin mamayang noche buena." nakangiting tugon ni inay.
"Pero inay, mas mabuti po siguro kung ibili na lang natin si itay ng gamot. Ayos lang naman po kung wala tayong handa mamaya." sagot ko.
"Anak, hindi naman malala ang sakit ko. Ako'y tinamaan lamang ng sipon at ubo. Mamaya lamang ay wala na ito. Ibili mo na iyan ng kaunting handa natin. Pwede ko bang hilingin na pansit at tinapay ang iyong bilhin?" nakangiting tanong ni itay.
"Opo naman itay. Huwag po kayong magalala at bibili akong pansit at tinapay. Kayo po ba inay may hihilingin din po ba kayo?" tanong ko Kay inay habang nakangiti.
"Bumalik lamang kayo rito ng ligtas anak." simpleng tugon ni inay.
"Syempre naman po inay uuwe kaming ligtas dahil masaya tayong magsasalo salo mamaya." mabilis kong sagot at tumingin naman Kay Anton. "Ikaw Anton may gusto ka bang hilingin?"
"Hmmm biskwit ate at kape!"
"Huh? Eh bakit naman biskwit at kape?" tanong ko.
"Basta ate gusto ko maraming biskwit at kape!" seryoso nitong sagot.
"Oo na sige na masusunod po. Inay, itay, bababa na po kami ni Tantan huwag na po kayong kumilos diyan bantayan nyo na lang po si tatay." sabi ko at Akmang tatayo ng biglang magsalita si itay.
"Alexa, yakapin mo nga ako anak at baka sakaling mawala itong sakit ko. "
"Ayy naku si itay naglalambing oh" mabilis akong lumapit Kay itay at yumakap ng mahigpit at humalik sa noo nito. "Magpagaling po kayo itay ha?" ngumiti at tumango lamang ito.
"Aba'y hindi ako papayag na wala akong yakap at halik Maryang!" pagrereklamo ni inay. Kaya mabilis akong yumakap din Kay inay at humalik dito. Napatingin ako Sa kapatid ko na tahimik lamang sa isang tabi.
BINABASA MO ANG
The Last Three Wishes
Teen FictionWhen the moon, stars and heart collide. Be careful what you wish for.