Mysterious Guy - Knight

237 14 5
                                    


Nagising si Callie.. hindi naman sumakit ang kaniyang ulo dahil konti palang ang nainom niya.

Callie's P.O.V.

"Luh ba't ang dilim?"

Tatayo sana ako pero narealize ko na hindi na ako nakahiga sa sofang hinihigaan ko. Kinapa ko ang aking kinahihigaan. Ito'y malambot at malaking kama. Sa pagkapa ko ay nakapa ko na ang aking higaan at damit pala ay medyo basa pero hindi ko muna ito pinansin at inalala muna kung nasaan ako. Nakapa ko rin sa wakas ang aking cellphone. Agad ko itong in-on at nakita ko, "Jan. 24, 2020 01:36 AM". Ginamit ko ang flashlight ng cp ko para makita ang switch at ang pintuan. Matapos kong i-on ang ilaw ay lumabas ako sa kwartong iyon. Pagkalabas ko ay narinig ko ang ungol ng isang babae at pinuntahan ko. Patay na ang mga ilaw at tanging ilaw nalang mula sa kwarto ang nagpapaliwanag sa aking dinadaanan dahil iniwan kong bukas ito. Nakita kong tulog na silang sa sala at nanggagaling lang pala sa pinapanood nilang porn yung ungol ng babae. Hindi na ako nagulat kasi alam ko naman yung mga ugali nila. Hindi ko namalayan ang aking sarili na iniisip ko na pala na ako yung babaeng umuungol at sarap na sarap ako sa ginagawa sa akin ng tatlong lalaki. Bumalik lang ako sa ulirat nung gumalaw si Axl at nahulog yung remote. Akma ko na sanang papatayin ang TV nung may biglang humawak sa magkabilang baywang ko at bumulong..

"May nanonood pa po" – taong nasa likuran ko

Binababa niya yung kamay papunta sa puson ko at bigla ko siyang naitulak dahilan ng pagkatumba niya kay Axl.

"Aray! Putang-ina! Magsitulog na nga kayo!" – Axl

"San ka ba kasi pupunta Callie?" – Knight

"WTF? Knight? Alam kong may kabastosan ka pero magagawa mo ba talaga yung ginawa mo sakin kanina?"

"Huy!" –Knight

"Ah eh, magc-CR sana ako" – sagot ko

Sinabi niyang sasamahan niya daw ako. Tatanggi sana ako kaso di ko alam kung saan yung cr kaya pumayag nalang ako.

Pumasok na ako sa CR at ni-lock ito. Pagkatapos kong umihi ay tumalikod ako sa pintuan at nagflush. Laking gulat ko nang nasa harap ko na siya nung lumingon ako. Hindi ko alam na sira pala ang lock sa CR na yun. Mas lumapit pa siya sakin at ako naman ay hindi na nakaatras dahil toilet na ang nasa likuran ko.

"Bahala na, mangyari na ang mangyare" sabi ko sa isip ko.

Subrang dikit na ng katawan niya sa akin ngayon. Ramdam ko na ang tibok ng kaniyang talong ah este puso. Naaamoy ko narin ang amoy alak pero mabango niyang hininga. Unti-unti niyang hinalikan ang labi ko. Hindi ko alam ang aking gagawin kaya hindi ako gumagalaw. Mas pinili kong manahimik kaysa sa tawagin si Kuya dahil iniisip ko rin ang mangyayare kay Knight kapag nalaman ni Kuya ang ginagawa niya sa akin. Siguradong basag ang mukha niya kay Kuya. Matapos niya akong halikan ay niyakap niya ako ng napakahigpit. Subrang higpit na parang puputok na ang aking dalawang pakwan. "pakwan talaga author? Di ba pwedeng orange palang muna?".

"Sorry Callie. Sorry sa kanina. Sorry sa ginawa ko ngayon. Sorry sa lahat" – Knight, sa malungkot na boses

Huh? Hindi ko maintindihan. Parang pinagnanasaan niya ako kanina. Tapos ngayon, nagso-sorry siya. Ang bastos, may masamang ugali, walang modo at mapagmataas na si Knight Ines Hunt ay nagso-sorry sa akin at para pang umiiyak. Or sadyang assuming lang ako at di siya umiiyak. Pero bat siya ganito.

Bumitaw na siya sa pagyakap sa akin nung marinig niyang tinatawag ako ni Kuya at lumabas sa CR. Lumabas din ako pagkatapos.

"Oh san ka galing?" – Cal

"NagCR po Kuya. Matutulog na po ako ulit" ­sabi ko kay Kuya kahit alam kong hindi ako makakatulog dahil sa ginawa ni Knight, at pumasok na ako sa kwartong pinanggalingan ko kanina.

Kakahiga ko palang nung may kumatok sa pintuan. Pinapasok ko kasi akala ko si Kuya lang. Pero siya na naman. Ang misteryosong si Knight Ines Hunt na naman.

Nagulat ako nung hinubad niya yung sout niyang damit. At the same time, na-amaze din sa ganda ng katawan niya at sa bumubukol sa may pants niya. Lumapit siya sa akin at ito na naman. Hindi ko na naman alam yung gagawin ko at feeling ko itutuloy niya yung hindi niya nagawa sa akin sa CR. Pero naputol yung imaginations ko nung bigla siyang nagsalita.

"Palit tayo ng damit. Hindi magandang basa yang suot mo at matutulog ka pa" – Knight

Binigay niya sakin ang damit niya at tumalikod. Siguro naramdaman niyang basa yung damit ko kanina nung hinawakan niya yung baywang ko.

"Magbibihis na ako, wag kang lilingon" sabi ko pero ni hindi man lang siya tumango.

Binilisan kong bumihis kasi nga baka lumingon siya. Pagkatapos kong magbihis ay binato ko sa kaniya yung damit. Trip ko lang. Bakit ba? Lumingon na siya sakin at tinitingnan niya lang ako.

"Salamat" sabi ko dahil ang awkward nung pagtitinginan namin.

Hindi na naman siya sumagot. Sinout niya yung damit ko at lumabas. Hindi siya nahalata na iba na yung sout niya dahil parehung oversized na white tshirt yung sout namin.

Hindi ko na siya inisip at naglaro ng sa CP ko at di ko namalayang nakatulog na ako. Kinabukasan paggising ko, ay kami nalang ng triplets at si Kuya ang naiwan doon dahil maaga pa palang umuwi yung lima. Dun na kami nagbreakfast at umuwi na pagkatapos.

The 9 Pervert Boys and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon