TRES' POV
At sa wakas ay natapos na din naming ipasok ang mga pinamili namin.
"Hayst.. napagod ako dun ah.." hingal na sinabi ni Cal.
"So ano ang uunahin natin dito?" tanong ko.
Bigla siyang lumingon sakin at nagtanong, "Hindi ka na galit?"
"Hindi" maikling sagot ko kahit hindi totoo at nagpatuloy sa pagligpit..
Napagpasiyahan naming sa may garden malapit sa pool nalang namin siya isusurprise bukas. May mga mesa't upuan na sa pool kaya d na kami naglagay ng karagdagang mesa at naglagay nalang ng mga dekorasyong bulaklak. Naglagay din kami ng couch na mauupuan niya bukas. Nagpagpasiyahan din naming bukas na namin ilalagay ang mga balloon na itatali sa mga upuan at ang mga swimming floaters ng paborito niyang si Doraemon. Maliban sa doraemon, ang theme ng décor namin ay red, black, grey at white. Mga paborito niyang kulay. At yung mga regalo naman ay nasa sala pa at hindi pa nawrap. Medyo marami kaming napag.usapan habang nagliligpit at parang nawala na yung galit ko.
"Tara na, ibabalot pa natin ang mga regalo" sigaw ni Cal na malapit na sa pinto at hinihintay ako.
Nung nasa sala na kami ay nagulat ako bat nandito na sina Ace, Max, Axl, Bix at Knight. Kaya nagtanong agad ako.
"Ginagawa niyo dito?"
"Bawal? Edi aalis" masungit na sagot ni Max at akmang tatayo pero pinigilan siya ni Ace. Si Ace lang naman kasi nakakapagpkalma sa kaniya.
Paliwanag ni Ace, "Pinapunta niya kami dito kasi siguro may aaminin kayo. Pero feeling ko lang. Halata naman kasi sa mga nanditong gamit sa sala. Sige na, aminin niyo na. Magtropa tayo. Maiintindihan naman namin kayo at matatanggap kung sino kayo. Wag na kayong matakot, mananatiling sekreto ang kung ano mang sekreto ang tinatago niyo sa amin. Magiging tropa pa din naman tayo eh. Kaso nga lang ang unfair. Akala kasi namin sa tropa eh walang sekretuhan. Tapos malalaman naming ngayon na may tinatago kayo sa.."
"Tumigil ka na sa pagtatalumpati mo Ace dahil kung hindi babatukan na kita!" pagputol ni Brix sa paliwanag ni Ace
"Sabihin niyo na kasi Tres at.. wait nasaan na sila?" nagtatakang sinabi ni Axl.
"Taena mo Ace sa haba ng sinabi mo, nakaalis na sila dala yung mga gamit dito" pagsisi ni Uno kay Ace.
Lumabas sila maliban kay Knight na naiwang natutulog. At nakita nila sina Cal at Tres na nagbabalot ng regalo sa may garden. Sinabi na nila sa lahat ang plano nilang isusurprise si Callie maliban kay Knight kasi nga tulog siya at naiwan sa loob. PAULIT-ULIT??
BINABASA MO ANG
The 9 Pervert Boys and Me
FanfictionFirst story ko plng po ito. Pero feeling ko po maganda naman kalalabasan nito. Feeling ko lang😅. Exo-L po ako😍😅. Sana po may magkagusto😇😘. First story ko po ito at hindi po ako mahilig magbasa kaya medyo may mga mali-mali😅. Pero ginagawa ko la...