Napagpasyahan nilang dun na muna manatili sa bahay ng kambal sina Callie at Cal para na rin sa proteksyon nila. Yung pagkabangga kasi nila ay nagdulot ng trauma kay Callie. Kunting kalabog lang ay nagugulat ito at napapaiyak na lang sa kaba. Eh pano na lang kaya kung doon pa sila sa bahay nila na laging binabato ng tatlo?
"Uy, dahan-dahan sa paa. Alalayang mabuti" paalala ni Cal sa kambal na tumutulong umalalay kay Callie na alam niyang parang mga kalabaw kung gumalaw.
"Ihatid na lang muna natin siya sa kwarto tas aalis na lang ako para bilhan siya ng wheelchair para di na tayo mahirapan both sides" mahinahon na sabi ni Dos habang inaalalayang umupo si Callie sa higaan.
"Luh! Marunong ka rin pala gumamit ng utak mo paminsan-minsan?" kunwaring gulat na sabi ni Uno kay Dos. "Promise isusulat ko talaga 'to sa diary ko" dagdag pa niya.
"Syempre naman. Gusto niyo gamitin ko pa ulit?" mayabang na tanong ni Dos.
"Teka vi-videohan ko. "Unbelievable moments caught on cam!" " - awat ni Tres habang kinakapkap kung saang bulsa niya inilagay ang phone niyan. "Sige. Lights, Camera, Action!".
"Lalabas ako para bumili ng wheelchair pero kayo yung gagastos" - Dos
" 'wag ka na ulit magkamaling gamitin ang utak mo" - Uno
*may bumusenang sasakyan sa labas*
Dos' POV
Alam naman na nating lahat na si Knight yung nasa labas.
"Yung jowa mo nasa labas na!" sigaw ng bida-bida kong kakambal na akala mo ang lalayo namin sa isa't-isa. Sumigaw lang naman siya para mapahiya ako.
"Wait lang kukuha lang ako ng pera!" sigaw ko rin sa mukha niya. Tangina kasi ako na nga bibili, ako pa gagastos tas sisigawan ka pa. Hayst.
"Wait lang daw. 'di pa tapos magmake-up!" sigaw pa nung isa sa bintana.
Me:
*checks phone
*open google
* "How to kill my siblings?"'Di joke lang. Syempre kumuha na agad ako ng pera. Ayaw naman nating paghintayin si Master. Alam niyo naman 'yan pagnagalit.
"Bye guys, I'm getting married!" ewan ko rin kung ba't ko nasabi 'to nung palabas na ako ng pinto.
"Huy! Maghunos-dili kang hinayupak ka!" pabirong sigaw ni Uno. "At ikaw! Ibalik mong buhay 'yan dito huh!" dagdag niya pa.
Pagdating sa labas ay nagulat talaga ako. Pinagbuksan pa ako ng pinto ng loko. Wala na akong nagawa edi pumasok na lang din tas sa loob ko na ipinutok. Ay mali. Pumasok ako at hinintay ko na lang din siyang pumasok. Amoy pabango pa ng babae yung kotse niya. Nainis tuloy ako. Pagkaupo niya ay nagsalita agad siya.
" 'Di mo naman na kailangan magmake-up pa ah."
Napailing lang ako at kunwareng tumitingin sa cellphone. Naghahanap ako ng app na pwede kong buksan nang hindi ko maramdaman ang awkwardness sa surroundingness. Pero wala akong mafoundness na appness. Pupunta na lang sana ako sa YouTube para manood ng videos ng Glai and Jam 8LOGS (nice Segway) kaso nagsalita siya ulit.
"Saang hotel ba tayo?"
Hindi na ako nakatiis kaya tiningnan ko na siya ng masama. Paglingon ko sa kaniya, hanggang tenga na naman yung pagngisi niya. Tumingin siya sa'kin at kinindatan ako. Binalik niya din agad yung paningin niya sa daan.
Ako naman nakatingin pa rin ng masama sa kaniya. Akala niya madadala niya ako sa pakindat-kindat niya? Syempre OO HAHAHA.
Mabilis kaming nakarating sa paruruonan namin. Bumili na rin kami ng iba pang mga pangangailangan namin sa bahay.
Pagdating sa bahay, nandoon na sina Max at Ace.
"Uy Max! Kamusta ang honeybuttercoconutmoon?" tanong ko kay Max na nakasandal sa may gate at binabantayan yung aso niya na nakikipaglaro kay Vivi.
Syempre dapat honeybuttercoconutmoon talaga. Hindi lang bastang honeymoon.
"Pinagsasabi mo?" sagot ng gago.
Sana pala 'di na ako nagtanong. Naalala ko si Knight kaya nilingon ko siya.'Di ko man lang namalayan na umalis na yung gago. Nakita siguro yung mga aso.
Ewan ko ba ba't siya takot na takot sa mga aso. Eh mahilig naman siya sa dogstyle.
BINABASA MO ANG
The 9 Pervert Boys and Me
Fiksi PenggemarFirst story ko plng po ito. Pero feeling ko po maganda naman kalalabasan nito. Feeling ko lang😅. Exo-L po ako😍😅. Sana po may magkagusto😇😘. First story ko po ito at hindi po ako mahilig magbasa kaya medyo may mga mali-mali😅. Pero ginagawa ko la...