The Surprise

303 14 7
                                    

"Hindi naman siguro galit si Kuya di ba?" – Callie

"Hindi naman siguro.. Baka busy lang. Baka kasi nagppractice sila kasi may sasalihan na naman silang contest. Ganun." – Everly

Naputol ang pag-uusap nila nang may tumawag kay Callie.

Callie: Hello, Tres?

Tres: Callie? Pumunta ka sa bahay dali.

Callie: Bakit ba?

Tres: Yung kuya mo nabalian. Nadulas dahil basa ang sahig ng pinagppractice-san namin

Callie: Sige Tres. Papunta na ako. Salamat.

"Bes, pupunta ako sa bahay nila Tres. Nabalian daw si Kuya" – Callie

"Bat hindi pa dinala sa Ospital?" - Everly

"Ewan ko din bes eh"

"Sige, sasamahan na kita"

"Tara na"

Nang makarating sila sa bahay nina Tres..

"Kuyahhh!!!!!" sigaw ng natatarantang si Callie.

Bumukas ang gate at nagulat siya sa kaniyang nakita. Sinasalubong siya ng malaking doraemon na mascot.

"Happy birthday Callie!!" bati nilang lahat

"Auhhhh.. Salamat po sa inyong lahat. Lalo na sa'yo kuya" –Callie

Niyakap ni Callie si Cal.

"Tapos na ba? Pwede ko na bang hubarin to?" – Uno

Tumingin silang lahat sa mascot at nagtawanan.

Ihinatid na nila si Callie sa may garden at pinaupo sa couch. Ibinigay narin nila ang mga regalong pinamili nila. Kinantahan din nila si Callie ng mga paboritong kanta nito. Hindi nila nalamayan na dumilim na pala. At uuwi na rin si Everly.

"Callie, payag ka ba na dito na muna tayo matulog ngayong gabi?" – Cal

"Sige na, dito na kayo matulog at may kwartong bakante pa naman dun." – Tres

Hindi na nakatanggi si Callie kaya dun na sila ni Cal matutulog. Naisipan nilang magmovie marathon.

"Gusto mong uminom Cal? Kumuha ka lang ng wine dun. Or ng beer" - Uno

"Sige, kukuha lang ako mamaya" – Cal

"Kuya!" – Callie

"Allergy nga pala ako sa mga yan pre" – Cal

"Good" – Callie

Natawa nalang ang iba nilang mga kasama.

"Uhmm.. Guys uwi na pala ako baka nag-aalala na sakin mga magulang ko" – Ace

"Sino ba namang magulang ang di mag-aalala sa unika-iha nila, diba?" –Knight

"Aba'y nang-aasar ka ba?" – Ace

"Palibhasa di ka mahal ng mga magulang mo!!" – Max "Halika na nga Ace, ihahatid na kita"

Umalis na sina Max at Ace

"Kailan pa kaya sila aaming dalawa?" – Knight

"Hindi. Ganyan lang talaga sila kaclose kahit magkaibang-magkaiba yung mga ugali nila" – Cal

"Pero iba talaga yung pagtitinginan nila kanina nung hinila ni Max si Ace eh" – Dos

"Eh bat nga pala niya hinila si Ace kanina?" – Brix

"Ako hindi ako sure hah, pero parang nagseselos yata si Max sa inyo ni Ace" – Axl

Subrang nakatutok si Callie sa pag-uusap nila tungkol kina Max at Ace at di nya na namalayan na kumuha na pala ng beer si Cal at umiinom na. Napansin lang siya ni Callie nung umiinom na siya ng ikalima niyang can ng beer.

"Kuya, akala ko ba allergy ka jan?" – Callie

"Eh binigay na ni Knight sakin. Nakakahiya nang tumanggi" – Cal

"Bat mo ko dinadamay jan?" - Knight

Napalingon si Cal kay Knight at sumenyas na nagsasabing "sabayan mo nalang kasi ako". Bigla namang hinabalot ni Callie ang hinahawakan ni Cal na beer at ininom ito na ikinagulat naman ni Cal at ng anim. Aagawin pa sana ni Cal sa kaniya ang beer pero huli na ang lahat.

"Huy!! Ikaw ang bawal jan dba??" – Cal

"Kuya, hayaan mo na lang ako. Bday ko naman eh. At isa pa, ngayon lang tu. Promise" –Callie habang parang nagpapacute at nakataas ang kanang kamay.

Hinayaan na lamang siya ni Cal at nagpatuloy sa pakikipag-usap at si Callie naman ay umiinom habang nanonood ng TV.

Maya-maya ay nakatulog si Callie sa sofa ng di niya namamalayan. Binuhat nalang siya ni Cal at hinatid sa kwarto para makatulog ng komportable.

The 9 Pervert Boys and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon