CHAPTER XXI

87 6 0
                                    


"Edi mabuti nga sa kaniya. Di ba ang usapan, dito muna tayo?" – Dos

"Sunduin nalang natin Kuya" – Callie

"Mabuti pa nga para makasigurado tayo" – Cal

"Teka, eh parang kayo yung nanganganib pag kayo pa ang lalabas?" – Brix

"Edi ibang sasakyan yung gamitin nila para di sila makilala." – Max "Yung kotse ko na yung gamitin ninyo."

"Wooh..? Kelan pa naging mabait ang isang Maximus Caspere Sun? haha" – Uno

"Sige yung kotse nalang pala ni Uno, para kahit batuhin man eh OK lang kasi mayaman naman kayo" – Max

"Sige, alis na kami" – Cal

"Ingat!" – Ace

Nakalusot nga sina Cal sa tatlo sa labas. Ngunit nag-aalala pa rin sila sa kalagayan ni Knight.

"Kuya, totoo nga ba talaga na hawak nila c Knight?" tanong ng nag-aalalang si Callie.

"Hindi ko nga rin alam baby, pero paano nila magagawa yun kung di sila umaalis sa labas ng bahay? Or..." – Cal

"Or.. may mga kasama pa sila?" – Callie

"Ba't pa ba kasi tayo napunta sa sitwasyong ito. Hay.." napabuntong hininga si Cal. "Antitigas kasi nung mga ulo eh, sinabi na ngang hindi ikaw yung pumatay at lalong hindi mo kayang pumatay, hindi parin naniniwala at pinagpipilitang ikaw ang pumatay"

"Kuya, wag na nating pag-usapan yan" – Cal

Tumahimik na ang paligid at nagpatuloy nalang si Cal sa pagd-drive. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na sila kina Knight. Pagdating nila ay bukas ang gate ng bahay ni Knight kaya pumasok na sina

"Knight?" sabi ni Cal at kumatok pinto.

Sa pagkatok niya ay bumukas din ang pinto. Kinabahan si Cal kasi baka nga may kumuha na kay Knight. May narinig silang bumukas na pinto mula sa loob.

"Knig.." naputol ang sinasabi ni Callie nung takpan ni Cal yung bibig niya. Hinila niya si Callie papunta sa likuran niya at sumenyas na tumahimik.

Kinuha ni Cal ang baseball bat ni Knight sa likuran ng pinto. Alam niyang doon nakalagay kasi nakita niya nung pumunta sila kina Knight.

Mula sa kinatatayuan nila ay nakikita nila ang isang anino na parang may hinahanap at kinakapa. Sumenyas si Cal kay Callie na wag umalis at lumapit siya sa kinaroroonan ng anino.

Natabig ng anino ang bote ng beer na wala nang laman sa lamesa na gumawa naman ng malaking tunog. Nagulat silang lahat at muntik na sanang masuntok ni Cal yung tao sa subrang pagkataranta kahit alam niyang may dala siyang baseball bat ngunit natamaan ni Callie ng kaniyang ulo ang switch nung napaatras siya dahilan ng pagbukas ng ilaw. Buti nalang at napigilan ni Cal ang sarili kung hindi ay nasuntok na niya sa mukha si Knight.

"Ba't di mo kasi binubuksan yung ilaw?!" sigaw ni Cal

"Eh yun nga yung hinahanap at kinakapa ko. Ba't din ba kasi kayo nandito at bakit para kayong mga praning?" – Knight

"Mamaya na natin pag-usapan sa bahay. Sumama ka na sa amin. Magdala ka narin ng mga damit mo" – Callie

"Ayoko, masakit ulo ko" – Knight

"Eh sino ba kasi ang nagsabi sayong uminom ka ng napakarami? Sige, ayaw mong sumama? Magtatampo ako" sabi ni Callie sabay pout.

"Yung totoo, nakaempake na ako" – Knight

"Wag kami yung pinagloloko mo Knight." – Cal

Kagaya ng sinabi, nag-empake na si Knight at umalis na sila. Kahit masakit ang ulo ni Knight ay ang saya nilang nagkwentuhan at nagkantahan.

"I want you, I want you, want you! Wooh! We are EXO, Obsession EXO!" pasigaw na kinanta ni Knight habang sumasabay sa music.

"Huy! Akala ko ba masakit yang ulo mo? haha" – Callie

"Ah.. Yung sa ilalim yun" mabilis na sagot ni Knight.

"Huy!! Kung ano-ano yung sinasabi mo sa kapatid ko" – Cal

"Luh sorry haha di ko namalayan na may sinabi ako" – Knight "Medyo masakit yung ulo ko pero kapag kasi naririnig ko yang kantang yan, d ko mapigilang sumabay."

"Ahh ganun ba?" – Callie

"Pati yung oh baby, baby what it is. Kaso nga lang nabubulol ako palagi sa letter S" – Knight

"Hahahaha" tumawa ng malakas si Cal.

Nagsisitawanan sila ng biglang..

"Kuyyyyyyyyyyyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" – Callie

BOGSHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!

The 9 Pervert Boys and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon