Chapter XX

80 6 0
                                    


Chapter 20

"Knight Ines Hunt, asan ka ba?" sigaw ni Dos na balisang-balisa na.

Kinatok ni Cal ang kwarto ni Callie para sana itanog kung nakita niya ba si Knight. Agad din namang binuksan ni Callie ang pinto.

"Po, Kuya?" – Callie

Hindi pa nakapagsalita si Cal nung napatingin siya sa loob at nakita niya si Knight na nakaupo sa kama at abot tenga ang pagngisi.

"Bat ka nandito? Sira-ulo ka, mamamatay na si Dos kakasigaw ng pangalan mo kanina pa" tanong ni Cal kay Knight. Biglang napalitan ng pag-aalala ang ngisi ni Knight. Ngunit bigladin naman itong napalitan ng pagtatampo.

"Tss.. bat niya naman ako hahanapin? Para saan pa?" sabi ng walang pakialam na si Knight.

"Basta, puntahan mo nalang siya. Nasa labas pa siguro siya" – Cal

Napilitang lumabas si Knight at pumunta sa labas. Nakita niya si Dos sa loob ng kotse nito na nakayuko sa manebela. Kinatok siya ni Knight at binuksang niya ang pinto. Tiningnan lang siya ni Dos at nakita niya ang mga mata nito na namumula at naluluha.

"Ano ba ang problema mo?" tanong ni Knight sa galit pero mahinahong boses.

Hindi sumagot si Dos at bumalik siya sa kaniyang pagkakayuko.

"Huy tumingin ka sa akin!" sigaw ulit ni Knight sa galit nang boses.

"Lumabas ka nga diyan at kausapin mo ako" dagdag pa niya sabay hatak kay Dos palabas ng kotse.

"Ano ba?!" sigaw ni Dos at itinulak si knight palayo. "Ikaw ang problema Knight. Oh masaya ka na?"

Hindi nakaimik si Knight, parang nabato siya sa narinig mula kay Dos at nakatingin na lamang siya dito.

"Oh ano? Natahimik ka ngayon?" – Dos

"Kasi nasaktan ako. Pumunta ako dito dahil akala ko magiging ok na. Mas lumala lang pala" – Knight

Lumabas ng gate si Knight. Nandoon pala ang kotse niya na hindi nakita ni Dos.

"Bakit alam ko bang seryoso ka pala? Eh kung sinabi ko ang totoo at nagp-prank ka lang pala edi napahiya ako? Ayan ka na naman kasi sa pagiging selfish mo eh. Hindi mo na iniisip na nasasaktan din ako!" sigaw ni Dos habang naglalakad palabas si Knight ngunit hindi siya pinansin ni Knight. Pumasok na ito sa kotse at humarurot.

Pag-uwi sa bahay ay agad siyang tumungo sa kusina at uminom ng beer at nakaubos agad siya ng sampung bote. Habang inuubos niya ang ikalabing-isang bote ay nakatulog siya.

Sa kabilang dako, sina Cal naman ay pinagbabato na naman ng tatlo.

"Akala ko titigil na sila, akala ko lang pala" – Cal

"Hindi pa sila titigil hanggang di nila nauubos ang mga bato sa buong mundo" – Brix

"Ang w-weak niyo naman! Hanggang sa bato na lang ba kayo? Wala bang pakidnap-kidnap scene? Ah wala! WEAK!!"sigaw ni Axl na nasa labas.

"Huy gago ka! Ikaw kidnapin ko eh! Pumasok ka nga dito!" – Max

"Honey butter coconut, hindi pwede. He's not a kid anymore, remember?" – Ace

"Ewan ko sayo Ace. Matulog ka nalang o di kaya maglaro kayo ng barbie ni Callie" – Cal

"Tara baby, kunware ako ang daddy tas ikaw mommy" – Max

Maya-maya ay may nagtext na naman kay Callie.

"Fag kamih thalaga nakafashok jan, fathay kahyong lahath"

"Ay futhang-ina, fathi va naman sha teksh nakavrashesh farin?" – Tres

"Block mo na nga lang yan. Nakakainis na eh" – Cal

"OK po kuya" sabi ni Callie at agad na binlock ang number ng magm-message sa kaniya.

Maya-maya ay sa number naman ni Axl nagtext ang tatlo.

"Akala ninyo,mapipigil niyo kami?" – sabi sa text

"Tss.. hayaan mo nalang yan. Mga duwag din naman yan eh.." – Cal

Natapos nang magluto si Brix at kakain na sana nung may tumawag kay Dos na ibang number ngunit hindi sinagot ni Dos kasi nag-eemote-emote siya.

number na tumawag.

"Hawak namin kaibigan mo" – sabi sa text.

"Wala akong paki kahit patayin mo pa yan!" reply niya.

"As you wish. Pero syempre papahirapan muna namin siya."

"Tss tulungan ko pa kayo eh."

"Parang may bago na tayong callmate at textmate ahh?" sabi ni Tres sabay hablot sa cellphone ni Dos at binasa ang text.

"Watdaf.." nagulat si Tres sa nabasa. Agad siyang tumakbo kina Cal at binigay ang CP. "Uy basahin niyo tu"

Hinabol naman siya ni Dos at agad ding hinablot ang CP niya.

"Talaga bang magpapaniwala ka sa mga sinasabi nila? Kayo na nga mismo ang nagsabing mahihina sila at hanggang sa pabato-bato lang diba?" – Dos

"Paano kung totoo? Paano kung nanganganib si Knight?" - Brix

The 9 Pervert Boys and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon