CHAPTER 16

4 0 0
                                    


Justice.

Mabigat ang loob. Nagliliyab na puso at walang pagsidlan na galit ang nararamdaman ko nang tumapak kami sa Rizal Provincial Jail sa Antipolo. Nanginginig ang mga kamay ko at halos matumba na dahil sa nararamdaman. Hawak ni Tantan ang kamay ko na nanlalamig na.

"Are you okay?" Nagaalalang tanong niya sa akin.

"Oo ayos lang ako." Mahina kong sagot.

Tumango na lamang siya ngunit Kita pa rin sa mukha ang hindi niya pag sang ayon sa pagpunta ko rito.

Pagkarating sa lobby ay sumalubong na sa amin si Francis na tila kanina pa nag aabang sa amin.

"Alexa!!!!" Mabilis siyang tumakbo at yumakap sa akin. "Ito na. Ito na ang matagal mong inaantay." Bulong nito sa akin.

Hindi ko na naman naiwasan ang pag patak ng luha sa aking mga mata. Hindi na ako makapag hintay na makita siya.

"Tara na. Samahan n'yo ako sa kaniya." At pinalis ko ang luha sa aking mga mata. Kailangan ay matatag akong humarap sa kaniya. Hindi na ako papayag na makita niya na isang lampa at talutalunan. Ipapakita ko sa kaniya kung ano at sino na ako ngayon.

Malayo pa lamang ay tanaw ko na siya na nakatayo habang nakahawak sa rehas na bakal. Mataman Niya akong tinitigan na tila ba ay kinikilalang mabuti. Lumipat ang tingin nito kay Cedrick at biglang ngumiti.

"Cedrick, anak...tulungan mo ako makalabas rito."

"Huwag mo akong tawaging anak dahil kahit kailangan ay Hindi Kita magiging ina!!!! Hayop ka! Tama lang na mabulok ka riyan sa kulungan dahil sa mga kademonyohan mo!" Nagngangalit na sambit ni Cedrick.

"HAHAHAHAHAHAHAAHHAHA" tila demonyo itong tumawa at biglang napalitan ng mukhang demonyo ang kaninang maamo niyang mukha. "Wala ka talagang utang na loob Cedrick! Pasalamat ka nga at binuhay pa kita!!!!!!"

"HAYOP KA!!!!" Sigaw ni Cedrick dito.

"At sino naman ang babaeng iyan? Iyan ba ang babaeng ipinalit mo kay Kyla? Sino ang babaeng iyan?" Nakangisi nitong tanong.

Halo Halo Ang galit at poot na nararamdaman ko nang makita ko ang mukha niya. Tila ba ay bumalik ang lahat. Kung paano niya ako pinahirapan. Kung paano niya ipinapatay ang aking pamilya. At kung paano niya ako ipinatapon na parang hayop noon.

Mabilis Ang aking naging pagkilos. Mula sa loob ay nagawa kong hilamin ang kaniyang buhok kung kaya't tumama sa rehas ang kaniyang mukha na ikinaputok ng labi nito. Tumulo ang dugo sa kaniyang braso dahil sa lakas ng aking paghila. Si Cedrick at Francis naman ay naging mabilis ang pagkilos . Hinawakan at hinila nila ako palayo kay Natasha. Kita naman ang galit at pagkagulat sa mukha niya.

Muling naglandas ang luha sa aking mga mata at hindi na napigilan ang galit.

"Hindi mo ako kilala???!!! Ako lang naman yung babaeng pinahirapan at muntik mo nang ipinapatay noon! Ako lang naman yung babaeng ipinatapon mo! At ako lang naman Ang anak ng inosenteng magasawa na ipinapatay mo noon! Kasama ang walang muwang kong kapatid!!! Ngayon? Naaalala mo na ba Lahat? Naaalala mo na ba lahat ng kademonyohan mo noon? Lahat ng kasamaan mo!???? Kaya tama lang na magdusa ka riyan!!!!". Halo na ang luha at pawis dahil sa sidhi ng aking nararamdaman.

"Alexa tama na please, ang puso mo!" Nagaalalang sambit ni Cedrick habang yakap yakap ako mula sa likuran. "Mabubulok na siya riyan sa kulungan kaya't hayaan mong ang batas na ang humatol sa kaniyang mga kasalanan."

Humalakhak muli na parang demonyo si Natasha.

" HA HAHAHAHHA! At ikaw pala ang munting babae na salot sa mga plano ko noon. Swerte ka dahil nabuhay ka pa ha?? Ang buong akala ko magkakasama na kayo ng pamilya mo sa hukay. Kung alam ko lang na nabuhay ka pala sana pala ay ipinahanap Kita muli at sabay ko na kayong ipinapatay nitong si Cedrick! Sana pala ay tinuluyan ko na rin si Cedrick para ang ama na lang niya ang isususunod ko! HAHAHAHAHHA"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Last Three WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon